Lucy's POV:
Bigla akong nagising sa alarm ko kaya agad akong napabangon para patayin ito. Napahawak ako sa ulo ko dahil pumipintig ito sa sakit. I'm having a freakin' headache.
After taking a bath, I went to pick up my things and checked everything. I took my spell book and put it in my pocket—in my coat.
Someone gave me this before. I thought it was just a booklet for kids. I played with it before, trying to read these words and keep on repeating it time by time. Nalaman ko lang na hindi ito ordinaryo nang biglang gumana ang isang spell, marahil na rin sa emosyon na inilabas ko kaya ay nagamit ko ito.
Bumaba na ako at naabutan ko na kumakain na silang lahat. Grabe. Hindi manlang ako kinatok o niyaya nang tatlo kong magaling na kaibigan. I feel betrayed...Kidding.
"Oh, Lucy, andyan kana pala." Sabi ni Lucas nang makita ako.
"Hindi. Wala pa, picture lang 'to." Pambabasag ko sa kanya habang pumupunta sa dining table kung nasaan silang lahat.
"Aysos! Pilosopo pala." Sarcastic na sagot nito sa'kin.
I just rolled my eyes at umupo na sa harapan nila Stacy. Napansin kong hindi manlang ako tinapunan ng tingin ng tatlo. Aba. Pag-untugin ko kaya ang mga 'to? Napatingin ako sa magkabilang gilid ko at napansing napaggigitnaan pala ako ni Klein at Zeke.
Wala talaga ako sa mood ngayon lalo't kulang tulog ko at idagdag pa na sumasakit ang sintido ko.
"Kain na, Lucy." Klein said to me while smiling.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at kumuha na ng tinapay at hotdog. Nagsimula na akong kumain at hindi na lang sila pinansin.
Lumabas na kami ng dorm pagkatapos kumain. Goodness. Katabi ko na naman si Klein at Zeke. Napapansin ko lang, palagi nila akong pinaggigitnaan na parang pinoprotektahan. I'm not a damsel in distress. I can handle myself. Tsk.
'Kyaaahhh! Anjan na sila! Ang Royal Blood!'
'At yung 4 na magagandang babae!'
'Tahimik lang talaga 'yung Lucy 'no?'
'Oo nga pero maganda! Kinabog beauty natin!'
'Maganda nga weak naman.'
'Akin si Stacy jan, 'tol!'
'Akin yung Trixie ba 'yun! Ganda eh!'
'Yung Jordyn akin, mga pre!'
'Sakin nalang si Lucy! Popormahan ko siya!'
Dream on, fvcktards. I just rolled my eyes and continue walking.
"Hanep! Famous na kayong apat ah!" Napatingin ako sa kaliwa ko nang biglang magsalita si Zeke.
Famous your ass
"Oo nga at popormahan ka pa daw nung isa!" Pagsagot naman ni Klein na nasa kanan ko.
"Tsk. I don't fvcking care." Walang gana kong sagot.
"Girls don't cuss so, cut that atittude young lady." Pag-saway sa'kin ni Klein at sinamaan pa ako ng tingin.
Tinignan ko ito ng maagi bago higitan pa ang sama ng tingin na ginawad niya. Napatigil naman ito at nawala ang sama ng tingin sa'kin.
"I can't seem find my interest in what you have said, can you find it? I think I've lost it somewhere else." Malamya kong sagot dito at inunahan na sila sa paglalakad. Hindi ko na narinig na sumagot o magsalita pa ito.
Nang nakarating na kami sa room at umupo na sa kaniya-kaniya naming pwesto.
Napatingin ako sa unahan at napansin anjan na ang teacher. Hinilot ko muna ang sintido ko bago dumukdok sa desk. Ang sakit talaga ng ulo ko. Geez.
"Miss, sleeping is not allowed here, right?" I heard Maya asked the lecturer.
Nagsisimula na naman siya. Inignora ko na lang ito dahil sumasakit ang ulo ko. Narinig ko nang sumang-ayon si Miss sa tanong ni Maya. Tsk.
