PINAGPAPAWISAN NA SI ALLEAH sa sobrang init ng araw, pero pinanindigan niya na hindi umalis sa labas ng gate. Kahit matusta pa siya roon ng buhay, okay lang. Basta hindi siya aalis. Kahit mamatay pa siya. Kasi naman kahit baliktarin niya ang mundo ngayon ay hindi talaga niya mabaybayaran ang three hundred thousand. Imposible talaga. Napakaimposible. Kung mamamatay din naman siya sa paghahanap ng ganoong kalaking halaga ay mabuti nang mamatay na lamang siya sa init ng araw. Kahit ngayon na, okay lang. Pinikit niya ang mga mata at binuksan din agad. Inaaliw na lang niya ngayon ang sarili niya sa pagbunot ng mga maliliit na damo. Mahaba ang nguso niyang itinatapon din sa kaniyang harapan. Nasa tabi niya ang malaking plastik na pinaglagyan niya ng pahamak na mga damit, na paminsan-minsan ay

