“Are you okay?” agad na tanong ni Thummy sa akin nang makaupo na kami sa bakanteng upuang inilaan nila para sa amin. Bumuntong hininga naman ako saka umiling sa kaniya bilang tugon habang inaayos ang aking bag sa sandalan ng aking upuan. “It’s okay mare, ‘wag mong pigilan iyan. After three years, kailangan mong ilabas iyan. Let go of that pain para naman gumaan na ang pakiramdam mo kahit papaano,” seryosong saad naman ni Ayen sa akin sabay haplos sa aking braso. “Tama, kaya ngayong gabi, iinom tayo at ilalabas mo lahat ng sama ng loob mo. Iyang kinikimkim mo, for the past three years. You have to end that tonight, para naman makapag-move on ka na!” sabat naman ni MJ saka kumaway sa waiter. “Kuya dalawang bucket ng beer at isang mix platter please,” agad nitong order sa waiter nang makala

