Finley's Pov
***
"P-po?" tanong ko at sumiksik kay Sharma. Nakakatakot ang boses niya.
Lumabas naman kami sa elavator bago ito magsara ulit. Pero hindi ako humiwalay kay Sharma talagang sumiksik ako sa kanya. Mahirap na baka bigla akong suntukin nitong si Zeus ಥ_ಥ. Ang sama niya kasi makatitig sakin eh and it is so unfair! Ako lang yung tinitigan niya and he didn't even take a glanced at Sharma. Yumuko naman ako as in yukong yuko talaga na parang mababali na ang leeg ko.
"WHY THE HELL DID YOU USED THAT f*****g ELAVATOR!!!!" sigaw niya ulit. Halos magpantig naman ang tainga ko sa pagsigaw niya. Grabe nakakasira ng eardrums. Nakukuha niya na rin ang atensyon ng mga studyanteng dumadaan.
Pati si Sharma nanginginig narin. Pasimple ko namang nilibot ang tingin ko sa paligid namin at ayun nga! Ang daming taong nakatingin sa amin! Mygod, first day palang namin pero sikat na kami?
"ANSWER ME DAMN IT!!!" sigaw niya ulit.
Halos pumunta naman ang lahat ng galit ko sa utak ko at naglakas loob akong sigawan siya pabalik. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong bigla bigla na lang sisigaw.
"HINDI KAMI BINGI KAYA WAG MO KAMING SIGAWAN!!!" sigaw ko sa kanya.
"Finley" pabulong na tawag sa akin ni Sharma at ngayon ay siya na ang nakakapit sa braso ko.
"Hala sinigawan niya si Zion?"
"Ang tapang ah"
"Sino siya para sigawan si Zion"
"Naku ipag pe-pray ko nalang ang kaluluwa niya kay Lord. Amen"
Halata namang nagulat si Zeus sa pagsigaw ko sa kanya pati narin sina Hades at Posiedon nagulat din ata. Pero agad namang nakabawi si Zeus at lumapit sa akin tsaka hinablot ang braso ko. f**k, ang sakit ah!
"Bitawan mo ako!" sabi ko at nagpumiglas sa pagkakahawak niya sakin.
"Who f**k gave you the permission to shout back at me" madiin niyang saad sa akin. His voice is so deadly now.
"W-wala. B-bitawan moko a-ano ba. You're h-hurting me!" sabi ko at pilit na inaalis an kamay niya sa pagkakahawak sa akin but I failed. He's so strong.
Nandoon lang si Sharma sa likod ko at hindi kumikibo. Tama yan Sharma, diyan kalang wag kang mangealam baka ikaw ang pagbuntungan ng galit ng hudyo na ito. Napakunot naman ang noo ko ng diniinan pa niya ang pagkakahawak sa akin. He's cruel!
"Do you know me?" tanong niya.
"Zeus?" hula ko.
"Hahaha Zeus daw" tawa ni Poseidon.
"Wengya King hahaha! Zeus na pala bagong pangalan mo. Kailan ka bininyagan ulit? Hindi ata kami naka attend." tawang tawa na saad ni Hades.
"Shut the f**k up!" sigaw niya sa dalawa kaya agad itong tumigil at kinipot ang bibig. They're scared to this prick?
"You know what, you're acting bad" he said while gritting his teeth.
In fairness ang puputi ng ngipin niya >_Kawawa naman siya may yellow card na eh bago pa lang dito sa university. "
"Buti sa kanya at binigyan siya akala mo kung sinong taong sasagot sagot kay Zion"
"Kahit na"
"Bakit yellow card ang binigay? She deserved more than that"
"Tara na nga! Ang daming bubuyog dito" sabi ko sa kanya kaya napatawa siya ng konti.
"Okay tara" sabi niya.
Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa classroom namin. Maraming mga mata ang nakatitig sa amin ngayon.
"Sorry Finley ah? Dahil sa akin kaya ka nabigyan ng yellow card ng Zion nayun. Sana talaga hindi na kita pinilit sa sumakay sa pisteng elavator nayun ede sana hindi ka napahamak." sabi niya sakin habang nakasimangot.
"Okay lang ano kaba. Mukhang hindi naman ata extreme ang yellow card na binigay sa akin eh. Hayaan mo na" sabi ko sa kanya
"Masakit ba ang braso mo?" tanong niya sakin at sinipat ang braso ko.
"Hindi naman. Hindi niya naman kasi nilakasan ang pagkakasakal sa braso ko, pero hinigpitan niya ng konti" sabi ko sa kanya.
"Buti nalang hindi niya masyado sinakal. Dahil kung nagkaroon ka ng pasa dahil doon tiyak na magagalit ang daddy at mommy mo. Sensitive pa naman yang balat mo" sabi niya sakin
"Si mommy kasi sa dami ng pwedeng paglihian gatas pa talaga" nakanguso kong sabi.
"Andito na tayo" sabi niya sa akin.
Binuksan niya naman ang pinto ng classroom namin at bumungad sa amin ang mga nasa kinse pa na bilang ng mga classmates namin. Siguro hindi pa dumadating ang iba.
"Sa dulo tayo?" tanong niya sakin.
"Ikaw bahala basta ako malapit sa bintana" sabi ko sa kanya.
"Sige tara" sabi niya kaya sumunod naman ako sa kanya.
Nadaanan pa namin ang mga kaklase naming mga babae na busy sa pagme-make-up. Naka-upo na kami at siyempre ako ang nasa may bintana. Feel ko lang kasi parang lumalamig ulo ko kapag nasa may bintana ako. Feel mo ako?
"Siya yung girl kanina diba?"
"Sino?"
"Yan oh! Siya yung kasagutan kanina ni Zion"
"Tsk! Malandi"
"Aba't" sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako ni Sharma kaya umupo nalang ulit ako.
"Hayaan muna ang mga yan" sabi niya sakin kaya pumikit nalang ako at tumungo sa desk ko. Mga bwesit.
"Hi!" narinig kong bati ng isang babae kay Sharma.
Wala ako sa mood! I'm sure huhusgahan din ako niyan! Talagang lumapit pa, ang lakas ng loob.
"Hello" bati naman ni Sharma pabalik.
"Pwedeng maki-upo?" tanong niya.
"Yeah, sure" sabi ni Sharma.
Umayos naman ako ng upo at sinipat siya.
"I'm Sandra Roberts" pakilala nito sa amin at inilahad ang kamay niya at tinanggap naman iyon ni Sharma.
"I'm Sharma Campbell" sabi ni Sharma.
"Hmm ikaw?" tanong niya sa akin.
"Finley Skylar Lee" sabi ko.
"Korean?" tanong niya.
"Half" sabi ko.
"Omooo please to meet you Finley! Ako si Sandra and I love Koreans!" galak niyang saad.
"Into kpop ka?" tanong ni Sharma.
"Yep at multi fan ako" sabi ni Sandra at halatang proud na proud siya.
"I'm an Exo-l, Carat, TheB, Wannable, Ahagse, Army, Blink, Once, Sone, Reveluv and marami pang iba. Inshort multi din ako" nakangiting saad ni Sharma.
"Me too. Ano bayan parehas tayo" namumula niyang sabi. Lah, ganito ang epekto sa kanya kapag napag uusapan ang kpop?
"Ikaw koreana anong fandom ka?" tanong niya sa akin.
"Koreana?" tanong ko.
"Oo half korean ka naman diba?" she asked followed by a giggles.
"Ahh, Exo-l" sabi ko sa kanya.
"Solid fan?" tanong niya.
"Yes" sabi ko.
"Do you hate BTS?" tanong niya sakin.
"No. Why?" tanong ko
"Hmm wala lang, mahigpit kasi na magkaaway ang army's at exo-l's hindi ko nga rin alam kung bakit eh" sabi niya at sumimangot.
"Naging Exo-l ako without bashing BTS or their fans. I'm matured and not an imma one. Actually gusto ko si Jin kaso kasal na ako kay Sehun" nakangiti kong sabi.
"Ihhhh si Jongdae ang akin!" sabi niya habang kinikilig.
"Basta walang aagaw sa penguin ko" sabi ni Sharma.
Parang mga asawa talaga namin kung maka angkin kami pfft hahaha.
"Teka change topic muna tayo. Ikaw ba ang nakatanggap ng yellow card galing sa master ng The Wolves?" tanong niya sakin kaya tumango naman ako.
"Omoo patay ka diyan" sabi niya.