Everything went well naman sa pagsasama namin ni Rusty. Sa amin na rin nakatira si Aerielle at bumalik na ito sa dati nitong sigla. Naging masayahin na siya ulit at mas lumambing pa nga. Sa sobrang lambing niya, minsan gusto pa niyang matulog sa tabi namin ni Rusty. Siyempre, papayag ba naman ang asawa kong may asungot sa gitna namin? Siyempre hindi! Ahahah, pero minsan pinagbibigyan naman namin siya. Palagi rin siyang sumasama sa pagsundo sa akin kapag pang-umaga ang duty ko. Ang saya-saya lang kasi parang bumalik kami sa dati— noong four years old pa lang siya. Not until the witch, este, the mother in law came in the scene. Parang wala na akong ginawang tama sa paningin niya. Well, actually ayaw pa rin kasi niya sa akin bilang manugang niya. Naisip ko nga sinadya niyang huwag umuwi noon

