Chapter 7: Boy friends

1507 Words
"Uy Dwayne!" Napatingin na lang ako sa katabi ko at si Yani pala. "Bakit?" Tipid kong tanong. "Pansin ko na tahimik ka yata ngayon. Malalim yata ang iniisip ng babes ko," nakangiti niyang sabi. "Una sa lahat, wag mo po akong tawaging babes at pangalawa hayaan mong manahimik ako," inis kong sabi. Parang bigla na lang naging seryoso ang mukha ni Yani. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "We're friends right? May problem ka ba Dwayne? How can I help?" Tanong niya. Kita ko naman ang sinseridad sa mga mata ni Yani. Kahit pinagtitripan niya ako ay alam ko namang sincere siya sa sinasabi niya ngayon. Ngumiti na lang ako sa kanya at... "Thanks Yani but I can handle myself. Wag mo na akong alalahanin," nakangiti kong sabi. "Ok but if you need my help just ask me alright?" Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango ako. Nakakahiya kasi kung sabihin ko sa mga kaibigan ko na kailangan kong maghanap ng trabaho. Alam ko naman na tutulungan nila ako pero siyempre nahihiya pa rin ako. Siguro dapat ay humanap ako ng solusyon sa problema ko nang ako lang dahil kaya ko naman. "Nasaan ba si Quin?" Tanong ko. Pansin ko kasi kanina na wala si Quin at hindi naman siya late pumapasok. "Absent siya kasi sumama siya kay mommy para sa business meeting. Hindi ba nagtext sayo?" Tanong ni Yani. "Nasa bahay pala ang phone ko," sabi ko na lang. "Grabe ka naman Dwayne hahahah. 'Di ka na nga nagpapaload tapos iniiwan mo pa ang phone mo," natatawang sabi ni Lander. Di ko na lang pinansin si Lander. Wala namang magtitext sa akin kundi ang mga kaibigan ko. Nagdadala lang naman ako ng phone kapag wala si mama sa bahay. Dahil wala si Quin ay katabi ko muna si Lander sa kanan at si Yani naman sa kaliwa ko. "Dwayne may sasabihin ako sayo," mahinang sabi ni Lander. Mukha yatang seryoso siya at may pag-uusapan kami. Nilapit ko na lang ang tenga ko sa kanya. "Ano ba yun?" Tanong ko. "May napapansin lang kasi ako," mahina niyang sabi. "Sabihin mo na. Deretsuhin mo na ako," sabi ko sa kanya. Sinenyasan niya ako na ilapit ko pa ang tenga ko sa bibig niya at mukhang may ibubulong siya. "Bakit parang hindi mo masyadong pinapansin si Kiel?" Bulong niya. Napalunok na lang ako. It's not the right time to tell them the truth. "Hindi pa kasi kami close," sabi ko na lang. "My cousin told me na hinatid ka raw niya sa house mo kahapon. Feeling daw niya ay ayaw mo sa kanya," sabi ni Lander. "Buti alam niya." "Huh? Ano Dwayne?" Gulat na tanong ni Lander. "Ay wala... Ang sabi ko mabait naman ang pinsan mo," sabi ko na lang. "Well kilala ka naman namin but the first time we met, hindi ka naman cold sa akin so we think na baka may something sa inyo ni Kiel," seryoso niyang sabi. "Hahahhah you have nothing to worry about. Ayos lang naman ako. Mabait naman yung pinsan mo," sabi ko. "Alam ko naman na magiging close rin kayong dalawa in the future. Bakit 'di ka sumama sa amin mamaya? Bonding tayo, all boys." "Ay pasensya na Lander. May pinapagawa sa akin si mama. Hindi na ako pwedeng gumala," sabi ko. "Lagi na lang Dwayne. Nagtatampo na kami sayo," sabi niya na parang malungkot na ewan. "Sorry... Importante lang talaga ang gagawin ko," sincere kong sabi. "Ok... Baka kailangan mo ng tulong? May maitutulong ba ako?" Tanong niya. "Don't worry Lander, I can handle myself. Salamat sa concern," nakangiti kong sabi. Nginitian na lang din ako ni Lander. Swerte talaga ako sa mga kaibigan ko. Kahit lahat kami ay may saltik, we are always here for each other. "Anong pinag-usapan niyo? Mukhang seryoso ah," bigla namang sabi ni Yani. "Wala Yani hahahah," natatawang sabi ni Lander. "Baka mamaya inaagaw mo na ang babes ko," sabi naman ni Yani. "Bakit? Dapat ba share tayo kay Dwayne?" Tanong naman ni Lander na natatawa. "Jusko! Kanina lang maayos kayong kausap. Tumigil na nga kayo sa mga kalokohan niyo," sabi ko. "Alam ko matalino ka Dwayne. Sagutin mo ang itatanong ko," sabi ni Yani. "Ano na naman yun?" "Bugtong-bugtong mahaba't matigas 'pag sinubo'y kumakatas," sabi ni Yani sabay ngiti ng nakakaloko. "Yani tigil-tigilan mo ako sa kabastusan mo; tatamaan ka sa akin," inis kong sabi. "Anong bastos dun? Ice candy kaya ang sagot sa bugtong," sabi ni Yani sabay tawa ng malakas. Kawawa na ako kasi wala si Quin. Ako na naman ang mapagtitripan ng mga lalakeng 'to. Inis na inis na ako at tinatawanan lang ako ni Yani pati ni Lander. Napatingin naman ako kay Kiel at nakangiti lang siya sa akin. "May itatanong pala ako sayo Dwayne," sabi ni Lander. Mukha naman siyang seryoso na ulit. "Ano 'yun?" Tanong ko. "Diba sabi ni Peter pan when you think happy thoughts you'll fly?" Tanong ni Lander. "Hhhmmm oo bakit?" "Di ko lang kasi maintindihan," sabi pa niya. "Ang alin ba?" Tanong ko. "When I think of you kasi... I fall," nakangiti niyang sabi. