Chapter 8: Jealousy?

1413 Words
Habang kumakain ng almusal ay nag-uusap kami ng mama ko. "Anak gusto mo bang mag-tutor?" Tanong ni mama. "Hmmm... Ok lang po mama. Naghahanap na rin naman po ako ng trabaho tuwing uwian," sabi ko. "May nagsabi kasi sa akin na kailangan daw ng tutor ng anak nila. Sabi ko ay ipapaalam ko muna sayo." "Ok lang po yun mama basta saturday or sunday." "Malaki ang sweldo anak. Mayaman kasi yung tuturuan mo," nakangiting sabi ni mama. "Ay mabuti naman po kung ganun. Sabihan niyo na lang po ako kung kelan ako kailangan," sabi ko. Malaking tulong din sa akin ang sideline na naisip ni mama. May mga tinuturuan din kasi si mama kaya gabi na siya nakaka-uwi. Pagkatapos ng almusal ay pumasok na kaagad ako sa school. OOO Pagdating ko sa school ay pansin ko na maaga pala sila Quin. Nandun na silang lahat sa room at marami na rin ang mga classmates ko. Papasok na sana ako sa pinto at... "Wait Dwayne! Don't move!" Biglang sigaw ni Yani. Napahinto na lang ako sa may pintuan. Naguguluhan ako kay Yani. Hindi ko alam kung anong nangyayari. "Ba-bakit?" Utal kong tanong. "Basta diyan ka lang sa pinto! Stay there! Wag kang aalis!" Seryoso niyang sigaw sa akin. Mukha akong tanga na nasa pintuan lang at hindi gumagalaw. Napansin ko na natatawa si Kiel at Lander kaya naiirita na ako. "Ano ba kasing trip mo Yani? Umayos ka nga!" Inis kong sabi. "Diyan ka lang sa pinto para pwede kitang pasukan at labasan," sabi ni Yani sabay tawa. Nabigla ako sa sinabi niya. Bigla na lang tumawa ng malakas si Kiel at Lander. Si Quin naman ay nagtataka lang. Tinawanan din ako ng iba kong mga kaklase. Pinagtitripan lang pala ako! Tumakbo na ako papunta kay Yani at pinaghahampas ko sa kanya ang dala kong bag. "Walang hiya ka talaga Yani! Ang bastos mo sakin kahit kelan!" Sabi ko habang hinahampas siya ng bag. "Tama na babes!" Sigaw niya. Wala akong pakealam at hinahampas ko lang sa kanya ang bag ko. Tawa lang ng tawa si Yani. Nang mapagod ako ay tumitig na lang ako sa kanya ng masama. Ilang beses na niyang ginawa ito sa akin. Umupo na lang ako sa upuan ko at tumabi sa akin si Quin. "Good morning Dwayne!" Bati niya. "Walang good sa morning," inis kong sabi. "Hhmmm... Dwayne bakit ka nagalit sa sinabi ni kuya? I don't get it," nagtatakang tanong ni Quin. Halos magpigil na naman ng tawa sila Lander. Buti na lang ay bad trip ako kaya hindi ako natatawa. "Don't even try to figure it out Quin," seryoso kong sabi. Napatingin na lang sa malayo si Quin at halatang nag-iisip. Sobrang ganda naman ng umaga ko ngayon dahil kay Yani. Grabe sinira kaagad ang araw ko. Dumating na ang prof namin. Lahat naman kami ay bumati sa kanya. Pinahinga ko na lang ang isip ko. Lalo lang akong pagtitripan nila Yani kapag bad trip ako. "Class one of my performance task is all about dances," sabi ni ma'am. "I will group your class and bubunot ang leader kung anong dance ang gagawin niyo next meeting." Magaling sumayaw si Quin kaya isa siya sa mga leaders. Swerte ako at kagroup ko si Quin. Kahit slow si Quin, talented naman siya. Magaling siyang sumayaw at kumanta. Bumunot ang mga leaders kay ma'am. Sa ibang group si Lander at kagroup ko naman si Yani, Quin at Kiel. Pagkatapos bumunot ni Quin ay bumalik siya kaagad sa amin. "Bes anong nabunot mo?" Tanong ko. Binuklat niya ang papel at ang nakasulat doon ay "Rigodon" "Alam mo kung paano 'yan sasayawin?" Tanong ko. "Yup! Madali lang at kailangan na magka-partner sa group natin," nakangiting sabi ni Quin. "Class, I'm giving you time to practice," sabi ni ma'am. Pinapunta kami ni ma'am sa gym at nag-umpisa nang magturo si Quin sa group namin. "Guys hanap muna kayo ng partner niyo," sabi ni Quin. Lahat sila ay nakahanap na ng partner at naiwan na lang akong nakatunganga. "Quin pwedeng ikaw na lang ang partner ko?" Tanong ko. "Ay sige bes! Pero magtuturo muna ako," masaya niyang sabi. Si Quin talaga... Paano siya magtuturo kung wala siyang partner? Magaling naman siya. Tumatalino si Quin kapag may ganitong performance task. Nabigla ako nang lumapit sa akin si Yani at nakangiti na naman siya. "Uy Babes este Dwayne, sorry kanina," nakangiti niyang sabi. "Sanay na ako," sabi ko. "Bati na tayo ah?" Tanong pa niya habang nagpapacute. "Oo na," walang gana kong sagot. Sa ilang taon niya akong inaasar ay naiinis pa rin ako pero ang totoo ay wala naman na sa akin 'yun. "Gusto mo kiss kita?" Tanong pa niya sabay ngiti. "Gusto mo sikmuraan kita?" Inis kong tanong. "Hahahahhah joke lang!" "Uy tama na ang chismisan! Magtuturo na po ako," biglang sabi ni Quin. "Quin baka naman pwede na partner muna kami ni Dwayne habang nagtuturo ka," biglang sabi ni Yani. "Sure!" "Hala! Bakit naman? Uy Yani puro ka kalokohan," inis kong sabi. "Pumayag na si Quin. We're partners for now," sabi ni Yani sabay ngiti. