"BAKIT TAYO NANDITO?" Hindi maipinta ang hitsura ni Alleah. Hindi niya maintindihan bakit naroon sila sa mansyon ng mga Montiregalo? "I live here. Dito ang bahay namin," nakangiti at sagot sa kaniya ni Kurt. Laglag ang panga ni Alleah. Ano raw?! "Come. Isu-surprise natin ang mga kapatid ko," anyaya na sa kaniya ni Kurt. Napanganga lalo si Alleah. “Capital O! M! at G! Na-engkanto ba ako kaya bumalik ako sa bahay na 'to?! Naku po!” Nanlalaki ang mga matang inilibot-libot niya ang mga mata. Ilang kurap-kurap pero ganoon pa rin. Nasa mansyon pa rin siya ng mga Montiregalo. “Wait! Baka kailangan sigurong baliktarin ko ang aking T-shirt!” "Wait, Alleah. What are you doing?" pigil sa kaniya ni Kurt nang akmang itataas niya ang kaniyang damit. "Babaliktarin ko ang damit ko!" "But why?" "