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Grabe akala ko seryoso siya tapos huhugutan na naman pala ako. "Ang hirap mo talagang pakiligin," natatatawang sabi ni Lander. Kumunot na lang ang noo ko dahil sa kanilang dalawa. Enjoy na enjoy talaga silang pagtripan ako. "Dwayne..." Napatingin na lang ako kay Kiel nang tawagin niya ako. "Bakit?" Tipid kong tanong. "You're so cute when you're angry," sabi ni Kiel sabay ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang yatang nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong tinitigan ng masama ni Yani at ni Lander. "Hala Dwayne! Why are you blushing?" Tanong ni Yani. Napaiwas na lang ako ng tingin. "Ahahhahah crush mo si Kiel?" Biglang tanong ni Lander. Hindi na ako makapag-pigil at pinaghahampas ko na si Yani at Lander gamit ang notebook ko. "Mga walanghiya talaga kayo! Ang lakas ng mga topak niyo!" Sabi ko habang hinahampas sila ng notebook. Sinasalag lang nila ang notebook na hinahampas ko at tinatawanan lang nila ako kaya naiinis ako lalo. "Isa Dwayne! Pag 'di ka tumigil hahalikan kita," biglang sabi ni Yani. I know that he really mean it. Napahinto na lang ako at tinakpan ko na lang ang mukha ko. Nakakainis talaga sila! Kasama pa nila si Kiel kaya lalong kumukulo ang dugo ko sa kanila. Rinig ko na nagpipigil lang ng tawa si Lander at Yani. Napatitig na lang ako ng masama sa kanilang dalawa. Dumating na ang prof namin ngayong araw kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Nag-focus ako sa lesson at hindi ko pinapansin si Lander ay Yani kahit panay ang papansin nila sa akin. Naiinis na talaga ako! Ang sarap nilang pag-untugin! Nang matapos ang lesson ay... "Babes lunch na tayo," sabi sa akin ni Yani. Hindi ko na siya pinansin at umalis na kaagad ako sa room. "Pikon na si babes ko hahahah." Lalo akong naiinis sa kanila at nagmadali na akong maglakad papunta sa office ng SSG. Walang tao doon kaya panatag ang loob ko. Buti pa dito sa office, peaceful. Nilabas ko na ang lunch ko at maya-maya ay nagulat ako nang bigla na lang may pumasok sa room. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman officer," inis kong sabi. "Oh sorry... Pwede po ba akong maglunch dito kasama mo Mr. Vice President?" Tanong ni Kiel sabay ngiti. Ngumiti na naman yung asungot! Lalo akong naiinis sa ginagawa niya. "Bahala ka..." Sabi ko na lang. Lumapit siya sa akin at umupo na siya sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. "Bakit naisipan mong sundan ako?" Seryoso kong tanong. "Mmm... Hindi ko rin alam eh. Sorry pala kanina, mukhang kasalanan ko kaya lalo kang inasar nila Lander." "Ok lang yun. Sanay na ako," walang gana kong sagot. Paano ba naman? Ilang taon na akong pinagtitripan ni Yani at Lander. Kahit kelan ay hindi sila naubusan ng trip. "Pero totoo ang sinabi ko kanina. You're so cute when you're angry. Hindi na ako nagtataka kung bakit inaasar ka nila Lander." Napatitig na lang ako kay Kiel. Pakiramdam ko ay namumula na naman ang buo kong mukha kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya. "Uy nandiyan pala kayo!" Biglang sabi ni Yani. Nagulat ako nang bigla na lang pumasok sa room sila Yani. Si Lander ang president ng SSG at si Yani naman ang secretary kay anytime pwede silang pumasok at wala akong karapatan na pagbawalan sila. "Babes paano mo nagawang pagtaksilan ako?" Sabi ni Yani na parang nag-papaawa. "Ano na naman?" Inis kong tanong. "Bakit may kabit ka? Akala ko si Yani lang ang kaagaw ko sayo pero may makikihati pa pala," sabi naman ni Lander. "Ewan ko sa inyo! Ayokong magalit kapag kumakain," inis kong sabi. Kumain na lang ako at hindi ko sila pinapansin. Si Lander ay nakatitig lang sa akin. Feeling ko tuloy ay matutunaw na ako. Si Yani ay nakatingin sa akin na parang may halong pagnanasa. Si Kiel ay nakatingin sa akin at nginingitian niya lang ako. "Kelan mo ba ako sasagutin babes?" Biglang tanong ni Yani. "Sabi ng nanay ko matuto raw munang mag-SQUARE ROOT bago ako humaROOT," sabi ko. "Eh marunong ka naman diba?" Tanong naman bigla ni Kiel sabay ngiti. Natahimik na lang ako. Nakakabadtrip talaga 'tong lalake na ito! Pakiramdam ko ay pumipintig na ang mga ugat sa leeg ko! Inis na inis na talaga ako sa kanila. Binilisan ko na lang na ubusin ang lunch ko at pagkatapos ay nagmadali na kaagad akong bumalik sa room. Buong araw ay puro trip sila Lander at Yani tapos dumadagdag pa si Kiel. Hindi ko alam kung anong meron sa mga ngiti niya at nag-iiba ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD