“Love, tinatamad akong pumasok. Parang antok na antok ‘yung pakiramdam ko,” ani Rusty saka dumapa sa kama, at isinubsob ang ulo sa unan. “Love, ‘di ba sabi mo may important meeting ka ngayon? Sino ang mag-aasikaso no’n kung hindi ka papasok?” tanong ko sa kanya habang inaalog siya sa balikat. Umungol lang ito at napakamot sa ulo. “Tatawag na lang ako kay Melvin. Siya na lang muna ang bahala roon tutal kayang-kaya naman na niyang makipagbolahan sa investors,” sabi pa niya sabay tihaya mula sa pagkakadapa sa kama. “Sure ka? Paano kung hanapin ka ng investors?” nakakunot-noong tanong ko sa kaniya. “Kaya na ni Melvin iyon.” Nakapikit pa rin niyang sagot sa akin. “Okay. Sige magluluto na muna ako ha? Anong gusto mong kainin?” tanong ko sa kanya bago ako tumayo. Tumingin naman agad siya sa

