Part 2 (spg)

1279 Words
"Saan tayo ngayon pupunta?" mabining tanong ni Maiza kay Olmer pagkalabas nila sa kinain nilang sikat na fast food chain. Magkaholding-hands silang magkasintahan na naglakad-lakad muna sa mall, at kinikilig naman siya. Sa wakas ay malaya na sila ni Olmer. Hindi na sila mahihirapan sa kanilang relasyon. Hindi tulad noon na itinatago nila na animo'y isang malaking kasalanan na nagmamahalan silang dalawa. "Hindi ko pa alam. Nag-iisip pa ako," walang ganang sagot ni Olmer. Kabaliktaran niya ito. Si Olmer kasi ay parang namumoblema imbes na masaya. Panay rin ang paglinga nito sa paligid. Nakaramdam na naman ng hiya si Maiza sa kanyang nobyo dahil pakiramdam niya ay pabigat na lamang siya rito, kaso ay wala naman siyang pagpipilian. Si Olmer na lang ang makakatulong sa kaniya sa sitwasyon niyang iyon. Hanggang sa may nag-text sa cellphone niya. Nang tingnan niya ay si Jhane. Kinukumusta agad siya ng kaniyang kaibigan. Napatingin din si Olmer sa cellphone. "Si Jhane. Nag-text. Tinatanong kung nasaan na ako," pagbibigay-alam niya upang hindi mag-isip ng kung anu-ano ang kaniyang kasintahan. Kahit kailan ay hindi siya gumawa ng ikakaduda sa kaniya ni Olmer. Mahal na mahal niya ang boyfriend kaya kahit sa hinagap ay hindi niya ito magagawang lukuhin. Sa totoo lang ay madaming nagpaparamdam sa kaniya na ibang mga employee sa factory pero hindi niya sila mga pinapansin. Si Olmer lamang talaga ang nakabihag sa puso niya. "Huwag mo nang replayan. Akin na 'yang cellphone mo,” sabi ni Olmer. Nagtataka man ay ibinigay iyon ni Maiza. Hinayaan niya na kalikutin ng nobyo niya iyon. Wala naman siyang dapat ipag-alala dahil wala siyang itinatagong lihim doon. Malinis na malinis siya bilang isang nobya. "Ayos na 'to. May pera na tayo," mayamaya ay sabi ni Olmer habang sinisipat-sipat pa rin nito ang cellphone. "Ano’ng ibig mong sabihin?" Kinabahan si Maiza. Napamahal na kasi sa kaniya ang kaniyang cellphone. Sabi nga niya, iyon na lang ang tanging ala-ala niya sa pagtatrabaho niya sa factory. Saka pinaghirapan niya kasi iyon. Isa pa, parehas sila ni Jhane ng cellphone kaya may sentimental value iyon sa kaniya. Para sa kanila ni Jhane ay kambal ang kanilang cellphone kaya ipinangako nilang magkaibigan noon na kahit na ano’ng mangyari ay aalagaan nila. "Ibenta natin para may pera tayo," sagot ni Olmer na nakangisi. Nagulat si Maiza at tututol sana siya. “Pero, Olmer—" "Maiza, wala rin akong pera ngayon. Hindi tayo makakakuha ng kahit room for rent lang na uupahan kung hindi tayo gagawa ng paraan. This is our only hope, ang cellphone mo." "Pero kasi—” aangal pa rin sana siya. "Gusto mo bang matulog dito sa lansangan? Sabihin mo lang!" Nga lang ay tumaas na naman ang boses ni Olmer. Galit na naman ang kaniyang nobyo. "Mas mahalaga pa ang cellphone na 'to?! Ikaw na nga ang tinutulungan, eh!" Napayuko siya't umiling. "Hindi naman sa gano'n pero sige payag na ako," at napilitan niyang sabi. Kung iyon na lang ang paraan ay wala na siyang magagawa. Sabagay, ang cellphone naman ay napapalitan. Bibili na lang ulit siya ng bago oras na makabawi siya. Siguro naman ay mauunawaan siya ni Jhane kung sakaling malaman nito na wala na ang kanyang cellphone. Humanap sila sa mall ng nagba-buy and sell ng gadgets at doon ibinenta ni Olmer ang cellphone. Nanlumo si Maiza nang ibigay ang bayad dahil two thousand five hundred pesos lang ang kinalabasan na halaga ng kaniyang cellphone kahit na binili niya iyon noon ng eight thousand. Ang daming rason ng tindera na bumili ng cellphone niya, kesyo madami na raw gasgas kahit wala naman yata. Wala rin daw box kaya baka nakaw lang daw. "Hindi pa rin kasya 'to pang-upa kahit maliit na kuwarto lang," sabi ni Olmer nang muli silang naglakad-lakad. Kakamot-kamot ito ng batok. Problemado pa rin. "Ano’ng gagawin natin ngayon?" Nabahala ulit si Maiza. Mayamaya ay may nakitang apartelle si