Gusto
I sighed in frustration when my precal answer was still incorrect. Nakagat ko ng mariin ang labi habang nagre-review ng mga maling sagot ko sa naturang subject.
I know I'm smart. I always top on my class. I've never miss class— unless I'm sick. At alam kong lahat ng medalya ko mula sa mga quiz bee hanggang sa ibang school activities, lahat ‘yon pinaghirapan ko.
But I also know that I’m lacking in some areas, especially math, since it isn’t my strongest subject. Pinapasa ko lang yata ang subject na ‘to dahil major. Kaya nga nag-aaral para hindi bumagsak at hindi ma-disappoint sila mama sa akin.
Mataas ang pangarap ko, hindi lang para sa akin, kundi para rin sa pamilya ko. I want to become a surgeon, and even though it will be difficult, I will work hard to achieve my dream. Hindi madali ang pangarap ko, pero alam ko sa sarili na kakayanin ko.
“Anak, kanina ka pa nabusangot ang mukha. Ano bang problema?” Rinig ko ang marahan na tanong ni tatay.
Lumingon ako sa kaniya at umiling.
“Wala po, ‘tay. Nag-aaral lang po,” maikling sagot ko.
“Mahirap ba?”
Bumuntonghininga ako na tiningnan ang tatay ko na nakahiga sa hospital bed. May mga nakadikit sa katawan niya at halatang lumalaban. He had a heart bypass a few weeks ago and still needs time to recover. Reason why we have to stay in the hospital for another couple of weeks.
And another reason why I have to work hard for my dream. Dahil ang hirap maging mahirap. Lalo na kung sa Pilipinas ka nakatira. Siguro kung walang magandang trabaho si ate at mama, baka matagal nang wala si papa.
“Hindi naman po, ‘tay.”
I smile at him and held his hand.
“Magpahinga na po kayo. Gabi na.”
“Ikaw din. May pasok ka pa bukas.”
Hinalikan ko ang likod ng palad niya at tumango lang. He close his eyes and I just sigh, staring at my most beloved father trying to survive. So, bakit ako susuko, ‘di ba?
I finished my other homework and read some books for tomorrow’s lesson. Hindi ko alam na nakatulog na ako sa kakahintay kay mama para pumalit sa akin.
“Sol, anak. Gising na. Sa bahay ka na matulog.”
Napabaling ako sa umalog sa braso ko. Nakita ko si mama sa ginigising ako. Kumurap ako saglit at nag-unat saka muling tumingin sa kaniya.
“Anong oras na po?” I ask, still sleepy.
“10pm na. Sorry na, marami lang tinapos na trabaho si mama sa clinic.”
She gave me an apologetic smile. Umiling ako agad.
“Okay lang, ma.”
I saw the exhaustion in her eyes, but just like my father, kinakaya niya. Dahil lumalaki ang hospital bills namin. May financial assistance nga galing sa gobyerno, pero hindi naman ‘yon malaki. Kailangan pa ring kumayod.
“Sige na, umuwi ka na. Mag-tricycle ka na lang,” She said softly before handing me a 50 pesos.
Umiling ako agad.
“May pera pa ako, mama.”
“Sige na. Baon mo ‘yan bukas. Magpapadala rin naman si ate mo sa susunod na linggo.”
I sighed and held the 50 pesos bill. Kinuha ko ang mga libro at notebook saka iyon nilagay sa bag ko. Hindi pa nga kasya sa bag ko ang ibang libro na hiniram ko sa library kanina, kaya hinawakan ko na lang ‘yon. Tumayo ako na dala ang bag bago nagpaalam ulit sa magulang.
Sa paglabas ko sa kwarto, namataan ng mga mata ko ang isang matangkad na lalaki. At kahit na inaantok pa, alam kong hindi ako namamalikmata!
Si Santiel naglalakad papunta sa direksyon ko!
I blink twice when his eyes darted at me. Ngumiti siya. He’s tall and handsome! He’s wearing neat clothes and well-pressed pants. He holds his head high, and his eyes never leave mine.
“Ginagawa mo rito?” Pagtataray ko agad sa kaniya nang huminto siya sa harapan ko.
“Pinapabigay ni mama…”
He then, raised the plastic bag he's holding. Maraming laman ang loob no'n at alam kong pagkain ang mga ‘yon.
Napatango ako sabay angat ng tingin ulit sa kaniya.
“Nasa loob sila,” sabi ko sabay muling binuksan ang pinto.
Napalingon si mama sa akin. Magtataka pa sana siya bakit, pero nakita na niya agad si Santiel na sumilip sa nakaawang pinto.
“Magandang gabi po, Tita!” He greeted politely.
“Santiel! Naparito ka.”
Nilakihan ko ang awang ng pinto. Lumapit siya kay mama at sumunod naman ako sa loob.
“Nagpadala po si mama ng pagkain.”
“Gano'n ba? Maraming salamat, pasabi kay Sam.”
Hindi nawala ang ngiti sa labi ni mama. Magkaibigan talaga sila ni tita Sam noon pa man. Kaya nga siguro, halos sabay-sabay kaming lumaking tatlo nila Juliet.
“Sige po, Tita,” Santiel said. “Kumusta na po si Tito?”
Tumingin siya kay tatay na tulog at nagpapahinga pa rin. Tahimik lang ako nakamasid sa dalawa na nag-uusap.
Santiel is really friendly. Marami siyang kaibigan dito sa amin. Kahit iyong mga mas matatanda sa edad niya'y nakakasundo niya. He knows how to talk to his colleagues and is very attentive to everything. Siguro kahit saan mo siya dalhin, magkakaroon siya ng kaibigan.
“Ito, mabuti naman. Kailangan pa ng observation, pero lumalaban.”
“Kaya niya po ‘yan, Tita! Tiwala lang po at dasal sa diyos.”
“Oo naman. Malakas itong si Benedict!” Natatawa si mama na hinawakan ang kamay ni tatay.
“Sige po, tita. Mauuna na rin po ako. Bibisita na lang po ako ulit sa susunod.”
Umiling si mama. “Ano ka ba, okay lang! Isabay mo na si Sol sa tricycle.”
Sumimangot ako agad sa mama ko.
“Mama, kaya ko mag-isa. Saka malayo pa bahay natin sa kanila, magdadalawang sakay pa siya.”
“Okay lang, Sol.”
Napabaling ako sa kaniya na nakataas na ang kilay. Ngumiti lang siya ulit na kinainis ko na naman.
“Oh, ayon naman pala! Sige na, Sol. Gabi na!”
I left with no choice. Naunang akong lumabas ng pinto. Alam kong nakasunod si Santiel sa akin kaya hinarap ko siya agad. Tumigil siya sa pagsunod sa akin.
“Umuwi ka na sa inyo. Sa dulo pa kami, kaya huwag mo na akong hinatid.”
He frowned before he shook his head. Nakapamulsa siya sa pantalon niya.
“Ihahatid na kita. Gabi na, Solana,” tanging sagot niya bago naglakad ulit.
I gritted my teeth. Hinabol ko siya agad. Malapit na siya sa exit ng hospital kaya binilisan ko ang paglalakad.
“Huwag na nga sabi!” Mariing sabi ko.
Nilingon niya ako ulit, hindi na nakangiti. Nakakunot ang noo at halatang nalilito sa inaakto ko.
“Bakit ba ang sungit mo? May nagawa ba ako?”
Wala. Ewan! Basta naiinis ako sa'yo!
Natikom ko ang bibig at palihim na nag-iwas ng tingin. I roll my eyes in annoyance and sigh.
“Kaya ko naman mag-tricyle. Saka sa dulo kami. Magdadalawang sakay ka pa kung ihahatid mo ako.”
Hindi ko siya nilingon pa at tumingin lang sa daan. Sarado na ang mga tindahan sa tapat ng hospital, at wala na ring dumaan na sasakyan, kung meron man tricycle lang. Doon kami naghintay ng masasakyan.
“Okay lang. Mabuti nang nag-iingat tayo kesa naman mapahamak ka,” He said coolly, making me turn my gaze toward him
Nakatingin pa rin pala siya sa akin. Malumanay ang mga mata. Nahigit ko ang hininga at tinaasan lang siya ng kilay.
“Bahala ka, basta libre mo pamasahe!”
His lips curved. Bumaba ang mata niya sa hawak kong libro at doon tumingin.
“Advance study?” He asked and then tilted his eyes toward me again.
Tumingin din ako sa hawak na libro bago tumango.
“I need higher scores for scholarship.”
