Despite sa nangyari sa amin kagabi ng aking kaibigan, pumasok pa rin kami sa college kinabukasan. Sabay kaming pumasok at magkasama pa rin kami buong gabi. Hinatid kami ng grupo nila sa malaking apartment ni Koahl kung saan kami nag-stay buong gabi. Hindi na rin kasi kami makabalik sa bahay dahil sinira ng mga magnanakaw ang security system at may mga sirang gamit pa lalo na sa kwarto at sa kwarto ni Blayz na magulo dahil na rin sa paghahanap ng mga magnanakaw ng vault at valuable na magnanakaw. Hindi ko akalain na may lakas ng loob na pagnakawan ang isang firefighter at akal nila walang tao sa bahay. Dati-rati kasi nag-iisa lang si Blayz na nakatira roon at kailan lang nang tumira ako sa kanya. Nagkataon na nag-sleepover pa ang kaibigan ko kaya naman nadamay siya. Kitang-kita ko ang pag

