NATIGILAN si Amary pati ang kaibigang si Jessy.
“Wait!” malakas na boses ng babae.
Pamilyar siya sa boses at nilingon ito.
“What a rush?” Si Zara ang pumigil sa kanila.
Bahagyang nangunot ang noo niya. Walang pinipiling lugar kung kausapin siya nito.
“Bakit po, ma’am?” Si Jessy ang unang nagsalita.
“I’m talking to my sister-in-law to be.”
Tumahimik na lamang si Jessy sa sinabing iyon ni Zara. Umabante siya para harapin si Zara.
“May ipapagawa po ba kayo, ma’am?” mahinahong tanong niya.
Nagkrus ng mga braso ang dean. Hindi ito marunong magbaba ng boses kahit sa maraming tao. Napasulyap si Damien sa kanila.
“See? Even my brother don’t care about you. Why still tailing him? For money?”
Nahiya siyang nilibot ang tingin sa mga nakatingin sa kanila. Sa lakas ng boses nito ay malamang narinig sila. Muntik pang umabante si Jessy para sagutin ang dean ngunit sinenyasan niya na huwag lumapit.
“There’s a proper place to discuss about this, ma’am,” mahinahon pa ring sagot niya.
“This is a perfect place, don’t you see?” sarkastikong sagot nito sabay ngisi.
Napalapit si Damien sa kanila. Naiwan sa table si Ella.
“What’s wrong, sis?” tanong ni Damien sa kapatid.
Bumaling kay Damien si Zara. Gigil ang inner self niya at gustong pag-untugin ang magkapatid. Kumalma lang siya.
“We’re okay with our set-up, ate. Hayaan mo na lang kami. Okay lang naman sa kaniya ang mga ginagawa ko. Don’t mind us,” ani ni Damien, saglit lang siya nitong tinitigan.
“Don’t mind? At the end si Dad pa rin ang magpapasya. So ano, you let that woman live with us? That’s so embarrassing! Are you out of your mind marrying a beggar like her?” Ang tigas ng salita ni Zara pati ang hintuturo na tumutok sa mukha niya.
Hindi nakatiis si Jessy at hinila siya bago pa matusok ang mata niya ng daliri ni Zara.
“Umalis na lang tayo rito,” bulong sa kaniya ni Jessy.
Bago umalis ay saglit niyang nilapitan si Damien. Hindi na pinansin ang pang-iirap sa kaniya ni Zara.
“If you have time, let’s talk. Just the two of us,” aniya kay Damien.
Inakbayan siya nito.
“I will tell you whenever I have time. I’m busy, you know that,” anas ni Damien sa kaniya.
Sumama siya sa paghila ni Jessy sa kaniya palabas ng café. Wala na siyang pakialam kung mamulikat sa kaiirap ang mga mata ni Zara sa kaniya.
“Grabe ka, huh! Tiniis mong mapahiya ka sa maraming tao. Kung ako iyon baka nilampaso ko na sa sahig ang mukha ng Zara na ‘yon. Bakit kasi nagtitiis ka sa kanila?” bulalas ni Jessy.
Kalmado man siya but deep inside ay na-pressure siya. Hiniling niya sa kaibigan na pagkatapos ng klase ay nais muna niya mapag-isa. Naunawaan naman siya nito.
NOON break ay nagpasya siyang tumungo sa sport complex. Walang tao roon kapag tanghali. Naghahanap siya ng tahimik na lugar. Papasok na sana siya ng entrance nang biglang may napadaan na grupo.
“She’s an indeed martyr I knew. Did she not aware that his boyfriend is a certified womanizer?” Narinig niyang sabi ng isang babae.
Hindi na niya binilang kung ilan ang mga ito. Ayaw na niyang tingnan pa.
“Yeah! A leech can endure the pain as long as she can suck.”
Hanggang sa papalayo ay naririnig niya ang pahinang usapan. Nagtawanan pa.
“She’s just a toy to a playboy.”
Hinayaan na niya at nagpatuloy sa loob. Naglabas siya ng cellphone at kinamusta sa chat ang nanay niya.
“You have a wise choice.”
Kamuntikan pa niyang mabitawan ang cellphone nang biglang marinig ang nagsalita. Nanggaling sa likuran niya. Napatayo siya mula sa bench na kinauupuan. Hinanap ang pinanggalingan ng baritonong boses ng lalaki.