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Alam ko na may iniisip na namang kalokohan si Yani. "Ikaw ang girl Dwayne hahaah. Pag umangal ka hahalikan kita," sabi ni Yani. Hindi na lang ako umangal. Kilala ko si Yani at matagal ko na siyang kaibigan. Alam ko na gagawin talaga niya yung sinasabi niya. "Ok guys let's start! Boys please hold your partners on their waist," sabi ni Quin. Humarap sa akin si Yani at hinawakan niya ako. Nagulat ako at sa pwet niya ako hinawakan imbis na sa bewang. Nabigla ako at pakiramdam ko ay namumula ang buo kong mukha. "Ya-Yani..." Nauutal kong sabi. "Why?" Tanong niya. "Sa-sa bewang mo ako dapat hawakan," sabi ko at hiyang-hiya na ako. Tumingin siya sa mga kamay niya at inalis naman niya kaagad. Hiyang-hiya ako! Feeling ko ay sobrang pula na ang buo kong mukha. "So-sorry Dwayne. 'Di ko sadya," nahihiya niyang sabi. "Uy wag kayong maingay! Listen to me!" Biglang sigaw ni Quin. Nagulat kaming dalawa ni Yani at umayos na kami sa pagpractice ng sayaw. Magaling talagang magturo si Quin pagdating sa ganitong bagay. "And one, two, three, four, five, six and seven, eight," bilang ni Quin. Nakakasunod naman kami ni Yani sa steps na tinuturo ni Quin. Ewan ko ba kay Yani at gusto pa akong maging partner habang wala pa si Quin. Habang nagpapractice kami ay napatingin ako bigla sa kagroup namin ni Yani. Napatingin ako kay Kiel at nakita ko na partners pala sila ni Leni. Hindi ko alam kung bakit. Parang bigla na lang sumikip ang dibdib ko. Napako ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakangiti sila sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. "Dwayne, are you ok?" Napatingin ako kay Yani at natauhan na lang ako bigla. "Sorry nawala lang ako sa focus," sabi ko na lang. Habang sumasayaw kami ni Yani ay hindi ko alam kung bakit pero napapatingin pa rin ako kay Kiel at Leni. Mukha silang masaya. Bakit parang kumikirot ang puso ko? Parang sumasakit ang dibdib ko. Hindi ko na maintindihan ang nasa isipan ko kaya napapahinto ako sa pagsayaw. "Dwayne... What's wrong?" Tanong ni Yani. "I don't know," sabi ko at yumuko na lang ako. Naramdaman ko na lang bigla na niyakap ako ni Yani. "I don't know what you feel. Sorry Dwayne, it's not my intention na bastusin ka." Kinalas ko ang yakap niya sa akin at napatitig na lang ako sa kanya. "No Yani... Hindi ikaw ang dahilan." Seryoso kong sabi. Nabalot ng pagtataka ang buong mukha ni Yani at tinitigan na lang niya ako. "I don't get it," sabi ni Yani at halatang naguguluhan siya. "Hoy!" Nagulat kami pareho at sinigawan na pala kami ni Quin. "Ano ba Quin? Nakakagulat ka!" Inis na sabi ni Yani. "If you two want some privacy then go and get a room," inis na sabi ni Quin. "I'm so glad to hear that," sabi ni Yani sabay tawa. "Ewan ko sa inyong dalawa! Bakit ka ba kasi nanggugulat Quin?" Tanong ko. "Narinig ko kasi kay kuya yung line na... I don't get it. Akala ko ay ako lang ang nagsasabi nun hahahah. Now I'm really sure that we're brothers," sabi ni Quin sabay tawa. Jusme! Magkapatid nga talaga sila. Tawa sila ng tawa pareho. Natapos na ang practice namin ngayon at kailangan na naming magperform kaagad sa harap ng prof namin bukas. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganun. Para bang nasaktan ako bigla pero hindi ko naman alam ang dahilan. Ang gulo naman! Bakit ba kasi ganun? Hindi ko talaga alam kung bakit. Wala naman akong pakealam kay Kiel. Wala nga ba? Biglang pumasok na tanong sa utak ko. Wala akong pakealam sa kanya at lalo namang wala rin akong pakealam kay Leni. Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang naramdaman ko kanina. Bakit ganun ako? Nakaramdam ba ako ng selos? No! Hindi ako nagselos! Bakit naman ako magseselos diba? Sino naman ang pagseselosan ko? Siguro dapat ay alisin ko na lang sa isip ko ang nararamdaman ko. Wala namang maitutulong 'yun sa akin. Naguguluhan lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD