Walang araw na hindi ako umiyak matapos ng paghihiwalay naming iyon ni Rusty. Ang dating masayahing ako ay biglang naging seryoso at palaging nag-iisip nang malalim. Araw-araw kong pinagsisisihan ang araw na talikuran at iwan ko si Rusty. Totoo ngang ang pagsisisi ay palaging nasa huli, dahil ngayon, gustuhin ko man silang balikang mag-ama, hindi na maaari. Nakaalis na kasi sila at nagtungo sa Amerika ayon sa napagtanungan ko sa bahay na minsang naging saksi sa pag-iibigan namin ni Rusty. “Naku ma’am, nahuli ka na po ng dating. Nakaalis na sila Sir kahapon pa po.” Naalala ko pang sabi ng matandang babaeng inabutan ko sa bahay ni Rusty. Agad akong nanlumo noon at wala sa sariling naglakad palabas ng bakurang iyon hanggang sa makarating ako sa gate ng subdivision. Tuloy-tuloy lang ang pag-a

