Chapter 9: Mystery

1441 Words
Kiel POV Maaga kami ngayong pumasok at kailangan naming magperform ng sayaw para sa performance task namin sa isang subject. Nakapag-adjust naman ako dito sa Linway. Lumipat kasi kami ng house kaya lumipat na rin ako ng school. My cousin and his friends are so kind to me except to Dwayne. Feeling ko may galit siya sa akin. Ang cold niya sa akin masyado. I want to be friends with Dwayne. I like his attitude. He has a strong personality and I find him cute when he is angry. Lander and Yani told me na kahit anong mangyari ay ngumiti lang ako kay Dwayne. I can feel that he's kind. Siguro 'di lang siya friendly masyado. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa room at dumating na ang prof namin. Ngayon namin gagawin ang performance task pero wala pa rin yata ang partner ko. "Pre bakit wala pa si Leni?" Tanong ko kay Lander. "I don't know. We're not close and we don't care," sabi ni Lander. I don't really understand why my friends and even Lander doesn't like to have other friends with them except for themselves. "Ok class be ready. You're going to perform your task today," sabi ng prof namin. "Guys wala pa yung partner ko," sabi ko sa kanila. "Ay absent si Leni. Nilalagnat daw siya," sabi ng isa kong classmate. "Huh? Paano 'yun? I don't have a partner," sabi ko. "Class listen to me. I forgot to say that your leaders are not included on your performance," sabi ni ma'am. "Why ma'am?" Tanong ni Dwayne. "Para wala kayong gagayahan ng steps," sabi ni ma'am. Walang akong partner at wala na ring partner si Dwayne. Ibig sabihin we can be the partners. Napangiti na lang ako. It's my chance to become closer to him. "Dwayne..." "Huh? Bakit?" Tanong niya. "I think tayo na lang dapat ang partners," sabi ko sabay ngiti. Parang natulala siya tapos napatitig siya bigla sa akin. "Ok... I don't have a choice," sabi na lang niya. "Yyyyiiieee... Ang sweet naman!" Biglang sabi ni Quin. Tinitigan ni Dwayne ng masama si Quin and I slightly smiled. "Dwayne dapat tayo na lang ang partners," sabi ni Yani. "Sorry Yani... I asked him na kasi," sabi ko sa kanya. "Ay ganun ba? Sayang naman pero sige. Take care of him," sabi ni Yani. Nag-umpisa na ang performance ng ibang mga group. Natapos na rin sila Lander at magaling din ang ginawa nilang performance. Kami na ang kasunod at napatingin ako kay Dwayne. I saw his hands shaking. Parang kinakabahan siya. Hindi kaya siya komportable? He's so weird sometimes. Parang may tinatago siya. Pumunta na kami sa formation namin. Kami na ang magkaharap ni Dwayne. "Take my hand," sabi ko kay Dwayne at nginitian ko siya. Nanginginig ang kamay ni Dwayne. Naramdaman ko ang lamig ng palad niya. I can feel his tension. "Relax Dwayne... Just look me in my eyes," nakangiti kong sabi. Tumitig sa akin si Dwayne. I saw something in his eyes. What's the meaning of that? It looks like his hiding something from me. He's so mysterious. He is so secretive. Biglang umiwas ng tingin sa akin si Dwayne habang sumasayaw kami. Nakikita ko ang pamumula ng mga pisngi niya. There's something in him. Hindi ko alam kung bakit pero parang may dapat akong malaman sa kanya. He is so interesting. Gusto kong mapalapit sa kanya. Nakangiti lang ako kay Dwayne habang sumasayaw kami. Panay ang iwas niya ng tingin sa akin. What's wrong with me? Feeling ko ay ayaw niya sa akin. Parang nilalayo niya ang loob niya sa akin. Nang matapos ang sayaw naming dalawa ay hindi ko binitiwan ang mga kamay niya. Napatitig siya sa akin at nakita kong namumula siya. "Bi-bitiwan mo na ako," utal niyang sabi. "Can I hold your hand kahit saglit?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero 'yun na lang ang naitanong ko bigla. "Sorry but I have to go," sabi ni Dwayne. Parang nakaramdam ako na may galit siya sa akin. Binitiwan niya ang kamay ko at naglakad na siya palayo sa akin. "I can't understand why are you acting like that. I don't know your problem," mahina kong sabi. Nakaramdam na lang ako nang kamay na umakbay sa akin at si Lander pala. "Pre kamusta? Ang sweet niyo ni Dwayne," nakangiting sabi ni Lander. "Oo nga! Dapat kami ni Dwayne ang partners eh," sabi naman ni Yani. "Guys lunch na pala diba? We should go to the canteen," pag-iiba ko ng usapan. Pumunta na kami sa canteen at nagtataka ako kasi nawawala bigla si Dwayne. