Kabanata 3

2232 Words
Tree house Pagkatapos ng klase namin kinabukasan, nagligpit ako agad ng mga gamit ko. Nagpaalam si Juliet na mauuna dahil sasamahan si tita Sam sa bayan para mamili. Habang ako naman ay diretso sa tree house na pinag-usapan namin ni Santiel. Napatingala ako at huminto sa tapat ng tree house. I held the string of my bag as I look at house. Malaki ang puno ng acacia at sa mataas ang maliit na bahay gawa sa kahoy. Ang hagdan nito'y paikot ang design at may railings din na gawa rin sa kahoy. I sigh when I suddenly remember the old times. Nahanap namin ito ni Santiel dahil maingay sa bahay nila. Nasa gilid kasi ito sa lugar namin, malapit sa kakahuyan at malayo rin sa bayan. Pinilig ko ang ulo at napagpasyahan nang umakyat. I notice nothing has changed since the last time I went here. Ilang taon na rin. Sa pagpasok ko sa bahay, namataan ko agad si Santiel. Luminga siya sa gawi ko at ngumiti. Nakaupo na siya sa center table na gawa rin sa kahoy. He then, smile at me politely. “Hi!” Tinanguan ko lang siya saka lumapit sa kaniya. Ngumisi siya sa ekspresyon ko bago ako umupo sa tapat niya. I put my bag down and open it to grab my books and yellow pad. “Nagdala ako ng pagkain natin.” He said casually. I tilted my head to look at him. He shifted his weight and craned his neck towards something. Binukas niya ang dalang bag na kulay itim at nilabas ang supot doon. “Gusto mong kumain muna bago tayo magsimula?” Tanong niya bago bumaling ulit sa akin. Natakam ako bigla. Hindi pa ako kumakain dahil dumiretso ako agad dito. Tanghaling tapat na rin kaya nagugutom na ako. “Anong ulam?” I couldn't help but ask. Gumihit ang ngiti sa labi niya sa tanong ko. “Menudo…” Napangiti rin ako. Sa dalang bag, meron din siyang dalang plato at bottled water. I bit my lips when he opened the tupperware and I smelled the delicious food he prepared. Siya ang naglagay ng kanin sa pinggan ko at pansin ko na sakto lang ang nilagay niyang kanin. Gano'n din sa ulam. I smile at the thought that he didn't forget about this. “Kain ka muna.” Nilagay niya ang plato sa harapan ko. He even open the bottled water for me. Nilagay niya ‘yon lahat sa center table habang nakamasid lang ako sa kaniya. Napansin niya yata ang tingin ko dahil natigilan siya. Kumurap siya at ngumiti nang nag-aalangan. “Sorry. Nakasanayan lang,” he said apologetically. Umiling ako, tinago ang nararamdaman. “Okay lang.” I'm glad though, he didn't forget. Dati, siya talaga ang nagdadala ng ulam para sa amin. At ganito rin ang pag-aasikaso niya. Hindi nagbago. Hinigit ko ang hininga nang maalala ang dati at pinakiramdaman ang sarili. This thing hasn't affected me at all before, because I think he's just being nice as he really is. Kahit noong sumabog ang sinasabi ng tao na may gusto siya sa akin, hindi ko pinansin, dahil ayaw kong isipin ang bagay na ‘yon. One of the reasons why I distance myself from him. And now that he's doing all of these again, I can't help but think if that really is true. May gusto pa rin kaya siya sa akin? Because of my thoughts, I unconsciously tilted my head at him. He's eating his food quietly. Parang may tumatakbo rin sa isip niya dahil nag-angat din siya ng tingin sa akin. Umiwas siya agad ng makitang nakatingin ako sa kaniya. He shifted his weight and sigh before he drink his water. “Bilisan mo diyan!” Sabi ko na lang para mawala ang kung anong iniisip ko. He chuckled. “Oo na. Gusto mo pa ba? Marami pa kasing kanin.” Napatingin tuloy ako sa kanin, marami pa nga iyon. Ngumuso ako. “Sige, palagay ng kaunti pa. May ulam pa naman ako.” Sumandok siya ng kanin sa plato ko. Kumain ako ulit. After we ate the food, nilagay niya muna ‘yon sa lababo sa likod ng bahay. Bumalik siya at muling umupo sa harap ko. “Gumawa ako ng mga questionnaires para sa'yo. Dito natin makikita kung saan ka banda nahihirapan para mabilis tayong mag-execute ng mga tanong sa susunod.” Nilabas niya sa bag ang sinasabi niya. He handed it to me and I noticed