Her heart pounding, not just for a surprise, but an unexpected moment to see a mysterious man. Akala niya siya lang ang naroon.
“A-Anong ginagawa mo rito?” manghang tanong ni Amary nang makaharap si Renz.
Hindi ito kaagad na sumagot. Umupo ito sa dulo ng bench kung saan siya nakaupo kanina. Namagitan sa gitna nila ang purple sling bag niya at mga libro.
Nahihiya siyang magsimula muling magsalita dahil napakaseryoso ng mukha nito. She can’t resist gazing at his face while his not looking at her. He has sharp, well-defined brows. His brown eyes seemed to notice everything around him.
Nahihimay ng paningin niya ang bawat detalye ng mukha nito. She finally confirmed what Jessy noticed about this man.
Nailang siya dahil wala yata sa plano nitong saguting ang tanong niya. Binaybay na naman niya ang mukha nito at habang naka-side view ay tinititigan niya ang matangos na ilong nito.
“Akala ko masosolo ko ang moment sa lugar na ‘to dahil walang tao, nandito naman pala ‘to,” she whispered while staring at the floor.
Hindi naman siguro niyon narinig dahil naka-headset.
“I’ve been here already before you came.”
Mabagal na napalunok siya nang marinig ang sagot nito. She slowly turn her gazed to him. Eksaktong napatitig ito sa kaniya. A deep set of his light-brown eyes digging down to her soul. Biglang nagwala ang sistema niya.
Hindi niya tuloy alam kung saan niya ibabaling ang paningin. Umurong ang dila niya, walang maisip na sasabihin.
“Are you skipping the tension from the café?”
She sighed deeply.
“Nakakahiya ‘yon. Ewan kung isa ka sa naniniwala sa mga nakita at narinig mo,” aniya.
Bawat sulyap nito ay lalong nagpapakaba sa kaniya. Hindi naman siya takot, kakaiba lang ang nararamdaman niya sa mga titig nito.
“Choosing to stay silent is a powerful act you did. Pero ang hayaan mong tapakan nila ang pagkatao mo ay ibang usapan na.”
Namangha siya at humaba-haba rin ang salita nito. Lihim niyang ikinatuwa ang pag-aayon nito sa ginawa niya.
“If possible, ayaw ko ng gulo. Kailangan kong gawin ito para sa future ko. Mahalaga alam ko sa sarili ko na malinis ang hangarin at pagkatao ko. Hindi ko kailangan ipaliwanag sa kanila lahat.”
Ramdam niyang nakikinig ito sa mga sinasabi niya. Hindi niya maipaliwanag ngunit biglang naging magaan ang pakiramdam niya habang kasama niya ito.
“Why did you tolerate your ruthless boyfriend?” seryosong tanong nito.
“Damien didn’t love me actually. Naging girlfriend niya lang ako dahil iyon ang gustong mangyari ng daddy niya. Naniniwala kasi ang daddy niya na kaya ko siyang pabaguhin.” Napayuko siya. “But definitely not.”
She noticed a sighed from him. Naramdaman niyang naiintindihan siya ni Renz.
“So, what’s your plan?”
Napasulyap siya rito. “Ewan. Naguguluhan pa ako. This is my second degree at malaking opportunity. Kung hihiwalayan ko si Damien, mawawalan ako ng scholarship at babayaran ko ang buong nagastos ko mula nang nag-aral ako. Mawawalan din ng trabaho ang mama ko. Makakahanap ako ng trabaho pero mahihirapan ako. Maimpluwesiya ang pamilya ni Damien,” malungkot niyang bahagi.
Naging komportable na siyang i-open lahat ng gumugulo sa isip niya.
“You choose to endure everything. But your future is a chaos.”
Tama naman ito. Mas impyerno pa nga ang magiging future niya kay Damien. Hindi pa sila kasal ay niloloko na siya.
“I understand,” anito na lamang nang hindi siya kaagad nakasagot.
Nawalan na siya ng chance para alamin rin ang buhay nito.
“I think, I have to go,” bigla niyang paalam.
She almost leaving but his hand gently gripping her hand. Kasunod ang pag-abot sa kaniya ng calling card. Nagtaka siya kung bakit may calling card ang simpleng taong ito.