Finley's Pov
***
*Ring*Ring*Ring*
Hays sa wakas bell na! Nabobored na ako dito sa classroom. Paano kasi yung adviser namin this sem ay ang boring tapos lagi pang naghuhugot. Ganun siguro talaga kapag laon noh? Pano ba naman ito ang sinabi samin.
(Flashback)
"Kaya sinasabi ko sa inyo. Wag kayo munang mag jo-jowa kasi masasaktan lang kayo. Tapos kung masasaktan na ay ang iba hindi na kakain or worst magpakamatay. Jusme kasalanan sa diyos iyan! Hindi naghirap ang mga ina niyo na dalhin kayo sa mga sinapupunan nila ng siyam na buwan tapos 50/50 pa ang buhay nila nung pinanganak kayo tapos magpapakamatay lang kayo dahil lang nabaliw kayo sa pag-ibig? Kaya kung ako sa inyo wag muna kayong mag jowa jowa para iwas biyak puso. Siguro kapag 50 na kayo pwede na kayong mag asawa" makahulugan niyang sabi.
Nagtaas naman ng kamay si Sandra.
"Yes Miss Roberts?" tanong ni Ms.Jones.
"Kasi ma'am paano pa kami makakapagbuntis kung 50 na kami?" saad ni Sandra.
"Oo nga ma'am. Menopause na kami nun" saad naman ni Sharma kaya nagtawanan ang mga kaklase namin.
"Kahit na. Yang mga lalaki nayan puro lang panloloko ang alam. Wag kayong papaloko." sabi ni Miss Jones
"Wag niyo namang lahatin ma'am" saad ni Arthur, isa sa mga kaklase ko.
"Sus, sa una chocolate pa pero sa huli ampalaya na" sabi ni Miss Jones. Sus laon ka lang talaga. Bagay sa kanya yung kantang 'Laon Ako'
"Ehh?" sabi ko at napaawang ang bibig ko
Sobrang ka bitteran!
(End of Flasback)
"Cafeteria tayo guys!" excited na aya ni Sandra.
"Sure" sabi ni Sandra at tumango narin ako.
"Hi Finley" plastic na bati sa akin ni Olivia. Isa sa mga classmates ko at siya yung nagsabi kanina sa akin na malandi kung hindi ako nagkakamali.
"Hello" sabi ko pero hindi nakangiti. Babatiin nalang kahit hindi gusto.
"Swerte mo no? Kabago bago mo lang dito sa NWU pero napansin kana agad ni Zion" sabi niya habang nakangiti pero halata naman ang inis sa boses niya.
Binigyan ko naman siya ng pinaka matamis kong ngiti tsaka nag flip hair ako.
"I don't even care kahit sino pa ang makakapansin sa akin dito. C'mon girls" sabi ko sa kanila ni Sharma at Sandra. Nakangisi namang naglalakad si Sandra patungo sa akin habang si Sharma naman ay binelatan si Olivia at ang dalawa nitong kasama na hindi na maipinta ang mukha.
"And oh i forgot to say na I don't like you" sabi ko at tumalikod na at nagtungo sa pinto ng classroom.
"That was savage koreana!" saad ni Sandra ar mahinang natawa.
"Ganyan talaga yan minsan Sandra. Masungit at biglang bumabait at masungit na naman ulit. Inshort moody. Sinigawan niya nga kanina si Zion eh" natatawang kwento ni Sharma.
"Pfft, ike-kwento ko ito kay Tita Emma" sabi ni Sandra habang nakangiti, showing her perfect set of teeth.
"Mommy ni Zion?" hula ko.
"Yes" sabi niya sakin.
Narinig ko kasi kanina nung nagsumbatan sina Zion eh.
"Here we are" sabi ni Sharma.
"Let's go" sabi ni Sandra.
Pinili ko naman ang tuna sandwich at isang ice tea. Umupo naman kami malapit sa may bintana nitong cafeteria. Ang ganda kasi ng view eh. Tsaka ang fresh ng hangin.
"Gusto niyong sumama sakin sa saturday?" tanong niya.
"Saan naman?" tanong ni Sharma.
"Mag sho-shopping ^^" sabi ni Sandra.
"Game ako diyan" sabi ni Sharma
"Ikaw koreana? Game karin?" tanong niya sakin.
"Yeah why not" sabi ko.
"Yepey may kasama na ako" sabi ni Sandra at pumalakpak.
Nabigla naman ako ng biglang umingay ang loob ng cafeteria at lahat ng mata ng mga kababaehan ay nasa pinto habang sumisigaw kaya naman tumingin ako doon. At ayun nandoon sina Zion at ibang members.
"Omoo Zion ang hot mo omygoddddd take me now!"
"Ayden you're so handsome! Marry me!"
"Akin ka nalang Xavier!"
"Buntisin moko Logan kyaaahhhhh!"
"Mason omooo pwede ba kitang itake-home?!"
"Goddddddd bakit ang ga-gwapo niyo"
"Asus. Mga feeling pogi din" sabi ni Sandra at umirap.
"Pfft ayaw mo lang makita si Ayden eh." sabi ni Sharma
"Indeed" sabi ni Sandra.
"May something kayo no hahaha"sabi ko at tumawa.
"Wala kaya akong gusto sa kanya koreana! Ayoko sa kanya, ang pangit niya" sabi ni Sandra.
"Pero feeling ko rin may something sa inyong dalawa" sabi ni Sharma.
"Ako rin" sabi ko.
Namula naman ang pisngi ni Sandra tsaka nag-iwas nang tingin. Mukhang meron talaga.
"W-wala t-talaga" sabi niya at parang nahihiya.
"Hey gorgeous" bati ni Xavier kay Sharma at inakbayan ito.
"Hands off Mr.Lewis" sabi ni Sharma.
"Pfft pabebe ka gorgeous. Siguro bin-rain wash ni Sandra ang utak mo" sabi ni Xavier kay Sharma.
"Gago" sabi ni Sandra.
"Hi Miss Lee" sabi niya sakin at kinindatan ako kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.
Tumayo naman siya ng tuwid at kumaway sa mga barkada niya including Zion. Duh!Barkada nga diba!?
"GUYS DITO!" tawag ni Xavier sa kanila.
Oh nose! Bwesit kang Xavier ka.
"Girls I think I need to g--"
"No one's leaving" malamig na saad ng taong nasa likod ko. At alam kong si Zion yun kasi naamoy ko ang perfume niyang Versace Eros, gaya ng kay dad.
Bumalik naman ako sa pagkaka-upo at itinago ang kamay ko. Halatang nanginginig eh. Umupo naman sila at talagang nasa tabi ko pa si Zion! Goodness mapapatay ko talaga si Xavier after this!
"Soooo, bakit kayo dito umupo? Ang dami pang bakanteng mesa oh!" sabi ni Sandra.
"Saan ang bakante?" tanong ni Mason .
"Ayu----" natigilan naman si Sandra sa pagsasalita ng makita niyang punong-puno na ang cafeteria pati na ang nasa labas na mga mesa. At lahat sila nakatingin sa table namin kaya yumuko ako. Nakakahiya! Kahit mga kalalakihan ay nakatingin sa gawin namin.
"Ikaw kasi babe. Umupo kana nga" sabi ni Ayden kay Sandra at pinaupo ito.
"Don't touch me" puno ng pandidiring bulyaw ni Sandra kay Ayden.
"Sus. Noon gusto mo lagi kitang hawakan tapos ngayon hindi na? Imposible" sabi ni Ayden habang may nakapaskil na ngisi sa mukha niya.
"Langya Mason tayo lang ata ang walang lovelife dito" sabi ni Logan kay Mason.
"Shut up idiot" sabi ni Mason.
"King baka matunaw si Miss Lee. Blink your eyes for awhile" sabi ni Logan kay Zion.
"Shut up Adams" sabi ni Zion.
"Yes boss" sabi ni Logan pero nakangisi.
"Hoy Ayden pagkain ko iyan" sabi ni Mason kay Ayden at binatukan ito.
"Langya gutom na ako" sabi ni Ayden at nagpatuloy sa pagkain at parang hindi lang binatukan ni Mason.
"Sharma, Sandra let's go?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oo tara na" sabi ni Sandra at akmang tatayo na ng pinigilan siya ni Ayden ganun din si Xavier pinigilan niya si Sharma. Kaya tumingin naman ako kay Zion at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
Ganito nalang ba lagi? Titigan niya lang ako? Sana pala sinabi niya na tititigan niya lang ako ede sana binigyan ko siya ng litrato ko. Napa lipbite naman ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Ano kaya kung bigyan ko siya? Tatanggapin kaya niya.
"f**k!" bumalik lang ako sa katinuan ng narinig kong nagmura si Zion at nakatingin ito sa mga labi ko.
Bigla itong tumayo at hinila ako palabas sa cafeteria. Narinig ko pang sumisigaw si Sharma at Sandra.
"Zion saan mo siya dadalhin?!" sigaw ni Sandra
"Ibalik mo siya dito!" sigaw ni Sharma
"Don't worry ibabalik siya dito ni Zion ng buo" narinig ko pang sabi ni Logan bago kami makalabas sa cafeteria.
Where the hell is he taking me?