Mabilis na nakarekober ang lahat sa bigla na lamang na pangyayaring naganap. Agad na umalis papalayo ang malapit sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong dahil bigla silang nakaramdam ng napakabigat na awrang nakapalibot sa paligid nito. Bakas ang hirap sa mukha ng batang si Li Xiaolong matapos na maramdaman niya ang nakakapanindig balahibomg enerhiyang umalpas mula sa loob ng katawan niya na wari niya'y umaagos ito sa bawat parte ng katawan niya finding a way out to be release. Mabilis na umupo ang batang si Li Xiaolong sa lupang kinaroroonan niya kahit na pakiramdam niya ay niluluto siya ng buhay. Malamang ay napakabagsik ng apoy na galing sa Evil Fire Crow kaya walang sinuman ang sumubok na lapitan ito o di kaya ay gustong taglayin ang mapamuksang nature ng apoy na ito na kung sobran

