Mula sa aking pinagtataguan, naghintay ako na magpakita ang mga lalakeng nag-uusap. Pamilyar din kasi talaga ang boses ng isang naririnig ko. Maybe it's just my imagination or maybe tama ang hinala ko. Hindi ako gumalaw at hindi ako gumawa ng ingay para hindi nila ako makita. Palapit ng palapit ang mga boses nila mula sa aking pinagtataguan. Tinakpan ko ang aking bibig nang makita ko na ang kanilang mga anino hanggang sa nakita ko na nga ang mga lalake. Malamang naka-stay sila sa mga kwarto na nasa taas namin. Nagtatawanan sila at masayang nag-uusap. Nagsalita ang lalakeng pamilyar ang boses at natigilan naman ako. Ka-height niya kasi ang isa sa mga lalake na pumasok sa bahay ni Blayz at pareho pa sila ng boses. I may be wrong pero gaya nga ng sinabi ko parang ka-eded lang namin ang mga

