“HI!” Si Kurt. Biglang liko si Alleah. Pupunta dapat siya sa kusina para ikunan ng tubig si Charisse pero wrong timing na naman. Nakasalubong niya si Kurt na gusto niyang iwasan. "Wait!" Mabilis na nahawakan ni Kurt ang kanyang kamay. "Are you mad at me, Alleah? Bakit parang iniiwasan mo ako?" Napangiwi siya. Nakatalikod pa siya kay Kurt kaya hindi siya kita nito. Nakagat din niya ang pang ibabang labi niya. Kagabi, nang sinabi ni Kael na taken na si Kurt ay nag-isip-isip siya habang kinukuha niya ang tulog niya. At naisip niya na hindi tama na ilapit niya ang sarili niya kay Kurt kahit crush na niya ito. Kahit naman ambisyosa siya na makabingwit ng mayamang jowa ay ayaw naman niyang maging kabit. "May gagawin pa kasi ako, Sir Kurt," pagsisinungaling niya na hindi pa rin hinaharap ang