"But, Lucy is sleeping. Look! So unfair! Kami nakikinig dito tapos siya ay natutulog." Paniguradong abot na naman sa mata ang ngisi nito.
Umiinit na naman ang dugo ko. Ayoko sa lahat ay pinapakielam ako lalo't masama ang pakiramdam ko.
"Miss Macarov, sleeping is not allowed here. You should listen, I'm discussing here."
Inangat ko ang ulo ko at tinignan sila ng walang ka buhay-buhay. "I am listening. Why don't you inform her that you're discussing so, she should have listen to you. Let's see which one of us are really listening."
Sinulyapan ko si Maya at nang-aasar na tinaasan ito ng kilay. Back to you, attention seeker.
"Don't change the topic here. You're the one who's sleepin' and not lis'ning. Don't involve me." Napataas ako lalo ng kilay nang biglang umarte at nagkaron ng pilit na accent sa bawak salita nito.
Hinahamon ba niya ako? Baka magdugo ang ilong at bibig niya, isama mo na rin tenga. Let's give 'em what she wants.
"Aren't you aware about the rules and regulation of this Academy? Oh, c'mon. You grew up here but you ain't aware of the existence of the book? Guess you really burnin' your ass by just sittin' and flirtin' with your co-student. You're a student so, you should do your responsibility. Maybe you entered the academy just to seek for attention and not for learning." Inartehan ko rin ang pagsasalita nang gaya nito with a slight accent in it. American accent to be exact.
"You could be put in detention by not listening in the lecturers while they're discussing. Why? Because you're disrespecting them by not listening. They're giving their best to help us but you're just wasting every of their effort. Yeah, you may be not laying your head on the table and still keep your heads up. But the question is, are you really listening? Do you really understand every of the topics and discussions? All I know is, disrespecting the lecturers are against the rules and same as the students. In short, you're violating the rules, Maya, by using your phone under your table—inside the class while the lecturer is discussing. Now, tell me, which one of us are violating the rules?"
Tahimik ang buong klase at tanging tunog na lamang ng aircon ang naririnig sa loob. Tikom ang bibig ng lahat na tila natamaan sa sinabi ko.
Napatingin ako kay Miss at nakita ang masama nitong tingin na nakatuon kay Maya. Oh well, caught you in the act.
"Look at the person who tries to bitchin' around. So, I hit the button and sent her multiple rebuts but this girl ain't answering. I'm wondering, still breathing, ain't choking? Stop provoking when you can't even continue what you've started." This time I used the british accent to tease her more. British accent with a cold voice.
"Maya. Detention. Now." Matigas na utos ng Lecturer.
Walang nagawa si Maya kaya padabog itong lumabas ng klase. Face the consequence.
"Miss Melanie is waiting for all of you in training room. Let's continue the discussion tomorrow. I will give my extra time for you to prepare. You will be having a one on one combat batte. You better go now. Class dimissed."
"Wow! Lucy, how did you know na may ganun dito?" Manghang tanong ni Terrence nang makalabas kami.
"Fool. Imbento ko lang 'yon. Tsk. Hindi ko alam na kakagat pala. Mga uto-uto." Sagot ko dito at nauna nang maglakad.
Mukhang natameme naman sila nang aminin kong imbento 'yon. Even the lecturer believes me. Tsk. Napaghahalataang baguhan at hindi alam na walang Rules and Regulation book.
Taas-noo akongg naglakad habang nakangisi. Masyado akong naging cool kanina.
Nang makarating na kami sa training room ay agad konn nilibot ang paningin ko. It is a huge room, more like a stadium. May mga bleachers rin sa gilid na maaaring upuan.
"Good day students. I'm Miss Melanie and I will be your Combat teacher. You will be having one on one combat using your weapons. You may start the exercise. Pagbalik ko ay agad na tayong magsisimula." Paliwanag niya bago tumingin sa gawi namin.
Pumunta ito sa gitna at may ibinuling sa hangin. Nang mga ilang segundo ay may biglang lumitaw na barrier na square. Sa loob maglalaban. Hmm.
