Isang buwan ang matuling lumipas, at ngayong araw na ito na nga gaganapin ang aming pag-iisang dibdib ni Rusty. Napagkasunduan naming sa Huwes na lang muna magpakasal, dahil hindi makauuwi ang mga magulang niya. Kaya naman simpleng handaan, at selebrasyon lang ang aming idinaos. Kasama siyempre ang mga taong malalapit sa amin, at ang aking pamilya. “Congrats mare! Finally, achieve mo na rin ang happiness mo!” tuwang-tuwang saad ni Angie sa akin. “Thank you mare!” nakangiti ko namang sambit sa kaniya. “See? Kung hindi mo kami sinunod, hanggang ngayon nga-nga ka pa rin diyan!” wika naman ni MJ na ngayon ay dessert naman ang nilalafang. “Oo nga eh, buti na nga lang at nakinig ako sa inyo,” natatawang tugon ko na lang sa kaniya. “Hep! Buti na lang at nag-open up ka sa amin, dahil kung hi

