Episode 2 - DINNER DATE WITH PROPOSAL

1050 Words
Dumating si Helario at pumarada ang sasakyan sa harapan ng waiting area. Agad tumayo si Yuki at hinayaan niya na ang kaniyang Ate mismo ang lalapit sa kotse ng kaniyang nobyo. Napansin naman agad ni Helario na magkagalit ang magkapatid dahil hindi man lang ngumiti sa kaniya ang nobya. "Hi!" nakangiting bati ng nobyo kay Yuki. "Hi!" tugon nito, sabay halik sa labi ng nobyo. Pumasok naman si Amanda sa likurang upuan. "Hi, Helario. Kumusta?" bati ni Amanda na may kasamang papansin. "Same as usual, Helario pa rin!" tugon nito na sa nobya nakatingin. "Sasabay pala daw si Ate sa pag-uwi," seryosong saad ni Yuki. "Okay, walang problema," dismayadong tugon nito. Dinukot ng lalaki ang kaniyang phone at lihim itong nag-type para i-send sa kaniyang nobya. "Kakain sana tayo sa labas dahil sahod ko." Message ni Hellario. Alam naman agad ni Yuki na ang nobyo ang nag-send message sa kaniya kaya agad niya itong tiningnan. Dismayado naman siya habang binabasa niya ito."Next-time na lang, mahal!" reply niya. "Gusto mo, mahal, ipagpaalam kita sa Mama mo?" "Sige!" nakangiting tugon niya "Okay, mahal... I love you!" Helario send message. "I love you too!" reply ulit nito. Nang mabasa iyon ni Helario ay agad naman niyang kinuha ang palad ni Yuki at kaniya itong hinahalikan. "Ehem! Ang sweet naman! Baka sa sementeryo ang punta natin nito!" biglang sabi ni Amanda na halatang nagpapansin at nagseselos. "Huwag namang ganiyan Amanda. Don't worry, nag-iingat naman ako!" tugon ni Helario. "Dapat lang!" galit nitong turan. Ngitngit sa inis naman si Yuki, dahil sa inaasta ng ka kaniyang Ate. "Huwag mong pansinin, nagpapansin lang iyan!" prangkang sabat ng nobya. "At kanino naman ako nagpapansin?" nakataas ang kilay na tanong ni Amanda. Hindi na kumibo si Yuki at ganoon rin si Helario. Hanggang sa dumating sila sa bahay at bumaba ang lalaki para ipagpaalam ang nobya na mag-dinner sila sa labas. "Magandang hapon, Tita Lucia!" bati ni Helario. "Magandang hapon rin, Helario!" tugon ng ina ni Yuki. "Ahhh… Tita, ipagpaalam ko sana si Yuki. Lalabas sana kami saglit para kumain sa labas." "Tumingin agad ang ina ni Yuki sa kaniya at agad namang siyang yumuko. "Ma, hindi puwede! May ipapaluto sana ako kay Yuki, eh!" sabat ni Amanda at agad napatingin sa kaniya si Helario. "Amanda, bakit hindi ikaw ang gagawa? Matanda ka na at hindi katulong si Yuki na ganyanin mo!" kunot-noong reklamo ni Helario. "Hindi ako marunong! Si Yuki lang ang marunong magluto." "Dapat matuto ka, dahil matanda ka na at balang araw mawawala rin si Yuki dito," dagdag ni Helario. "Shaa! Shaa! Tama na iyan. Sige, papayag ako basta balik kayo kaagad. Dahil marami pang gawaing bahay si Yuki," turan ng kanilang ina. Natuwa naman si Yuki sa sinabi ng ina. "Magbihis lang ako saglit," nakangiting nagpaalam si Yuki sa kaniyang nobyo at patakbo itong nagtungo sa kaniyang kuwarto para magpalit ng damit. Ngitngit sa galit si Amanda na walang kibong pumasok sa kaniyang kuwarto at pabagsak niyang isinara ang pinto. "Salamat, Tita Lucia," sabi ni Helario nang sila na lang ang naiwan sa sala. "Walang