KAEL STARED IN SHOCK as the woman walked toward them. Hila-hila ng babae ang kadena ng aso niyang si Spikee at nakasunod rito si Arthuro saka ang guwardya. Ngiting wagi ang tatlo. Nagtatawanan pa. Napakurap-kurap naman si Kael. Tama ba ang nakikita niya or he is just seeing illusion? "Sir, si Alleah, oh! Siya ang nakahuli kay Spikee!" sigaw na ni Arthuro na nagpatotoo sa kaniyang nakikita. Confirmed! It really was Alleah he was seeing! There was nothing wrong with his eyes. Ugh! Ngiting-ngiti si Alleah nang makalapit sa kanila. "Ito na ang dog mo," at sabi nito kay Charisse pero sa kaniya nakatingin, ngiting nagyayabang. He rolled his eyes as he crossed his arms of his chest. Bumukol din ang pisngi niya. Nainis na naman siya dahil tila nagkaroon pa tuloy kasi siya ng utang na loob sa