"Let's start now!" Sumigaw ito kaya mabilis kaming nagsi-ayos.
"First fight. Miss Ryker Vs Miss Stacy."
Hmm. This would be exciting. Bestie vs bestie? Hanggang saan ang kaya niyo?
Nag-umpisa na sila mag laban. Puro sipa at suntok ang ginagawa nilang dalawa. Sa bawat suntok na pinapakawalan nila ay ang iba naiiwasan ngunit ang iba ay tumatama. Nang hindi makuntento ay umilaw ang mga kamay nito at biglang lumitaw ang sariling weapon. Woah.
"Wow. Those sword is one of the myth. Ms. Halmington has an Ice Sword. We called it Excalibur, it can give multiple hits with ice. Everything that will be hit by this will be freeze. This is the strongest weapon of the Ice because it can cut the metal and stone in just seconds." Paliwanag nito habang namamanghang nakatingin sa naglalaban.
"While Ms. Ryker's sword is also one of the myth. That is Earth Sword and Joyeuse is what they call it. The power of this sword is, it can crushed yhe mountains and makes the land shake." Dugtog naman nito namg lumapit ang tingin sa hawak ni Trixie.
Nang lumabas ang mga espada nila ay agad nilang sinugod ang isa't-isa habang naka-mba sa harapan nila ang espada. Wait—what? Napatayo ako dahil sa naisip ko. Are they going to kill each other? Tsk. This girls really loves to be so cruel and heartless.
"Enough! Masyado niyo itong sineseryoso. Anyway, congrats because you have the myth sword. We thought it was all just a myth. But you prove us wrong. You may seat down now. No one win, it's a tie." Nakangiti nitong saad.
Buti naman at pinatigil niya. Hindi pa ako ready mawalan ng bestfriend. Masyadong mahal ngayon ang kape at buscuit. Next time na lang. Schedule na nila para makapag-ipon ako. Kidding.
Nang lumabas ang dalawa sa barrier ay nawala na ang mga sugat nila sa katawan. Habang papalapit ang mga ito sa pwesto ko ay tumatawa pa. Agad ko silang binatukan dalawa nang makaupo sa tabi ko.
"Aray! The heck, Lucy?!" Inis na tanong ni Stacy habang hinihimas ang batok.
"What is you problema ba?!" Maarte naman na tanong din ni Trixie.
Napa-irap ako sa hangin bago sinamaan ito ng tingin. "Baka akala niyo hindi ko nakita 'yung ginawa niyo kanina. May balak ba kayong magpasaksak? Dapat sinabi niyo na sa'kin noon pa para ako na ang gumawa. p*****n ata ang gusto niyo, eh, kung ako kaya pumatay aa inyo?" Gigil na panenermon ko.
Nag-tawanan lang ang bruha imbes na mainis dahil sa sama ng tingin ko.
"Ayyiiee! Concern si Lucy!" Pangaasar ni Stacy at sinundot-sundot pa ako sa tagiliran.
"You really mahal us 'no?! Yiiiee! I'm kinikilig!" Gatong naman ni Trixie.
"Next Miss Macarov and Miss Refer."
Agad akong napatingin sa kaniya nang magsalita ito.
"Maya, huh? Goodluck to you or to her?" Nang-aasar na sabi ni Stacy.
"Goodluck, Lucy!" Trixie said kaya nag nod na lang ako sa kanila.
Pumasok na ako sa loob at pumwesto na. Nasa harapan ko na ngayon ang oger—kidding. I know this will be unfair to my side because she can use her ability as long as she wants, and since I told them I still don't know my ability, I'm having a second thought if I will use it or not yet. Tsk.
"Let the game begin." Nakangising sabi ni Maya.
***
THIRD PERSON
Unang sumugod si Maya gamit ang dalawang dagger na hawak niy. Pilit niya itong sinasaksak kay Lucy ngunit lahat ng ito ay iniilagan niya lang.
Nagtataka ang lahat kung may weapon na ba ang dalaga o wala dahil sa wala pa itong ginagamit na kahit ano at tanging pag-sangga o ilag lang ang ginagawa.