anuman, maupo ka muna." Umupo naman si Helario at nagkuwentuhan sila saglit. "Helario, matanong nga kita. Gaano mo ba ka mahal si Yuki?" "Mahal na mahal ko si Yuki at pakakasalan ko siya kapagkatapos na siya sa pag-aaral." "Ganoon ba! Mabuti naman," tugon nito. Ngunit banaag sa kaniyang mukha na hindi ito masaya. "Tayo na!" masiglang sabi ni Yuki. Simple lang ang kaniyang suot dahil hindi naman siya mahilig sa mga sexy dress. "Ma, alis na po kami," paalam ni Yuki. "Tita, salamat ulit!" anang lalaki. "Umuwi kayo agad!" Pahabol ng Ginang. "Opo!" sagot ni Helario. Masaya na umalis ang magnobyo dahil pakiramdam nila ay malaya silang dalawa. Hanggang sa makarating sila sa Siyudad. Pumasok sila sa isang magarang na restaurant at hindi alam ni Yuki na may sorpresa si Helario sa kaniya. Habang naghihintay sila sa kanilang order ay sekretong kinuha ni Helario ang maliit na kahon mula sa kaniyang pantalon. "Mahal..." pabulong na sambit ni Helario. "Yes, mahal?" tugon niya sabay lingon sa nobyo. Lumaki ang mga mata ni Yuki nang makita niya ang simple gold ring na hawak ni Helario. At agad siyang napatitig sa mga mata ng lalaki. "Ano ito, mahal?" tanong ni Yuki sabay hawak niya sa gold ring. "Mahal, will you marry me?" Ngumiti si Yuki habang titig pa rin sa mga mata ni Helario. "Yes, mahal. After my graduation," masayang tugon ni Yuki. "Salamat, mahal. Maghihitay ako. I love you so much, Yuki..." mamdaming sabi ni Helario. "Mahal na mahal rin kita, sobra!" ganti naman niya. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkain na kanilang inu-order. Mas lalong nagpapasaya sa kanila ang nalalapit nilang kasal. Nang matapos na sila ay agad na siyang hinatid ni Helario sa bahay "See you tomorrow, mahal..." sabi ni Yuki nang makababa siya ng kotse. "Okay, mahal. Bye-bye!" tugon ng nobyo at umalis na ito. Masiglang pumasok sa bahay si Yuki, habang nakahawak ang kaniyang isang kamay sa kabilang daliri na may suot na singsing. Agad naman siyang napagdiskitahan ng kaniyang Ate Amanda. "Bakit ngayon ka lang?!" galit nitong bungad ni Amanda. "Anong bakit? Gaano ba ako katagal sa labas, Ate? At kung makaasta ka ay para kang si Mama!" reklamo niya dahil para itong kanilang ina na nakapamaywang. "Bakit? Wala ba akong karapatang magalit?! Ate mo ako!" "Hindi ko naman sinabi na wala kang karapatang magalit, kung tutuusin oras-oras at araw-araw ka ngang nagagalit. May karapatan ka siyempre! Pero ilagay mo sa lugar." "So… marami ka pa lang pera?Saan kaya galing ang pinagbili mo niyang singsing? Hmmm…I smell fishy, " aniya na parang pinagdudahan pa si Yuki na may ginawang masama. "Bakit ba lahat na lang ang nasa akin ang pinapansin mo, Ate? Sa tingin mo ba nakakabili ako nang ganito sa sarili ko? Na ikaw mismo ay alam mong pinagdadamutan ako ni Mama sa pera. Dahil kayo lang ang mahalaga sa kaniya!" sarkastikong tugon ni Yuki at naglakad na ito papunta sa kaniyang kuwarto. Hindi naman nakaimik si Amanda, sapagkat may katutuhanan naman ang mga sinasabi ni Yuki. "Anyway! Bigay ito ni Helario. Engagement ring pa lang naman!" Nagpapaingit na pahabol ni Yuki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD