After three years, heto at sa BSC pa rin ako nagtatrabaho kasama ng aking mga kaibigan. Tatlo sa kanila ay happily married na sa kani-kaniyang mga butihing mister. Habang kami naman ni MJ ay nananatiling mga single. Yup! Single pa rin po ako, kasi hindi na ako sumubok ulit na pumasok sa kahit anong relasyon after what happened sa amin ni Rusty. Para kasing hindi ko na kayang ipagkatiwala pang muli ang puso ko sa iba. But it’s okay, hindi pa siguro talaga para sa akin ang pag-ibig na iyan. “Ninang!” Isang matinis na boses ang pumukaw sa aking atensiyon habang nag-aayos ako ng mga cakes sa cake stand. Napangiti pa ako nang malingunan ko ang inaanak kong si Zoie na tuwang-tuwang tumatakbo patungo sa kinatatayuan ko. Lumuhod naman ako upang salubungin ng yakap at halik ito. Off ni Angie ngay

