Ang dami ko na namang ginawa sa school kaya ang ending, halos magdilim na nang makauwi ako sa bahay. Dahil sa senior na rin ako, kaya naman lahat ng school work ay dapat gawin para maka-graduate. Mabuti na lang at halfway na ako sa aking research kahit kinakain ang ilang oras ko sa pag-aalaga kay Blayz. Ilang araw na rin ang nakalipas at gumagaling na rin talaga siya pati na ang malaking sugat niya sa ulo. His foot is doing good at medyo nakakalakad na rin siya. He is getting excited alreday dahil pag pinayagan na siya ng doctor, makakabalik na siya sa kanyang trabaho. We are doing good rin naman. Hindi na bumalik si Lorelei which I am thankful for. Nakalimutan ko na ring banggitin siya kay Blayz kaya hinayaan ko na lang. Nakita ko na nakailaw na sa loob ng bahay kaya naman pumasok na a

