KALMADO pa rin si Amary habang ang kaibigan niyang si Jessy ang gigil na patulan si Zara.
“Mukha ka raw linta, ano naman siya? Centipede?” gigil na anas ng kaibigan.
“And what are you murmuring there?” baling ni Zara kay Jessy.
Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at bahagyang pinisil, tanda na huwag patulan ang dean.
Nanahimik sila ni Jessy hanggang sa makaalis si Zara. May ilang minuto pa silang hihintayin bago magsimula ang klase nila sa unang subject. Magkatabi sila ni Jessy sa upuan.
“Besh, I’ll go to the powder room first. I have to change my pads,” ani ni Jessy sabay kindat sa kaniya.
Gets na niya iyon. Naglabas siya ng cellphone at tiningnan ang ilang mensaheng natanggap niya. Isa ang mama niya na madalas magpadala ng mensahe.
Nirereplyan niya ang ina nang hindi inaasahang may grupong lumapit sa kaniya. Mga kaklase na hindi niya ka-close.
“How could you feel selling yourself to suck money for your scholarship?” tanong ng mistisang si Jade.
Lihim na naghinang ang mga ngipin niya sa narinig. Ito lang naman ang kaklase niyang insecure sa lahat ng achievements niya. Matapang kapag may mga back-up. Hindi niya tiningnan. Sa screen ng phone siya nakatitig.
“Buti na lang hindi naaakit ang boyfriend mo sa iyo. Kahit mala-birhen ka pa kaganda if you’re still a low-key sucking money from Damien, hindi ka talaga niya gugustuhin. He loves much daring than a pathetic like you!” dagdag naman ng nasa kaliwa ni Jade.
Hindi na bago kay Amary ang mga mapanlait na dila ng mga ito. Si Jessy lang ang madalas pumapatol para ipaglaban siya. Nagtawanan pa ang mga ito ngunit dinedma lang niya.
“Wow huh! No reactions? Or, accepted mo na, na isa ka lang sa mga toys ni Damien. Kakaiba ka rin eh. Isiksik mo ang sarili mo sa lalaking hindi bet ang kagaya mo,” gatong pa ng nasa kanan ni Jade.
Hindi pa rin niya pinatulan kahit gustong-gusto na niyang hilahin ang dila ng mga ito. Ang pananahimik niya ang nagpagigil kay Jade.
“Are you trying to…” Naputol ang gigil na salita ni Jade nang biglang may malakas na bumagsak sa gawing likuran.
Napalingon ang lahat kasama na siya. Hindi sa kung anong bumagsak ang una niyang tiningnan. Kung ‘di ay ang lalaking seryosong nakaupo sa likuran.
Parang mga tutang umamo ang mga kaklase niya at nagsibalik sa upuan ng mga ito. Ngunit siya ay pilit inaalala kung saan niya nakita ang lalaking nananahimik sa sulok.
TAHIMIK na natapos ang unang klase ni Amary. May isang oras na pagitan bago ang susunod na klase kaya ay naisipan muna nila ni Jessy na tumungo sa café na malapit lang sa building ng department nila.
“Akalain mo, besh, kaklase lang pala natin ang nakabangga mo kanina. But, he’s better than your playboy boyfriend, huh. Pero pansin mo ba? Wala siyang kinakausap. Tahimik the entire period.” Iyon ang mga napuna ni Jessy.
Sabay silang naupo sa napili nilang table. May kaniya-kaniya silang tray ng cappuccino coffee at muffin. Jessy was right. That’s what exactly she thinking while sipping a cup of coffee.
“Hindi ko maintindihan, Jess. While you’re in the bathroom, parang sinadya ang pagkalaglag ng trophy malapit sa upuan niya kanina. Nagulat kaming lahat at nagsialisan ang mga bubuyog na bully sa harapan ko. Napatingin kami sa kaniya pero at is lang naman siyang nakaupo sa likuran. Something strange at napatigil niya ang mga bungangera."
“Really? Kaya pala ang tahimik pagbalik ko. You mean, sumugod na naman ang mga galamay ng Zara na ‘yon? Hindi ka ba nila sinaktan?” Nilapag ni Jessy ang cup matapos sumimsim.
“Ano pa nga ba. Saan ba kukuha ng tapang ‘yang Jade na ‘yan. Magpinsan sila ni Zara at hindi malayong magkadugo ang ugali nila,” aniya.
