Finley's Pov
***
"Bakit?" tanong ko agad.
"As in si Zion ang nagbigay sayo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
"Bakit Sandra? Ano naman kung si Zion ang n-nagbigay?" tanong ni Sharma.
"Kasi, ito ang pangalawang beses na siya mismo ang nagbigay ng yellow card inshort first warning." paliwanag ni Sandra.
"Sino yung una?" curious kong tanong.
"Si Pharex isa sa mga football player dito sa North West University" sagot niya sakin.
"Tapos what happened?" tanong ni Sharma.
Magsasalita na sana si Sandra ng may isang baritong boses ang nagsalita sa harap namin.
"He's in coma" sabi ni, Zion?
Bakit siya nandito? Ibig sahihin classmates kami? Noooo hindi pwede!Ayaw ko na siyang makita kahit kailan. Nakakahiya! Tapos coma? Na coma ang Pharex nayun? Why? Ano ang ginawa niya?
"Bakit ka nandito Zion?" tanong ni Sandra na para bang hindi Master si Zion ng isang frat. Frat nga ba? Baka higit pa dun.
"Shut up Sandra" malamig na sabi ni Zion.
Naka hoodie na ito ngayon kanina kasi hindi eh. Saan niya ito nakuha?Bobo mo Finley baka nasa bag niya kanina.
"Wag mo ako mag shut up shut up Zion!Isusumbong kita kay Tita Emma. Bakit mo binigyan si Finley ng yellow card ha?! Are you out of your mind" galit na saad ni Sandra kay Zion.
Close sila?
"Ka ano-ano mo siya?" narinig kong bulong ni Sharma na sapat lang para makarinig ako.
"Pinsan ko. Kapatid ni Mommy and Daddy niya" bulong pabalik ni Sandra. Kaya pala, I thought they're in a romantic relationship.
"Manahimik ka nga Sandra" saway sa kanya ni Poseidon. Teka bakit naging lima na sila? Hindi ko nakita itong dalawang bagong dating eh.
"Wag kang makisali Ayden the pangit, suntukin kita diyan eh" sabi ni Sandra.
"King bakit ba kasi nandito tayo?Engineering naman ang course natin" sabi nong lalaking naka kulay green ang buhok. Pwede magpakulay ng buhok?
Nagsimula na namang magbulungan ang mga classmates ko. Lalo na yung grupo ng mga babaeng nagme-make-up kanina. Panay ang pagsasalita nila ng kung ano na para bang wala lang dito sa loob ng classroom ang pinag uusapan nila.
"Same question here" sabi ng naka poker face na lalaki.
In fairness ang tatangkad nila ah!Hanggang kili-kili lang kasi ako ni Zion eh. Ede ako na ang pandak. Sana hindi The Wolves ang pangalan ng grupo nila. Mas bagay ang The Hobbit.
"I'm just checking what's mine" sabi ni Zion habang deriktang nakatingin sa akin.
Oh eh bakit siya nakatingin sa akin?Parang malulusaw naman ako sa paraa nang pagtitig niya sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin. Mahirap na bago ano na naman ang gawin nito.
"Anong mine mine ka diyan. Umalis na nga kayo. Istorbo" pagtataboy ni Sandra sa kanila.
"Sus, iba din itong pinsan mo King oh. Hindi nalang sabihin na namiss ako, oh sige na nga I missed you too." nang-aasar na sabi ni Ayden.
"Bwesit ka Ayden." sabi ni Sandra and she was not joking when she said that. Talagang na bwe-bwesit na ito.
"I'm hot" sabi ni Ayden.
"Sinong nagsabi?" tanong ni Sandra.
Tumingin naman si Ayden sa grupo ng mga kababaehan dito sa room namin na halatang kanina pa nagpipigil na magtili. Namumula pa ang mga pisngi nito at mukhang pinaghandaan talaga ang pagpunta ng The Wolves dito.
"Girls! I'm hot right?" tanong ni Ayden sa mga babae.
"Omooo you're so hot Ayden!" chorus na sabi nito. Ano yun? Pinaghandaan?
Bumaling naman si Ayden kay Sandra.
"See?" nakangising sabi ni Ayden.
"Bwesit talaga" sabi ni Sandra.
"Tara na King" sabi nung naka poker face. Ganyan ba lagi ang expression niya?
"We're leaving" sabi ni Zion na alam kong para kay Sandra yun pero bakit siya sakin nakatingin? Nagpapaalam ba siya sa akin?
"Shoo alis na kayo" sabi ni Sandra.
Tumalikod na naman si Zion at nagsimula nang maglakad palabas. Pero si Hades ay lumapit muna kay Sharma at kinindatan ito.
"Xavier is the name gorgeous" sabi nito kay Sharma at umalis na kasama sina Zion.
"Kahit kailan flirt yang si Xavier. Wag mong patulan yan Sharma, playboy yan" sabi ni Sandra at napa-irap nalang sa hangin.
"Eh?! Hindi ko naman papatulan eh hahaha" sabi ni Sharma.
"It's so weird" sabi ni Sandra .
"Waeyo? {Why?}" tanong ko.
"Koreanang koreana ang dating ah. Ang slang mong mag korean" puri niya sa akin.
"Lol" sabi ko at mahinang tumawa.
"Bakit weird?" tanong ni Sharma.
"Yeah. Bakit weird?" tanong ko rin.
"Nagbigay siya sayo ng yellow card diba?" tanong niya kaya tumango ako.
"Ibig sabihin nanganganib na ang buhay mo. But kanina nung nakita ko siya dito mismo sa harapan natin it looks like parang wala siyang gagawing masama" sabi ni Sandra pero halatang naguguluhan naman siya.
"Sana nga" sabi ko
"Talagang sana nga dahil kung may gagawin sayo si Zion naku pati ako malalagot sa mga magulang mo." sabi ni Sharma sakin.
"Bakit The Wolves pangalan ng frat nila?" tanong ko
"Actually hindi sila isang frat" sabi ni Sandra at alanganing ngumiti.
"Ede ano sila?" tanong ni Sharma
"Gangsters" maikling sabi niya.
"What the...." sabi ko.
Gangsters? Are they for real? Pinayagan ng university na pati dito sa loob may ganun? This university looks so peaceful and decent.
"Pinayagan ng university?" tanong ko
"Actually mga magulang ni Zion ang may ari ng university therefore sa kanya din ito kaya ganun" sabi niya sakin.
Sa kanila itong university? Pfft kaya pala may pa elavator pa tsk.
"Si Zion ang leader ng Gang. Mayaman ang pamilya nila ni Zion. Ang Wright Empire ang nangunguna when it comes to business industry and yes si Zion ang tagapagmana. Tapos yung ibang member na, ipapakilala ko narin. Si Ayden Walker yung kaninang sinungitan ko mga magulang niya ang may ari ng isa sa pinakasikat na hotel dito sa bansa pati narin sa abroad, marami ng branches ang hotels nila nationwide. Si Xavier Lewis naman ay ang pamilya niya ang may ari sa pinakasikat na Car Industry sa U.S at may ibang mga branch narin sila sa ibang mga bansa including our country. Si Logan Adams naman yung naka green ng buhok ang pamilya niya ang may ari ng Pinakasikat na Law Firm sa Russia balita ko nagpapatayo nadin sila sa Korea eh and he wants to become a lawyer just like his dad and mom. And last but not the least si Mason Young, ang pamilya niya ang may-ari ng pinakasikat na beach dito sa bansa pati narin sa abroad kaya hindi basta-basta ang The Wolves. They're powerful as hell" pati si Sandra ay parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Napaawang naman ako sa sinabi niya. Makapangyarihan nga, kaya pala parang walang mga takot ang mga hudyo, lalong lalo na ang Zion nayun! Tsss. Suntukin ko siya eh makikita niya. Akala niya takot ako sa kanya ha.
"Tumahimik kanga! Takot kana man talaga sa kanya eh! Tignan mo kanina nauutal ka at natakot kanina noong sinigawan ka niya!" panermon ng utak ko.
Ede ako na ang takot.