"'Yan lang ba ang kaya mo?" Pang aasar ni Lucy kay Maya kaya sumugod ulit ito habang nanggi-gigil.
"100 Thorns! Attack her at once!" Sigaw ni Maya kaya may lumabas sa likod nito at umatake papunta kay Lucy.
An Earth Elemental She thought as she tries to avoid the thorns. Nailagan naman niya ito ngunit may iba parin na tumama sa binti at braso nito.
I need a plan Sabi ni Lucy sa kaniyang isip habang si Maya ay sinusubukan patamaan ng dagger si Lucy.
"DIIIEEEE YOU, b***h!" sigaw ni Maya sabay sugod papunta kay Lucy.
"I like the way how you call me." Sagot ni Lucy sabay ngisi.
Napapansin nito na puro atake lang ang kalaban. Ni hindi pinagpaplanuhan ang mga tira na igagawad. Bara-bara kumbaga ang mga galaw nito. Napangisi pa siya lalo sa isipin niya. Madali itong mapapatumba kung ganyan palagi ang way ng pakikipaglaban nito.
Nangmakalapit si Maya kay Lucy, sasaksakin na sana niya ito ng dagger ngunit nagulat at napahinto nang mabilis na nailagan ang atake niya na tila nabasa ang kilos nito.
Mabilis na tumalon papunta sa likod si Lucy at agad sinummon ang sword at walang kahirap-hirap na isinaksak kay Maya. Napaluhod ito dahil sa saksak at pati narin sa pagkagulat.
Lalo pa silang napasinghap nang makita ng malinaw ang espadang hawak ni Lucy. Nanlalaki ang mga mata ng mga nanunuod dahil sa pagkagulat.
"Ang Chrysaor sword. The number one legendary myth of all. That's the strongest sword among all swords. The use of this is unidentified because unlike the earth and ice sword, no one can't identify even create a hypothesis because of its simple appearance. The creator of the books of myths leaves a blank description of this. It only has a picture of the sword."
How did she do that? Tanong ni Miss Melanie sa kanyang sarili.
'Paano niya na summon ang sword niya ng ganun kabilis?!'
'Woooaah! Idol ko na 'to si Lucy! Tahimik lang siya pero pagdating sa laban may ibubuga pala!'
'Grabe! Ang bilis nya isummon ang weapon nya!'
'Owemji! 'Yan 'yung chrysaor sword diba? "
"Wooaaah! Oo nga!'
Lumabas na si Lucy at bumalik na kung saan siya nakaupo kanina. Si Maya naman ay tumakbo palabas dahil sa galit.
"That was lit, Lucy!" Sabi ni Stacy at niyakap pa ito.
"So, galing bestie!" Komento naman ni Trixie.
"That was great, ate!" Sabi naman ni Jordyn at hinalikan siya sa pisnge.
Dumaan ang ilang minuto ay tinawag na rin si Jordyn at naipalabas din nito ang sword niya habang nakikipaglaban.
"It is a Air Sword. One of the myth sword. They called it 'WindWaker'. This sword can s***h you in just a second and it can absorb the air that surrounds the owner—even the oxygen inside your body." Manghang paliwanag ng guro habang pinagmamasdan ang sword na hawak ni Jordyn.
Hindi makapaniwala ang guro dahil sa nasaksihan nito. Sa mismong estudyante niya talaga lumabas ang mga espadang ni minsan ay hindi pinaniwalaang totoo. Tuwang-tuwa ito dahil hindi lang napatunayan na totoo ang haka-haka na nasa libro, nakumpleto pa ito sa loob ng isang araw at sa mismong estudyante pa niya.
Nang matapos ang combat class nila ay agad na silang umalis pero humiwalay si Lucy sa kanila at naglakad-lakad muna sa buong academy.
***
Klein POV:
Hindi ako makapaniwala na ganoon kadali lang napalabas ni Lucy ang weapon niya. In just a blink of an eye nasaksak niya agad si Maya. Isang kurap, animong hangin ito sa bilis ng kilos.