it's printed. Nagsalubong ang kilay ko habang binabasa ang mga question doon. “Bakit ito? May assignments ako sa precal. Pwede iyon na lang tapos iyong mga mali kong sagot sa quiz, pwede nating aralin para hindi na ako magkamali sa midterm.” Sabi ko sabay tingin sa kaniya. “Maganda kung mahahanap natin saan banda ka nahihirapan sa precal. Mas maiintindihan mo at hindi ka mahihirapan pa.” “Huh? Eh, dapat saglit lang ‘tong gagawin natin!” “Mas madali kung malalaman ko muna saan ka nahihirapan para makagawa ako ng questionnaires din tungkol don. Doon tayo mas mag-focus.” I scrunched my nose at him. I gets his point. Ayaw ko lang talaga na tumagal pa ‘to. “Iyong madalian lang sana, Santiel…” “Paano kita matuturuan ng maayos kung gustong mong madali lang? Hindi mo maiintidihan ang subject nang gano'n lang, Solana!” Sumersoyo ang mukha niya. Ngumuso ako ulit at napalabi na lang. Humalikipkip siya pagkuwan at tinagilid ang ulo. He nodded his head, urging him to answer the paper. “Ang kulit mo! Pag ikaw nagreklamo na hindi mo nasulit ang bakasyon mo rito, patay ka sa akin!” “Sige na. Sagutan mo na ‘yan.” Inirapan ko siya at kinuha ang ballpen ko sa bag. I look at the paper and try to analyse every problems he puts there. “Hindi pa namin napag-aaralan ‘to!” Reklamo ko namang makita ang number 10. I look at him and noticed his lips were curved. “Anong nakakatawa diyan? Paano ko masagutan ‘to nang tama kung hindi pa namin napag-aaralan ‘to?” Pagsusungit ko. “That's the point, Solana. Kaya nga tinuturan kita para sa susunod alam mo na.” I didn't argue with him anymore. Inirapan ko siya ulit saka nagpatuloy sa pagsagot. Pansin ko na mahirap ang ibang problem, pero nasagutan ko pa rin naman ng tama. Hanggang 20 lang naman ang binigay niya. And it took me an hour before I was done. Nakagat ko ang labi habang nag-aalangan na ibigay na sa kaniya. “Tapos na?” He asks when he notices I put my ballpen down. “Wait. Rereview ko pa!” I reviewed my answers again. Ayaw ko namang isipin niyang sobrang nahihirapan ako sa precal. Naiintindihan ko naman, sadyang mababa lang ang scores ko at hindi pwede ‘yon! I need a higher score if I want to study in the nursing program in college. At maganda rin kung makakapag-apply ako ng scholarship. “Okay na?” Tanong niya ulit. I slowly give him the paper. Napakamot ako sa batok nang simulan niyang tingnan ang mga sagot ko. May red ballpen siyang hawak pang-correct sa mga mali ko. I smile proudly when he didn't use the red ballpen that much. Tinukod ko ang kamay sa center table at tiningnan siyang seryoso sa mga sagot ko. His brows were frowned a little bit. Nilalaro niya ang ballpen habang sinusuri ang papel. At titigil lang siya kung makitang may mali ako. Napapanguso tuloy ako habang ginagawa niya ‘yon. Nakita ko siyang ngumuso rin at tinagilid ang ulo ng kaunti. Doon ko siya pinagmasdan na parang may iniisip. That's when I noticed how he changed a lot. Siguro mahigit dalawang taon din kaming hindi nagkita dahil busy siya sa laban nila. He’s the captain of his e-sports team, and this is the first time in a long while I’ve seen him again. Malaki talaga ang pinagbago niya. Mas tumangkad yata siya. Pansin ko rin na lumaki ang katawan niya, siguro nag-gi-gym na siya ngayon dahil visible na ang muscles sa braso niya. He's wearing a plain white v-neck shirt and maong shorts. His hair were a bit longer than the last time I saw him. Umabot ang dulo ng buhok niya sa kilay niya at tenga, kaya minsan hinahawi niya ‘yon. Nag-matured din ang features ng mukha niya. Nadepina ang panga niya at mas bumagay ‘yon sa kaniya. He wasn't the boy that I knew before, or maybe he was still that boy… but that boy became matured now. Mas gumwapo. Mas naging ma-appeal siya. Napalunok ako sa naisip at pinilig ang ulo. Sumingot ako para tanggalin ang nasa isip at inirapan siya nang mapansin ang munting ngisi sa labi niya. “Matagal pa ba ‘yan? Nagugutom na ako, Santiel!” Reklamo ko dahil sobrang tahimik