Lucy's POV:
Bago ako pumunta sa may garden ay nagbihis muna ako para maging komportable.
Naglalakad ako habang papunta sa maraming nagtataasang puno nang may maramdaman akong presensya sa likod.
I felt something powerful by just feeling its presense. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ipinakita dito na natatakot ako.
"Who are you?" Tanong ko dito nang hindi parin nililingon. Ramdam kong malakas ang presensya niya. Napangisi ako sa isipin. Bigla kong pinakawalan ang presensya tinatago ko.
Ramdam kong napahinto ito dahil sa gulat. He didn't expect what I did. I just let out me presense.
"Fvck.." Mura nito. Pagkaharap ko dito ay nakita ko itong nakahawak sa dibdib niya na parang may iniinda.
So this is the impact of my presense when I forcely let it out. It is seriously powerful. I never expected to be this powerful—thinking that it was only my presense.
"W-what are you?" Nauutal nitong tanong habang nakahawak parin sa dibdib niya. He's wearing a cloak. Natatakpan ang mukha nito ng hood kaya hindi ko maaninag.
Tsk. Lakas maka-cloak at makapag-mysterious pero presensya ko palang nautal na.
"It's for me to know, and for you to find out." Pangaasar ko dito. He has a deep voice which made me think that he's way older than me. In short, it's an old man who am I facing.
"Brat! You're the owner Chrysaor Sword. A-and you have a powerful p-presense." Bigla itong naghabol ng hininga na tila kinakapos ng hangin.
Ganoon na ba ako kasikat at pati 'tong matanda ay may nasagap na impormasyon. Hindi siya halatang chismoso.
Tinignan ko ito ng pailalim na tila hinahalukay ang kalooban-looban niya. Napansin kong lumiwanag ang mata ko at ramdam ko rin ang pag-iiba ng kulay nito. Bukod dito ramdam kong lalong naging intense ang kulay nito.
There's no way I could use my sword. Hindi ko pa ito gamay at bukod doon ay hindi ko pa alam kung ano ang kaya nitong gawin. Let's just use my ability. Ipapakita ko na kusa itong lumabas dahil sa emosyon ko.
"W—what—your eyes!" Sigaw nito. Kusa siyang napaatras dahil sa gulat.
"Say hi to my gorgeous eyes." Nginisihan ko ito habang titig na titig parin sa mga mata niya.
Bigla itong sumugod sa'kin na agad ko naman naiwasan pero nagawa parin ako nitong sugatan sa pisnge. Tsk!
"You really have the guts to fight me." Gigil kong saad.
"You're all weak!" Sigaw niya.
"Leave my friend alone!" Bago pa ako makapagpalabas ng malakas na force ay napahinto ako dahil sa sumigaw. Seriously, Stacy? Nice entrance. Tsk.
"Oh! Another brat, huh?"
"Brat your face!" Sigaw ni Stacy at agad itong sumugod papunta sa lalake. Akmang sisipain niya ito ngunit mabilis 'yon nasangga pero ang sunod niyang galaw ay hindi nito naiwasan. Mabilis at matalino kung kumilos si Stacy.
Mabilis nakapunta si Stacy sa likuran ng lalake at tinadyakan ito. Muntik pa ito masubsob ngunit agad din nabalanse ang sarili.
"Stacy." Tawag ko dito nang umambang susugod ulit. Nakuha naman nito ang sinabi ko kaya agad siyang umatras at lumayo sa pwesto namin.
"Let's see if you can handle me." Bigkas ko. Biglang lumiwanag ang buong katawan ko at kusang umangat sa lupa. At sa pag wasiwas ko ng mga kamay ay may tumubo na mga Ice spikes sa lupa. Lumamig ang buong paligid na animong nasa ibang bansa.
Buong pwersa kong inilabas ang init na nagmumula sa katawan ko. Sa isang iglap, sumabog ang lugar na kinaroroonan namin.
This is the first time I've done this, but people would've noticed if I didn't faint, it would be too obvious that I can control the force if I didn't passed out. But, who the fvck cares?
***
Third Person
Napahinto sa pagtakbo sila Klein papunta sa field nang biglang nagiba ang ihip ng hangin. Tila nagbibigay ito ng babala at nagbabadyang may mangyayaring masama. Ang buong paligid ay biglang bumigat dahil sa malakas na presensya na nagmumula sa kung sino.
Nang makarating ito sa field ay sumakto sa mismong pagsabog. Nasaksihan nila ang pagsabog na nagmumula sa gitnang bahagi. Puting liwanag ito na may pwersa. At sa pagsabog na iyon ay biglang may mga yelo na tumilapon sa kung saan. Mga snow na biglang nalalaglag sa kalangitan. At mga nyebe na biglang lumitaw sa kapaligiran.
"s**t!" Bulalas ni Klein sa nasaksihan.
Nang mawala ang liwanag ay siyang paglitaw ng babaeng nakaluhod ang kanang tuhod habang nakayuko. At isang babaeng malapit sa puno na napapaligiran ng barrier na unti-unti ring nawawala—si Stacy. Sa isip nila ay alam na kung bakit ito may barrier na nakapaligid sa sarili. Pinrotektahan ito ng nagmamay-ari ng nyebe na kapangyarihan laban sa pwersang inilabas nito.
Kitang-kita nila na unti-unti tumayo ang babae na nasa gitna. Wala itong kahit na anon malubhang galos maliban sa sugat sa pisnge.
"Lucy!" Sigaw ni Klein at tumakbo papunta sa kinaroroonan nito.
"Petengene! Feeling ko nasa north pole ako pero china version!" Ani ni Terrence habang yakap ang sarili.
"Stacy!" Tumakbo ito sa kinaroroonan nito. Nakatingin lang si Stacy kay Lucy. Tila nagulat sa ipinakita nito.
Ramdam ng buong staff, estudyante at maski ng Headmaster ang biglaang paglamig ng paligid. Hindi iyon normal dahil Summer ang season sa mga panahon na ito kaya imposibleng lumamig ang paligid, maliban na lang kung may gumamit ng malakas na pwersa para gawin ito sa buong academy.
"Lucy! Are you okay?" Natatarantang tanong ni Klein nang makalapit dito. Pinagmasdan pa nito ang buong katawan upang siguraduhin kung may sugat ba itong malala.
"I'm fine." Malamig na tugon nito. Bumalik na rin sa normal ang kulay ng mata nito.
Dumating ang lahat ng mga guro pati na rin ang Headmaster. Gulat na gulat ang mga ito habang inililibot sa buong paligid ang paningin. Puno ng nyebe ang buong Academy, umuulan rin ng snow. Naglikha ang dalagang pangalawan north pole.
"What happened here?" Agad na tanong ng Headmaster nang makalapit sa kinatatayuan nila.
"There's an intruder who entered the academy. Who or how did he enter?" Gigil na sagot ni Lucy at binigyan ng nanlilisik na tingin ito.
Napalunok naman ang lahat dahil sa tensyon na naramdaman. Para itong reyna na kailangan sundin at sagutin kundi ay parusa ang kapalit. Sa tindig at presensya na inilalabas nito ay para itong isang nakatataas na tao—hindi estudyante o guro, kundi isang reyna na namumuno sa buong mundo.
"Miss Melanie, check the whole academy. Check the whole barrier and found out how did this happened. Ask for someone's assistance as well." Utos ng dalaga sa mismong guro nito. Walang pagtutol na sumunod ito. Sa isip ng mga guro ay kapag tumutol sila ay may kapalit na parusa. Sa bawat salita na binibigkas nito ay may awtoridad at kailangan mong sundin ang kung anong sabihin.
Hindi nila alam kung bakit sumusunod sila sa mga utos nito. Ang tangi lang nilang alam ay dapat itong sundin. Kakaiba ang dalagita na ito.
Tila naging pipe ang headmaster at nawalan ito ng lakas na gumawa ng hakbang. Sa pag tahimik nito ay ipinararating niya ang ka niyang respeto sa dalagita.
She's starting.