Niyakap ko ang libro dahil ramdam ko ang ihip ng malamig na hangin. I'm still wearing my uniform because I went straight here after school. Tumingin ako ulit sa madilim na daan.
“Gusto mo tulungan kita?” He ask slowly.
I turned my eyes at him again. Siya naman ang nag-iwas ng tingin at bumuga ng hangin. Napakurap ako sabay nguso.
“Huwag na. Baka mahal ipabayad mo sa akin,” sagot ko.
“Nagbayad ba ako sa'yo noon?”
Nilingon niya ako ulit at ngumisi. Natahimik ako. Noon pa naman, nagtu-tutor na siya sa mga bata at may bayad ‘yon. Iyon kasi ang part time niya dati. But he never ask me for everything in return.
Ngayon na isip ko ‘yon, napalunok ako. To think of, he tutor me for free before. At sobrang nakatulong ‘yon sa akin. Ngayon, kailangan kong mas mataas ang mga scores ko lalo na sa precal.
“Hindi,” sagot ko pagkuwan. “Pero baka magselos girlfriend mo.”
Inirapan ko siya para makaiwas sa mga mata niya. His eyes is so deep, so deep it feels like he's taking me all just with his stare.
I heard him chuckle which made me roll my eyes again.
“Hindi ‘yon magseselos.”
To hide my thoughts, I raised my brows at him. Nakatingin pa rin siya sa akin. Lalo siyang ngumiti na gusto kong mainis! At ewan ko bakit parang tuwang-tuwa siyang naiinis ako sa kaniya?
Tinatarayan ko na nga, ngingisi pa!
“Sus! Ayaw ko ng chismis, Santiel!”
“Hindi ‘yon magseselos kasi hindi ko naman siya girlfriend.”
“Ulol mo! Makadikit sa'yo parang higad!” I hissed.
Natawa siya lalo. “Totoo, Solana. Ewan ko roon, dumating akong nakadikit na sa akin.”
“Proud ka pa, ah?”
Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. Oo, gwapo siya pero mahangin din pala. Ano? Porque't sikat na siya ngayon!
“Hindi ko ‘yon girlfriend. Bukas lalayuan ko ‘yon, tingnan mo.”
I felt my cheeks my hitted.
"Hindi ko siya gusto, Solana..."
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Inayos ko ang tayo dahil sa lamig.
“Ano? Wala naman akong gagawin buong bakasyon,” He said, trying to catch my attention again.
I bit my lips and sigh. Sa ayaw ko man ng tulong niya, alam kong siya lang ang makakatulong sa akin. But I don't want anyone to know about this.
Maybe it's my pride that talking. Ayaw ko ng chimis tungkol sa kaniya o kanino. I don't want to be involve with him especially that he's famous now. Ewan ko ba! Okay naman kami noon, pero noong nalaman kong may gusto siya sa akin lumayo ako.
Siguro dahil ayaw kong pagtampulan ng chismis. Kilala ako na mabait at hindi pumapatol sa kung sino. Maraming gustong manligaw, pero hindi ko pinapansin… maybe that's why I choose not to interact with him again. Ayaw kong pagtampulan ng kung anong chismis.
“Fine. But make sure nobody will know about this.”
Humarap ako sa kaniya na taas ang noo. Tumaas ang kilay niya at ngumisi. Ngunit may dumaan pa ring kung ano sa mga mata niya.
“Kahit si Juliet?”
I nodded. “Yes. At sa precal mo lang ako tuturuan.”
Binasa niya ang labi. He then, shifted his weight and caught my eyes again. Nag-isip siya saglit bago tumango.
“Sa tree house tayo magkikita?”
Napakurap ako. His lips rose as if something came inside his precious brain.
“Baka bigla akong gerahin ng babae mo roon.”
Humalakhak siya. “Wala nga gabi. Ikaw lang ang babaeng nakakaalam ng lugar na ‘yon, Solana.”
I gulped and felt my body shiver. Inirapan ko siya ulit para alisin ang nasa utak. Nakipagtitigan ako sa kaniya saglit, pero hindi ko rin kinaya kaya umiwas ako ng tingin.
“Fine. Tree house, then. Bukas. Pagkatapos ng klase ko.”
Hindi naman sigurong masama kung lunukin ko muna ang lintek na pride ko!