namin. Saglit siyang tumigil at binalingan ako. “Gusto mong kumain muna? Bibili ako sa tinapay.” Gusto kong mainis sa kaniya, eh, kaso alam niya talaga ang mga gusto ko! At bakit parang affected ako ngayon? “Sige… damihan mo, ah!” Sumibol ang ngiti niya. Inirapan ko siya ulit. “Pero tapusin mo muna ‘yan!” “Dadalhin ko na lang ‘to habang bumibili. Dito ka muna.” Tumango na lang ako. Iniwan niya ako sa tree house para bumili ng tinapay. I sigh and composed myself after. Solana, ano ‘yang iniisip mo? Bawal ‘yan! I wanna slap myself for suddenly being like this. Tila ba bigla akong naapektuhan sa tampulan noon na gusto ako ni Santiel. Ang tagal na no'n! For sure nakalimutan na niya ‘yon! But he never admitted it to anyone. Saglit ako napaisip dahil hindi nga niya inamin ‘yon. At bigla akong nainis, dahil baka maging assuming lang ako ngayon! God! Stop, Solana! Para mawala ang iniisip ko, pumunta ako sa lababo sa likod ng bahay. May maliit na veranda roon, sa tabi ang lababo. And to my surprise, the water is still running! Kaya ayon, naghugas ako ng mga dalang tupperware ni Santiel. Medyo malayo rin kasi kung maglalakad ka mula rito hanggang bayan. Mga 30 minutes lang siguro kaya inabala ko ang sarili sa paghugas. Nang matapos ako, kinuha ko ang tissue sa bag ko para punasan ang hinugasan bago ilagay sa plastic. Pagkatapos ko no'n, napansin ko ang bag ni Santiel. Nandoon siguro ang plastic, kaya kinuha ko ‘yon. Binuksan at kinuha ang puting plastic. Ngunit sa pagkuha ko'y napansin ko na may nalaglag. Kumunot ang noo ko na kinuha ‘yon para sana ibalik nang mapansin kong picture ko iyon! Halos malaglag ang panga ko sa gulat. It's a printed cute size photo of me! I was sleeping in the picture. Halatang dito iyon sa tree house dahil kita ko ang center table na gawa sa kahoy. My head is propped on a folded arm, while my other arm lies extended across the table! “Solana, wala na akong naabutan na spanish bread! Pero may cheese bread pa naman sila, kaya iyon na lang!” Agad kong binalik ang picture sa bag at bumalik sa upuan ko na. Narinig ko ang papalapit na si Santiel kaya nilagay ko na ang mga tupperware sa plastic. Ang puso ko'y parang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa nakita. “Okay lang ba? Favorite mo pa rin naman ang cheese bread, ‘di ba?” Umupo siya sa harapan ko at tiningnan ako. Nilagay niya ang supot ng tinapay. “Ah, oo…” I simply said, ignoring his gaze. “Kain ka na habang ini-explain ko sa'yo ang mga mali mo.” He tried to find my eyes but I ignored him. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko na kinuha ang cheese bread at kinain ‘yon! Tahimik akong habang sinasabi niya sa akin ang mga mali ko. At hindi ko alam, hindi ako makapag-focus! Tumitingin ako sa kaniya saglit pero, iiwas din paglilingon siya. So, totoo nga! Gusto niya ako! He likes me! God! Hindi pwede, Solana! Saka matagal na ‘yon! Why would he kept my picture! Eh, malamang kasi gusto ka niya! Gusto kong sampalin ang sarili dahil inaayaw ko na pati sarili ko! “Okay ka lang?” Putol niya sa gumugulo sa isip ko. Bumaling ako sa kaniya at kumurap. “May problema ba?” I blink again and hide my thoughts. Umiling ako pagkatapos. “Okay lang… tapos gets ko na. Mauna na ako dahil tumawag pala si mama, maaga duty niya.” “Huh? Eh, hindi mo nga ubos ‘yang cheese bread!” He seems bothered about what's going on in my mind. Kahit ako'y hindi ko rin alam, pero gusto kong umiwas, kasi maguguluhan lang ako kung mas iisipin ko pa ang bagay na ‘to! “Hindi, okay na. Babasahin ko na lang ‘yong mga notes mo. Hinihintay na ako ni mama, eh.” Binilisan ko ang pagkuha sa mga gamit ko. Hindi ko na nga naayos pa at sinukbit na ang bag ko. Kinuha ko ang papel na ginawa niya. “Sige na. Bye, Santiel! Sa susunod na lang.” I didn't look at him and rushed to the door. Halos matalisod pa ako sa pagbaba ng hagdan, pero tumakbo na ako palayo. Baka sakaling tumakbo rin ang nararamdaman ko palayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD