Finley's Pov *** Nang makalabas na kami sa cafeteria ay binundol naman ako ng kaba. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na naka hawak ngayon sa kamay ko. Jusme eh parang nakahawak lang siya sa stick. Hindi parin siya umiimik. "T-teka Zion saan mo ba ako d-dadalhin!" sabi ko at pilit kumakawala sa pagkahawak niya sa akin. Pero parang wala siyang naririnig at nagpatuloy parin sa paglalakad. Patungo nato sa parking lot ha! Saan niya ako dadalhin. Waaaaah! Help me! "Zion let go of me! Baka madapa na ako sa ginagawa mong pagkaladkad sa akin!" naiirita kong saad. Malapit na talaga akong mapuno sa kanya! Wala akong pakealam kahit siya pa ang leader ng The Wolves. Kapag nagalit ako galit talaga ako. Napatili naman ako ng bigla niya akong buhatin na parang bata. "Kyaahhhh Zion ibaba mo ako" s

