Naisipan nila Quin na gumala muna. Uwian na ngayon at wala rin akong gana na sumama sa kanila. Ayokong makita at maka-usap ang bagong member sa circle of friends namin.
Naglalakad lang talaga ako kapag umuuwi ako sa bahay. Hapon naman at hindi masyadong maaraw tapos sayang pa sa pamasahe.
Habang naglalakad ay tahimik naman ang paligid. Napansin ko na parang may itim na kotseng sumusunod sa akin.
Kinakabahan na ako at hindi na ako mapakali. Alam ko ang mga kotse ng mga kaibigan ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at bigla akong hinarangan ng kotse na kulay itim.
Kinakabahan na ako at baka mamaya kung sino na naman ang nasa loob ng kotse at baka mapagtripan ako.
Binaba ng tao sa loob ang salamin ng kotse at nabigla ako nang tumambad sa akin ang mukha ni Kiel.
"Hi!" Nakangiti niyang bati.
"Hmmm... Hi," sabi ko naman.
"Where do you live?" Tanong niya.
"Diyan lang sa may subdivision. Malapit lang naman," sabi ko.
"Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita," nakangiti niyang sabi.
"Hhmmm... Hindi na siguro. Salamat na lang," pagtanggi ko.
"Huh? But why?" Nagtataka niyang tanong.
Hindi na ako makasagot. Hindi ako makahanap ng palusot. Gusto ko talagang layuan siya.
"I think you're shy. Sige na sumabay ka na sa akin," sabi pa niya.
"Wag mo na lang akong pilitin," inis kong sabi.
Nagmamatigas ako at naglakad na ako palayo sa kanya. Nawala naman bigla ang kotse niya at hindi na ako lumingon.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Nakakainis talaga yung lalakeng yun! Tuwing nakikita ko ang gwapo niyang pagmumukha este panget palang pagmumukha ay kumukulo talaga ang dugo ko.
Pakiramdam ko ay sasabog ang mga ugat ko sa leeg kapag nakikita ko siya.
Hindi ko kayang magpanggap na mabait sa harapan niya. Alam ko naman na 'di niya ako maiintindihan.
"Dwayne wait!"
Napahito na lang ako sa paglalakad at lumingon ako.
Nakita ko si Kiel na tumatakbo papunta sa akin. Wala na ang kotse niya kaya nagtataka ako.
"Where's your car?" Tanong ko.
"Hmm... Pinakuha ko sa driver namin," sabi niya.
"Huh? Bakit mo naman ginawa yun?"
"Feeling ko kasi nahihiya ka na sumabay sa akin gamit ang kotse ko that's why I think na maglakad na lang din kasama ka," nakangiti niyang sabi.
Kainis talaga! Hindi niya maramdaman na ayaw ko sa kanya.
"No! It's not the reason," seryoso kong sabi.
"Then what?" Tanong niya.
Tumitig na lang ako sa kanya. Hindi pa yata ito ang tamang oras para sabihin sa kanya ang totoo.
"Never mind," sabi ko na lang.
"Is it ok na ihatid kita sa inyo? Unless ayaw mo na maging kaibigan din ako," sabi niya na parang mabait naman.
Prangkahin ko na ba na ayaw ko sa kanya? Siguro wag na lang muna?
"Ok lang naman. Ikaw ang bahala," sabi ko na lang.
Nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi ko na siya kinikibo. Bahala siya sa buhay niya hahahhah. Ginusto niyang samahan ako eh.
"I think you are mysterious," bigla niyang sabi.
"How could you say so?"
"Feeling ko kasi mailap ka sa mga tao. Hindi ka masyadong nagsasalita kapag hindi ka tinatanong. I think you have a lot of secrets," sabi niya.
"Secrets that you might not wanted to know," bulong ko.
"Huh? What?"
"Ay wala," sabi ko.
"Bakit ka nga pala naglalakad pag uwian?" Tanong pa niya.
"Para makapag-exercise ako tapos para tipid sa pamasahe," sabi ko na lang.
"Ganun? Willing naman ako na ihatid ka pauwi sa house mo eh," sabi niya at nginitian na naman niya ako.
Nainiis talaga ako sa kanya.
"Bakit mo ba naisipang samahan akong maglakad?" Tanong ko.
"Gusto ko kasi sanang makilala ka. Mukha kasing unique ang ugali mo," sabi niya.
"There's nothing interesting on me," walang gana kong sabi.
"Really? Well I wanted to know you more," sabi niya.
'Di na lang ako sumagot. Wala akong pakealam kung ano ba talaga ang trip ng lalakeng ito.
"Gusto ko sana na maging close tayo. I wanted to know what is so special to you. I wanted to know why my cousin likes you so much," sabi ni Kiel.
"Pinagtitripan lang ako ng pinsan mo. He never like me. We're just friends," sabi ko.
"I don't think so. Feeling ko hindi lang basta trip ang ginagawa sayo ni Lander or even Yani. I think gusto ka nila," seryoso niyang sabi.
"Believe in that if you want but I'm just telling the truth."
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nakapunta na rin ako sa bahay namin.
"Paano dito na ako ha?" Sabi ko at papasok na sana ako sa gate.
"Wait lang!"
Napalingon ako sa kanya at...
"What?" Tanong ko.
"I just wanted to say thanks for your company. I enjoy having a time with you," nakangiti niyang sabi.
"Sige na papasok na ako. Mag-ingat sana sila sayo."
"Huh? Anong sabi mo?"
"Ay ang sabi ko mag-ingat ka pauwi," nakangiti kong sabi.
Pumasok na ako sa bahay at nakita ko naman kaagad si mama na nakasilip pala sa bintana.
"Anak sino yung naghatid sayo na poging lalake?" Tanong ni mama.
"Ay wala po yun," walang gana kong sabi.
"Hala! Anak hindi ako bulag hahahah. Kaibigan mo ba?"
"Hindi ko po kaibigan. Pinsan po siya ni Lander," sabi ko.
"Ganun? Kaya pala ang gwapo rin. Musta na nga pala ang araw mo sa school?" Tanong ni mama.
"Ok naman po," maikli kong sagot.
"Anak bakit ka nga pala hinatid nung gwapong lalake?" Tanong ulit ni mama.
"Nagkasabay lang po kami," sabi ko.
"Wews 'di nga anak? Mukha siyang mayaman at sure akong hindi siya nakatira sa subdivision natin," sabi ni mama na may halong pagdududa.
Si mama Josie ay sadyang may katalinuhang taglay. Detective ang nanay ko kung mag-interview jusme!
"Hindi ko po alam sa kanya. 'Di ko po talaga kilala 'yun eh. Siguro po kagaya lang 'yun ni Lander na malakas ang trip," sabi ko kay mama.
"Mukha namang mabait siya anak."
"Huh? Ganyan din po ang sinabi niyo nung nakita niyo si Lander," natatawa kong sabi.
"Baka mamaya anak meant to be na kayo nung lalake," sabi ni mama at para siyang kinilig na ewan.
"Mama lalake po ako," inis kong sabi.
"Sabi mo wala pinipili ang pag-ibig hahahah," tumatawang sabi ni mama.
"Ayoko po ng love na 'yan nag-aaral po ako ng mabuti," inis kong sabi kay mama.
Imbis kasi na ipush niya akong mag-aral ng mabuti ay iba si mama. Gusto niya na magkaroon ako ng lovelife.
"Wala namang masama doon anak. Bagay kayo nung lalake ahahhah baka love ka niya," tumatawang sabi ni mama.
"Alam mo kasi mama ang love parang computer games yan; mabilis matapos kapag nag-cheat," sabi ko.
"Ay anak humuhugot ka hahahah mana ka talaga sa akin," sabi ni mama.
Ganyan kami mag-usap ni mama. Para lang kaming magkaibigan. Maswerte ako kay mama ko.
"Anak basta kapag nagkaroon ka ng boyfriend or girlfriend ay dapat may kotse," sabi ni mama.
"Huh? Bakit naman po?" Nagtataka kong tanong.
"Kasi wala ka nang pamasahe ahhah."
Ang lakas talaga ng topak ng mama ko. Buti na lang at kaunti lang ang kabaliwan na namana ko sa kanya.
"Pero anak joke lang! Basta mahal ka at hindi ka sasaktan ay ok 'yun sa akin," sabi ni mama habang nakangiti.
Ewan ko ba dito sa mama ko. Lagi na lang siyang ganyan. Ako pa tuloy yung gustong mag-aral tapos pinagtutulakan niya ako na magkaroon ng lovelife kahit na ayaw ko.
"Anak may sasabihin nga pala ako sayo," sabi ni mama na mukhang seryoso.
Mukhang seryoso ang sasabihin ni mama.
"Ano po yun? May problema po ba?"
Tumingin sa akin si mama at seryoso talaga ang mukha niya.
"Nakakahiya lang kasi sa iyo anak," sabi ni mama.
"Ano nga po yun?"
Huminga ng malalim ang nanay ko at...
"Anak medyo gipit na kasi tayo. Nahihirapan ako sa gastusin natin dito sa bahay," sabi ni mama.
Alam ko naman. Hindi na ako nabigla sa sinabi ni mama. Alam ko na nahihirapan na siya sa akin.
Kahit pa sabihin nating scholar ako ay iba pa rin talaga ang gastos at pangangailangan namin.
"Kung ayos lang sana sayo anak ay maghanap ka muna ng trabaho," sabi ni mama.
"Sige po mama! Maghahanap po ako habang nag-aaral," nakangiti kong sabi.
"Anak pagpasensyahan mo na ang mama mo ha? Medyo gipit lang talaga tayo ngayon," sabi niya.
"Wala po 'yun mama. Naiintindihan ko naman po kayo," sabi ko.
Niyakap na lang ako ng mama ko. Lagi naman akong nagtatrabaho tuwing bakasyon kaya hindi na ito baho sa akin.
"Ang swerte ko talaga sayo anak," sabi ni mama.
Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa mama ko at...
"Swerte rin naman po ako sayo mama. Ikaw lang naman po ang meron ako," sabi ko.
Mula kasi nang iwan kami ni papa ay magkasangga na kami ni mama sa buhay. Gusto ko na nga sanang magtrabaho na lang muna kaso hindi naman pwede.
I only have my mother in my life. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin kapag wala si mama. Siya lang ang meron ako.
Sana lang makaahon kami sa kahirapan. Sinusumpa ko sa sarili kong iaangat ko ang buhay namin ni mama. Balang araw ay hindi na namin kailangang malugmok sa hirap.