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. I know that he is hiding something. Sana malaman ko kung ano man ang tinatago niya. Nang makarating kami sa canteen ay nag-order na kami kaagad pero wala pa rin si Dwayne. Hindi ko siya nakita pagkatapos namin sumayaw. "Guys... Where's Dwayne?" Tanong ko habang kumakain. "Siguro nasa office ng SSG or baka nasa rooftop," sabi ni Quin. "Nagtitipid 'yun kaya hindi sumasama sa amin dito minsan. Nahihiya naman siya kapag ililibre ko," sabi ni Lander. "Hmmm... Ano nga pala ang ginagawa niya sa rooftop or office? Napansin ko na kasi na lagi siyang may dala na notebook," sabi ko. "He's a writer. Nakita ko na may ginagawa siyang story lines," sabi ni Quin. Nabigla ako... Napahinto ako bigla sa pagkain. Could it be? No! I think hindi naman siya. Baka naman mali ang naisip ko. Naparanoid lang ako. "Anong stories naman ang sinusulat niya?" Tanong ko. "We don't know. Never niyang pinakita ang notebook niya," sabi ni Yani. Lalo akong nagduda. Sana mali ako. Sana mali ang hinala ko. Sana hindi siya writer. 000 Uwian na namin ngayon at nagdecide na naman ang mga kaibigan ko na magbonding muna kami. "Dwayne it's friday. We should go to somewhere," sabi ni Quin. "I'm busy. I have to go," sabi ni Dwayne. "It's friday Dwayne. Please sumama ka na sa amin. Wala ka nang time," sabi ni Yani na nagpapa-awa. "Wala akong pera at isa pa wala si mama sa bahay," sabi ni Dwayne. "Why not we should go to your house?" Tanong ni Lander. Napatitig bigla si Dwayne sa kanya. "You should not do that. Hindi ako nagpa-alam kay mama at maliit lang ang bahay namin." "Never pa nga kaming nakapunta sa house niyo eh," sabi ni Quin. "Hahahah ako nakapunta na," sabi ni Yani. Napatingin kaming lahat kay Yani at mukhang nagtataka naman si Quin at Lander. "Kuya? Paano ka naman nakapunta sa bahay nila Dwayne?" Nagdududang tanong ni Quin. "It's a secret," sabi ni Yani sabay tawa. Lumapit naman si Lander at Quin kay Dwayne at... "Is it true Dwayne? Nakapunta na si Yani sa house niyo?" Tanong ni Quin. "Unfortunately yes... Wag niyo nang alamin kung bakit," sabi ni Dwayne. "Hala! You cheated over me! Nakakapag-selos naman! Anong ginawa niyo ni Yani sa bahay niyo ha?" Tanong ni Lander. "Are you insane? Ang dumi ng utak mo. Tanungin mo si Yani kung paano siya nakapunta sa bahay. Wala ako sa lugar para sabihin ang dahilan," sabi ni Dwayne. Marami pala talagang tinatago si Dwayne kahit sa mga kaibigan namin. "Kiel diba nakapunta ka na sa house nila Dwayne?" Tanong ni Yani. "Yeah pero 'di ako nakapasok," sagot ko naman. "Huh? Bakit?" "Kasi wala si mama sa bahay. Ayokong nagdadala ng kaibigan pag wala mama ko sa bahay," sabi ni Dwayne. "Dwayne may itatanong sana ako sayo," sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at pati na rin ang mga kaibigan namin. "Ano 'yun?" Tanong niya. "Hhmm... Napansin ko kasi na lagi kang may notebook. Are you a writer?" Tanong ko. "Yes," matipid niyang sagot. "Kung ganun... Saan ka nagsusulat?" Tanong ko pa. "Kiel I don't know na mas slow ka pa sa akin. Malamang sa notebook nagsusulat si Dwayne!" Sabi ni Quin. Nagulat ako sa sinabi ni Quin. Halos matawa na ako. Napatingin ako kila Yani at Dwayne pati si Lander ay nagpipigil din ng tawa. "What I'm talking about kung saan siya nagsusulat. Is it for magazines, ebook or BLOG," sabi ko. Diniin ko talaga ang pagkakasabi ng blog at tinitigan ko sa mga mata si Dwayne. "I'm just writing to satisfy myself," seryoso niyang sabi. Sumakay na lang kami sa kotse. I don't really get his answer. He didn't answer my question straight forward. Nakahinga pa rin ako ng maluwag kahit konti. Mali naman yata ang hinala ko sa kanya. "Dwayne hindi ka talaga sasama?" Tanong ni Lander. "No... Maybe next time," sabi niya. "Why not tomorrow? May fiesta raw malapit sa village niyo. I want to celebrate fiestas," sabi ko. "Ay oo nga pala. Malapit sa village namin ang fiesta bukas. Sige try kong sumama," sabi ni Dwayne. "Gosh! I'm so exited! I would love to eat the whole lechon," sabi ni Quin. "Exited din ako bukas. Paano Dwayne? We have to go," sabi ni Yani. "Ok ingat kayo," sabi ni Dwayne. Nagdrive na si Yani at umalis na kami sa school. Mag-isa lang na umuuwi si Dwayne. Next time ihahatid ko na siya ulit sa bahay nila. Sana masaya kami bukas at exited na rin ako na makabonding sila na kasama si Dwayne. Gusto ko talagang makilala ang totoong siya. He is full of mysteries. Gusto ko siyang maging close na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD