Magkayakap kaming nakahiga sa kama habang nakaunan ako sa kaniyang dibdib. Katatapos lang ng aming session, kaya naman pareho kaming namamahinga ngayon. Tila walang kapaguran ang aming mga katawang sabik sa isa’t isa. Sa tagal ba naman naming hindi nagkita’t nagkasama, malamang sa malamang matinding bakbakan ito! Parang ayaw na nga naming matapos pa ang araw na ito eh. “Love, bakit ka ba talaga umalis noon? Alam mo bang araw-araw akong nag-iisip kung bakit mo kami biglang iniwan? Halos mabaliw ako kakaisip,” maya-maya’y tanong niya sa akin. “Kinausap kasi ako ni Arianne noon. Sinabi niya sa akin ‘yong reasons niya, kung bakit niya kayo iniwan noon. I felt sad, and pitty her. Kasi ramdam ko ang pagnanais niyang makasama kayo ng anak ninyo, kaya naman nagparaya ako. Pero pinagsisihan ko iy

