Mabilis akong umalis sa family diner na ‘yon at iniwan si Lorelei, Assistant Chief, superior at ex-girlfriend na rin ni Blayz. Hindi ako makapaniwala! Talagang pumunta pa talaga siya rito para dalawin ang boyfriend ko. Ako naman si tanga sumunod sa kanya para lang sabihin nito na ako ang manggulo sa buhay ni Blayz. She may be superior than Blayz, siya man ang nauna sa buhay niya pero wala siyang karapatan para pagsabihan ako ng gano’n. What’s her motive anyway at paano niya nalaman na may relasyon kami ni Blayz? Sabagay, alam naman nito ang lahat ng nangyayari sa buhay ni Blayz. Nang makalayo na ako sa diner, doon na ako tumigil sa pagtakbo and I took a deep breath. I need to calm myself bago ako pumasok ng bahay. Sandali, alam kaya ni Blayz na si Lorelei ang nasa labas ng gate. May came