Olmer. "Doon na lang tayo. Kahit ngayong gabi lang ay may matulugan tayo.” "Bakit hindi na lang tayo sa tinitirhan mong kakilala para hindi na tayo gagastos?" suhestiyon ni Maiza. Kinapalan na niya ang kanyang mukha. "Hindi puwede ro'n. Baraks lang 'yon. Puros mga lalaki ang nandoon baka mabastos ka pa.” Napatango-tango si Maiza. Nauunawaan niya ang punto ni Olmer kung kaya pinauubaya na lang niya ang lahat rito. Kahit nang makapasok sila sa inupahang kuwarto ni Olmer sa isang apartelle ay hindi na siya umangal pa nang naging mapusok si Olmer. "Olmer, huwag," pagtanggi niya nang bumaba ang mga halik nito sa kaniyang leeg. "Ang arte mo naman!" badtrip na itinulak siya ni Olmer. "Sorry, hindi pa kasi ako ready sa ganito," nahihiya niyang katwiran. Subalit hindi natinag si Olmer. Muli siya nitong hinalikan sa leeg. "Kung mahal mo ako. Pagbibigyan mo ako ngayon," at bulong nito sa punong tainga niya. Um**ngol na ito. Parang hirap na sa paghinga dahil sa makamundong pagn*n*sa. Mahal na mahal niya si Olmer at handa niyang ibigay ang lahat, kahit pa ang natatangi niyang yaman; ang kaniyang kabirhenan. Wala na siyang magagawa kung hinihiling na ito ngayon ni Olmer. Kailangan na niyang ibigay upang mapatunayan niya kung gaano niya ito kamahal. Pumikit na siya’t ikinawit ang mga braso sa leeg ni Olmer. Nilasap niya ang mga maalab na halik nito at tinugon sa alam niyang pamamaraan. Olmer’s kiss was different from before. It was more passionate now. Napapaliyad tuloy siya sa mga sensasyon kaya hindi na talaga siya nakapag-isip pa nang maayos. Ang mga pag-aalinlangan niya ay tuluyan nang nabura. Habang hinahagod siya sa leeg ng mga maliliit na halik ay naglakbay naman ang isang kamay ni Olmer sa kaniyang katawan. "Olmer..." mahinang ungol ni Maiza. Mas umalab na ang pagromansa sa kaniya ni Olmer at talagang nagugustuhan na rin niya. Ni hindi na niya namalayan paano siya nahubaran ni Olmer. Nangyari na nga ang hindi dapat mangyari pa sa kanilang dalawa. Inisip na lamang niya na hindi lang naman siya ang babaeng nag-alay na ng virginity sa isang lalaki kahit wala pang kasal. Ang mahalaga ay nagmamahalan naman sila ni Olmer. "Aray, Olmer. Masakit,” sa una'y daing niya dahil nakaramdam siya nang sakit. Pakiramdam niya’y nahahati sa dalawa ang kaniyang katawan. “Tiisin mo lang,” suyo sa kaniya ni Olmer. Hinalikan nito ang luhang namuo sa gilid ng kaniyang mga mata. Hingal na hingal sila nang matapos sila parehas. Subalit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Muli siyang inangkin ni Olmer. Kung ilang beses nilang pinagsaluhan ang gabi na iyon ay halos hindi na matandaan ni Maiza. Nakangiting nakatulog si Olmer pagkatapos ng ilang ulit at mainit nilang sandali. Habang siya ay hindi niya alam bakit siya tahimik na lumuluha ng mga sandaling iyon. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Mahal niya si Olmer, sigurado siya, pero ewan niya ba’t nakakaramdam na siya ng takot. Sana lang… sana lang ay tama ang kaniyang naging desisyon. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin siya. KINABUKASAN. "Aalis ka?" tanong niya nang maalimpungatan siya at nakitang nagbibihis si Olmer. "Dito ka muna. Hahanap ako ng matutuluyan natin. May naisip na akong paraan. May kakausapin akong tao," tugon ni Olmer habang nagsisintas ng sapatos nito. "Sama na lang ako sa ‘yo?" Muli siyang kinabahan kaya mabilis siyang bumangon. "Huwag na. Sagabal ka pa, eh, matatagalan lang ako. Dito ka na lang at hintayin mo ako. Don’t worry, babalik din agad ako." Pagkasabi niyon ay humalik si Olmer sa noo niya. "Kung ganoon ay mag-iingat ka," kinakabahan man ay sabi na lang ni Maiza. Malaki naman ang tiwala niya sa kaniyang nobyo. Alam niyang mahal siya at babalikan siya. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay hintayin ito para tuluyan na silang magsasama at maging masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD