THIS CHAPTER CONTAINS MATURE CONTENT NOT SUITABLE FOR MINORS. PLEASE READ RESPONSIBLY. Nag-request ako ng leave kay Angie bilang siya ang manager namin ngayon. Pumayag naman siya, at sinabihan akong kahit ano ang kalabasan ng gagawin ko, I still have them. Niyakap ko naman siya at nagpasalamat matapos niyang sabihin sa akin iyon. Napagdesisyunan ko kasing ngayong araw ko na gagawin ang plano ko. After kasi naming mag-usap na magkakaibigan, na-realize kong tama sila. Sarili ko naman ngayon ang iintindihin ko. Uunahin ko na muna ang kaligayahan ko bago ang kaligayahan ng iba. Abot-abot ang dalangin ko habang tinatahak ang daang papunta sa bahay, na minsang naging saksi ng pag-iibigan namin ni Rusty. Nang nasa tapat na ako ng gate ng bahay na iyon, ay parang bigla akong nagdadalawang isip