Hihigop na sana siya ng kape nang agawin ni Jessy ang atensiyon niya. Nakanguso ito sa lalaking naka-side view sa kabilang table. May isang mesa lang ang pagitan sa kanila.
“Hindi ba’t siya iyan?” hula nito.
Napatingin din siya sa lalaki. Kahit siya ay siguradong ito nga ang tinutukoy ni Jessy. Nagsosolo ito sa isang mesa habang nagbubuklat ng pocket size book. Simple at ordinaryo lang itong manamit ngunit napakalinis tingnan.
Tama si Jessy, mukhang may lahi nga ito dahil halatang matangos ang ilong lalo at naka-side view sa kanila. Medyo tinted ang eyeglasses nito kaya hindi niya masyadong maaninag ang mga mata. Mukhang seryoso ito sa binabasa.
Panay ang sulyap niya rito sabay ng kung anu-anong katanungan sa isip niya tungkol sa pagkatao ng lalaki. Napansin siya ni Jessy.
“I remember, besh. Renz Black ang pangalan niya. Nakita ko kanina sa index card na pinasa natin kay Mrs. Smith. Siya kasi ang sinundan ko pagpasa kanina,” mahinang saad ni Jessy sa kaniya.
Hindi man siya kaagad sumagot ay lihim naman niyang tinandaan ang pangalan nito. Nahihiya lang siyang aminin kay Jessy ngunit may kakaiba siyang nararamdaman kapag nakatitig siya kay Renz. Na parang naging interesado siyang malaman kung sino talaga ito.
"Parang ang hirap lang niyang kausapin, Jess. Masyado siyang seryoso.” Dinampot niya ang muffin at hinati.
“True. Napansin ko rin. Pero ang lakas ng karisma niya para sa akin. Hindi naman sa gusto ko siya pero kakaiba lang ang hatak ng aura niya. Tipong kapag ngumiti siguro iyan ay mapapatitig ka. Teka, bakit nga ba siya ang naging topic natin?” Nakapansin si Jessy ang takbo ng usapan nila.
Bago pa man mag-iba ang usapan ay sabay na naagaw ang atensiyon nila ng dalawang papasok sa entrance ng café.
Magkasabay sina Damien at Ella na pumasok. Kaagad silang napansin ni Ella kaya lumapit ito sa kanila. Samantalang lihim siyang napatanong kung bakit napapadalas ang pagsasabay ng mga ito.
“Hello guys! How are you both?” masayang bungad ni Ella.
“We have a short break so we stay here for a moment. Ikaw kumusta naman?” tugon ni Jessy rito.
Hindi man lang siya nilapitan ni Damien dahil dumiretso ito sa counter at nag-order. Sanay na siyang hindi agad pinapansin nito. Come what may, pansinin man o hindi.
“Ikaw, Amary, kumusta ka na? I’m busy this few days kasi nga graduating na. Mabuti nga nandiyan si Damien at hindi ako pinababayaan. Alam mo naman, genius doctor to be ang boyfriend mo, Amary,” masayang sabi nito.
Hindi lang niya masabi na umiinit ang bunbunan niya sa maarteng pananalita nito. Alam niyang parehong degree ang kinukuha nito at ni Damien. Pero napapansin na niya ang pagiging close nito sa kasintahan.
“I’m okay, Ella,” tipid niyang sagot.
Nakangiti siya kahit pilit. Mas close niya ito noon kaysa kay Jessy. Tanggap na sana niya na babaero ang boyfriend pero ang makita si Ella na didikit ay nag-iba na ang pakikitungo niya rito.
“Anyway, naisipan rin namin ni Damien na mag-snack muna. Nakaka-drain kasi ang practicum at researches. At isa pa lilipat na kami sa ibang ospital by next month. Just like the previous year.” Maingay talaga itong si Ella kaysa kay Jessy.
Kahit hindi ito tinatanong ay salita nang salita. Sinasakyan lang ni Jessy. Siya naman ay pangiti-ngiti o tatango na lang.
“Magtatagal ba kayo rito? Maya-maya ay aalis na rin kami ni Amary,” ani ni Jessy kay Ella.
“Medyo. Sayang naman hindi tayo makapag-chika nang matagal. Di bale, babawi ako next time.”
Muntik na niyang sagutin si Ella na kahit hindi na ito bumawi ay ayos lang. Nanahimik na lamang siya.
Hinayaan nilang umalis ito at lumapit kay Damien. Tumayo na rin sila ni Jessy. Akmang tutunguhin nila ang exit door ay may pumigil sa kanila.