"HELLO?! HELLO, SIR-BOSS! Choppy ka!" Idiniin ni Alleah ang cellphone niya sa tainga niya. Baka kaniya ay hindi lang niya marinig ang kausap pero wala na talagang tao sa kabilang linya. Saglit ay laylay ang mga balikat at ngunguso-nguso na lang siya na ibinaba ang mumurahin niyang cellphone. "An'sama niya talaga!" tapos ay inis niyang sambit. Nakusot nang husto ang mukha niya habang kagat niya ang pang-ibabang labi at naninigkit ang mga mata. Napatingin siya sa malaking bahay. Oo, nandoon siya ngayon sa malaking bahay o mansyon nina Mikael Montiregalo at dala niya ang mga damit na pinapabayaran sa kaniya. Iyon kasi ang tanging paraan na naisip niya para hindi na siya magbayad; ang ibalik ang mga damit. Ang kaso hindi yata uubra. And yes, may alam na siya medyo sa background ni Kael da

