Malalim na ang gabi habang nagbibigay ng ibayong liwanag ang kabilugan ng buwan. Napakatahimik ng buong lupain ng Green Valley habang abala ang lahat sa puspusang pag-eensayo. Hindi mapagkakailang ang Green Martial Valley Union ay patuloy sa puspusang pagcucultivate lalo na at mukhang lumalaganap na ang kasamaan at kaguluhan na batid nilang nalalapit na din na mabahiran ng dugo ang kanilang maliit na lupaing kinaroroonan. Whoosh! Whoosh! Whoosh! Rinig na rinig ng batang si Li Xiaolong ang huni ng mga palasong papatama sa kanilang pwesto lalo na at nasa cultivation ground siya ngayon. Kasama niya ang munting alaga niyang isang water esk. Patuloy itong lumalaki habang lumilipas ang panahon. Kasa-kasama na niya itong mag-ensayo ngayon. Biglaan kasi ang paglaki nito at nasasakyan niya na an