Hindi na talaga ako magtataka kung bakit siya ang napili namin. Masyado siyang tahimik at cold magsalita pero kahit ganoon ay ramdam ko ang lakas nito.
I'm her Guardian and she's my Master. She doesn't know the existence of the guardiance—not yet. I am always guiding and making sure her safety.
Ang napili ko na humawak ng Fire Element ay si Charlie Summerall. Hindi nito alam na isa ako sa mga God & Goddesses. Yes, I am the God of Fire and at the same time, a guardian. Mabuti at hindi ito nagtataka na parehas kami ng ability. Ang Elemental Ability ay tanging sa mga dugong bughaw o malalakas na Immortal ang may taglay nito. Kami—Mga Gods & Goddesses ang pumipili kung sino ang karapat-dapat na pagbigyan namin ng kapangyarihan. Isa-isa kaming may pagbibigyan ng bawat kapangyarihan katulad ng pagpili ko kay Charlie pero kung lahat ng kapangyarihan naman ay ibibigay sa isang tao, pare-parehas dapat ang desisyon namin. At sa mga panahon na 'to, naipasa na namin ito sa karapat-dapat na tao na hahawak nito.
Ang napili ni Zeke na pasahan ng kapangyarihan niya ay si Jordyn Smith. He's also her guardian. Lahat ng God & Goddesses ay ang Royal Blood ang napili, at ang mga prinsesa na nawawala.
Kami lang ni Zeke ang pwede lumabas sa aming dimension dahil delikado pag lahat kami ang lumabas. Maaaring masira ang buong Magical World kung sabay-sabay naming ginamit ang kapangyarihan lalo na sa nalalapit na digmaan.
"Uy, pare lalim ng iniisip mo ah." Napabalik ako sa katinuan nang magsalita si Zeke sabay snap ng finger sa harapan ko.
"You're spacing out, Klein." Sabat naman ni Lucas.
I'm with the Royal Blood. We're in the rooftop, tambayan namin 'to. Bawal pumasok ang ibang estudyante nang walang pahintulot namin.
"Iniisip mo siguro si Lucy 'no? Yiiee! Ikaw 'tol ah!" Napasimangot ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Terrence. Ako kinikilabutan. Paano kaya kung malaman ng mga ito kung ano ang relasyon ko kay Lucy?
"Tsk." Narinig kong sabi ni Warren.
Napatingin ako sa kaniya at naningkit ang mata bago binalik ulit ang paningin ko sa malayo. Napangisi ako nang may maisip.
"Mga siraulo!" Sigaw ko na lang sa kanila. Ako pa daw pagtripan.
Naalala ko na mind reader pala 'tong si Warren. Better seal my mind before it's too late.
Napatigil ako sa pakikipag-asaran sa kanila nang makita ko si Lucy na naglalakad mag-isa sa field. Bigla rin ako napasulyap sa likuran niya at may napansing nakasunod dito.
"Woah! Easy lang 'tol! Hindi naman mamamatay 'yang si Lucy eh." Pagpapakalma ni Terrence.
If you only knew. Hindi ako nag-aalala kay Lucy, nag-aalala ako sa kung anong pwedeng gawin nito.
"Gag*! May nakasunod sa kanya oh!" Turo ko sa pwesto ni Lucy.
"So? Kaya niya naman 'yan!
Sinabi niyo nga na natalo niya si Maya kanina. Masyado kang paranoid." Malakas na sagot nito.
Pinabayaan ko na lang sila. Hindi ko na lang inalis ang paningin ko kay Lucy. I know she can protect herself. Gaya nga ng sabi nito, She's not a damsel in distress. She's the danger itself.
"Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Ako din." Bulong ni Zeke. He can feel what I feel dahil parehas kaming Gods. May kakaibang pwersa ang lumalabas sa taong nakasunod sa kaniya.
"Bumaba na tayo. Hindi tayo pwede na panuorin at maghintay lang ng kung anong mangyayare." Saad ko at nauna nang bumaba.