Episode 3 - Immortal World

1032 Words
Tulalang tinalikuran ni Yuki ang kaniyang Ate, na ngitngit na naman ito sa galit. "Engagement ring? Hindi puwede! Dapat may magawa na akong paraan para magiging akin na nang tuluyan si Helario," pabulong na sabi ni Amanda at nagpabalik-balik ito sa paglalakad. Na tila iniisip ang ang kaniyang gagawin. =SA MUNDO NG IMMORTAL= "Gusto ko si prinsipe Amarpal na magiging asawa ng aking anak," boses ng ama ni prinsesa Zaida. Hindi kumibo sa Amarpal at nagpatuloy lang ito sa pagsubo. "Amar, narinig mo ba?" tanong ng ama nitong hari. "Hindi!" maikling sagot ng binatang prinsipe. "Pag-usapan na lang natin iyan sa ibang araw," suhestiyon ng ama niya sa kanilang panauhin. "Sana sa madaling panahon," sabat ni prinsesa Zaida na nakatitig kay prinsipe Amarpal Hindi kumibo ang crown prince at bahagya lang itong ngumiti nang pakatipid. "Excuse me!" biglang tumayo si Amar, sabay talikod at umalis na walang pasabi. "Zaida!" sambit ng kaniyang ama, dahil susundan sana niya si Amar. "Pabayaan mo muna si prinsipe Amar," sabi ng ina ni Amar na isang monarchess, at muling umupo si Zaida. Lumabas si Amarpal mula sa kanilang palasyo at nagtugo sa isang lugar na siya lang ang nakakaalam. Dito siya madalas namalagi kapag kailangan niyang mapag-isa. Kung sa kanilang mundo ay bahay ito ni Amarpal na malayo sa palasyo. Kung sa mundo naman ng mga mortal ito ay isang bahay paupahan. Ngunit dahil mabuting immotal si Amarpal ay hinahayaan niya ang tumitira rito. Subalit kapag ayaw niya sa nakatira nito at naiingayan siya ay kaniya itong tinatakot. Upang magsilayas ang mga ito, kaya ang kuwarto ay laging abandunado. Sa mundo ng immortal ay isang libong taong gulang na si Amarpal at binata pa rin ito. At hindi lang basta-bastang binata dahil siya ang pinapangarap ng mga prinsesa at mga ordinaryong immortal. Dahil napakaguwapo nito at lahat ng katangian ng isang lalaki ay nasa kaniya na. At isa rin itong crown prince. Napakapihikan nito sa babae at maraning mga prinsesa ang nagkagusto at nangangarap sa kaniya. Ngunit ang lahat ay kaniyang binaliwala. Ito pa ang pumunta sa palasyo upang hingin sa hari at reyna na gawin silang asawa. "Amar, Nakikipagkasundo ang ama ni prisesa Zaida para ipakasal kayo. Tatanggapin mo ba?" tanong ng kaniyang amang hari. "Ama, hindi ko gusto ang kanilang anak," simpleng sagot ni Amar. "Pero bakit? Maganda si Zaida, matalino at perpekto. At sila ang pangatlong mataas na angkan. "Ama, walang perpekto sa ating mundo. At wala akong pakialam kung mataas ang kanilang angkan. Basta ayaw ko sa kaniya dahil hindi ko siya mahal. Pakasal lang ako sa isang babae kung mapupusuan ko siya." "Kung ganoon, wala kaming magagawa," tugon ng kaniyang amang hari. "Salamat sa pag-unawa, Ama." =MUNDO NG TAO= SUMAPIT ang araw ng graduation ni Yuki at Amanda. Walang mapagsidlan sa kaligayahan na naramdaman niya. Dahil ngayon ay natupad na ang kaniyang pangarap isa na siyang ganap na architect "Congratulations, mahal! Sa wakas, natupad na ang pangarap mo," masayang bati ni Helario sa kaniya. "Salamat, mahal. Sobra kong saya ngayon!" tugon niya sabay yakap sa nobyo. Ngunit sa kanilang likuran ay kanina pa nakamasid si Amanda. Na nakataas ang dalawang kilay at ang nguso nito. "Magiging akin ka rin, Helario! Ako ang magiging asawa mo at hindi si Yuki!" Ngitngit sa selos si Amanda, habang pinagmasdan ang dalawa na masayang magkayakap. "Hindi n'yo ba ako babatiin?" Biglang sulpot ni Amanda sa kanilang tapat. At dahan-dahan namang naghiwalay ang dalawa. "Congrats, Ate Amanda!" nakangiting sabi ni Yuki. "Salamat! Ikaw Helario, ayaw mo ba akong batiin?" aniya na halos abot tainga ang ngiti. "Congrats!" sabi naman nito. Ni kahit konting ngiti ay wala. "Thank you, Helario!" aniya at biglang yumakap sa lalaki. Lumaki naman ang mga mata ni Yuki sa biglang pagyakap ng kaniyang Ate Amanda. Na animo'y ganoon talaga sila ka close ni Helario. Kahit ang lalaki ay nabigla rin at hindi siya tumugon at kay Yuki ito nakatingin. "Excuse me, Amanda!" wika ni Helario at pilit niyang tinanggal ang mga kamay ng babae. "Oh! Sorry... masaya lang ako," aniya. Hindi kumibo si Yuki at nakatingin lang ito sa kaniya. "Tayo na, mahal…" yaya ni Helario sa nobya at sabay akbay niya. At naglakad papalayo kay Amanda. Kunot-noo namang pinagmasdan ni Amanda ang papalayong magkasintahan. "Galit ka ba, mahal?" tanong ni Helario sa kaniya, dahil sobrang tahimik nito sa loob ng kotse. "Sa iyo hindi naman, mahal. Pero kay Ate Amanda, galit na galit ako. Iba kasi ang kaniyang ikinikilos kapag nakikita ka niya." "Huwag mong pansinin iyan, mahal. Dahil kahit ano ang gawin niya ay hindi ko siya papatulan at ako mismo ang iiwas sa kaniya." "Salamat, mahal. Siguro mas mabuti kung magpakasal na tayo kaagad. Natatakot kasi ako na baka maagaw ka ni Ate Amanda sa akin." "Talaga, mahal?" masayang wika ni Helario at napahinto sa pagmamaneho na wala sa oras. "Opo!" tugon niya at bigla naman siyang niyakap ng nobyo "Sobra kong saya, mahal. Ito talaga ang hinihintay ko na marinig mula sa iyo..." madamdaming sabi ni Helario. "Bukas ay tatawagan ko si Papa, para magpaalam ako sa kaniya. At ganoon rin kay Mama," pahayag ni Yuki. Nang matapos ang kanilang dinner date sa labas ay agad na siyang hinatid ni Helario sa bahay. Kinagabihan ay hindi inaasahan ni Yuki ang pagtawag ng kaniyang ama. ( PAPA... . Calling... . ) "Hello, Papa. Kumusta ka na?" masayang tanong ni Yuki. "Mabuti naman, anak. Congratulation! Pasensiya ka na hindi ako nakauwi. Kulang kasi ng tao ang kompanya dito," paliwanag ng ama niya. "Okay lang, Pa. Naintindihan ko naman." "Ang regalo mo, pag-uwi ko na lang." "Okay, Pa. Wala namang problema sa akin iyan. Makauwi ka lang na good health ay masaya na ako." "Salamat, anak!" "Ummm... Pa." Panimula ni Yuki. "Bakit, anak?" "Magpapaalam sana ako sa iyo, Pa. Magpapakasal na sana kami ni Helario." "Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" "Opo, Papa." "Kung sa akin wala namang problema dahil tapos ka na sa pag-aaral mo at alam ko naman na sobra kang mahal ni Helario. Sige, anak. Uuwi ako agad para sa kasal mo." "Talaga, Pa?! Sobrang thank you, Papa!" mangiyak-ngiyak na tugon ni Yuki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD