Tutor
“Sol, bakit ka naman umalis kahapon? Iniwan mo ako!” Rinig ko ang malakas na nagrereklamong si Juliet na hinabol ako.
Nakasimangot akong lumingon sa kaniya nang maabutan niya kong sa paglalakad sa hallway ng school. Hinihingal siya na tumingin na sa akin.
“Ah, tumawag kasi mama. Walang bantay si tatay, eh…” pagdadahilan ko.
I'm still annoyed at what I saw yesterday. Ewan ko ba! Naiirita ako doon sa babaeng girlfriend ni Santiel. Maganda lang dahil may make up at sexy, pero… pero wala namang dating.
“Ay, sayang! Hindi ka tuloy nakakain ng handa.”
“Okay lang, Juliet.”
“Sama ka na lang sa akin mamaya para doon ka na kumain. May tira pa naman kahapon…”
Nakaka-attempt ang sinabi niya. Mabait ang magulang nila at kung minsan ay nagdadala talaga ako ng pagkain, dahil marami palaging magluto ang mama niya.
But If I'm gonna see Santiel and his girlfriend again, I might literally p**e! Ayokong makita ang landian nila!
“Hindi, huwag na. Hospital ako ulit, eh…”
Umiling ako at ngumiti sa kaniya. Ngumuso siya na pumasok kami sa room namin.
“Eh, pumuslit ka na lang tapos magbalot para sa tatay mo.” She suggested as she put down her bag on her chair.
Huminga ako ng malalim at binasa ang labi. Masarap magluto si Tita Sam, ang mama nila. I always eat a lot whenever I go to their house. Lalo na noong tinuturan ako ni Santiel. Palagi kaming may meryenda.
“Sige, pero saglit lang. Baka kasi ma-late si mama sa trabaho niya.” Pagsang-ayon ko.
Tuloy-tuloy ang klase namin simula umaga hanggang hapon. At dahil nga magmi-midterm na next month, binagsakan na kami ng activities at project dahil naghahabol sa lessons.
I just sighed and started working on our Pre-Calculus assignment. Kahit na nahihirapan ako'y nakukuha ko naman, kaso hindi ako siguro.
Ginulo ko ang buhok, nilukot ang yellow paper na sinasagutan ko at kumuha ng panibago ko.
“Assignment ‘yan, ah? Bakit ngayon mo sinasagutan?” Juliet asked.
I looked at her, frustrated with myself.
“I'm just trying to answer it. Para makabawas din sa gagawin. May project pa tayo.”
I suddenly felt pressured. Iba pala talaga ang grade 12. Dati okay na okay ako sa mga subject namin noong grade 11. Ni isa hindi ako nahirapan. Now, it's different. It's harder than I thought!
“Kausapin mo na kasi si kuya na i-tuitor ka. For sure naman papayag ‘yon dahil wala naman siyang gagawin sa bakasyon niya.”
“Hindi ba siya nag-aaral?” I asked curiously and looked at her eating her food.
When I realized it, I noticed that I hadn’t eaten my food because I had been busy with precal. Ginutom tuloy ako kaya binulsa ko ang papel at kumain na muna.
Ngumuso siya at umiling. “Bakasyon nila. 1st year college na siya at hindi naman 'yon huminto. Online class nga lang.”
I nodded.
“So, gusto mo ba? Para masabi na natin mamaya.” Baling niya sa akin saglit bago kumain ulit.
I shook my head instantly. “Huwag na. I can handle reviewing at the hospital.”
“Are you sure? Kasi ako ang nahihirapan sa'yo kung magmaktol ka naman sa susunod na linggo na mababa ka sa quiz!”
“Oo, hindi na. Salamat na lang."
I don't want his help! Baka pagselosan pa ako ng girlfriend niya kung malaman nitong ako ang gusto niya noon.
Yes, Santiel is very handsome. Moreno, matangkad at matalino. He's very different from other boys his age. Bukod sa angkin talino niya, marami rin siyang alam na sports kaya sikat talaga siya. Lalo na siguro ngayon na sikat na talaga siya.
Right after class, we went straight to their house. Saktong pagbaba pa lang namin sa tricycle, binati na kami ng mga kapitbahay nila.
“Uyy, si Solana… Hello, Sol!”
I didn’t even bother glancing at the boys who were trying to get my attention. Natawa tuloy si Juliet sa tabi ko.
“Sol, labas daw kayo ng pinsan ko!”
“Gago! Ayaw nito sa maasim!” Sigaw ni Juliet.
Umiling ako sa kaniya, pero pasalamat ko dahil paglaging may ganitong eksena, siya ang nagtatanggol sa akin.
I’m not bragging, but most of the boys in our town admire me. Maganda kasi ako at matalino. Hindi ako nagmamayabang o ano, pero iyon ang totoo.
I have pale skin that makes my face bright especially under the sun. Bilugan ang mukha ko kaya mas nadepina nito ang labi at ilong. I naturally have straight hair that falls just above my shoulders. May katangkaran din ako kaya palagi akong nakikita agad sa mga crowded area. And I always know my worth and boys are not worth my time.
Sa pagpasok namin sa gate nila Juliet, namataan ko agad sila Santiel at iyong mga kaibigan niya. His girlfriend was sitting beside him.
At bago pa ako makaiwas ng tingin, nakita ko siyang tumingin sa akin. A small smile crept on his lips. Umarko agad ang kilay ko.
“Uyy, kuya!”
“Oh, nandyan na pala kayo.”
Tumingin siya sa kapatid niya saglit at sa akin ulit. Sumimangot ako sa kaniya. He frowned before his lips curved.
“Hi, Solana! Umuwi ka pala agad kahapon.” He said formally.
“Ah, oo. Pumunta ako sa hospital.” Maikling sagot ko, ayaw siyang makausap pa.
“Oo nga. Kumusta pala si Tito?”
“Okay lang.”
He nodded. “Mabuti kung gano'n. Kumain na kayo ni Juliet sa loob tapos magdala ka rin sa tatay mo.”
“Santiel, halika na rito!” Malanding sigaw no'ng girlfriend niya.
Natawa si Santiel. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
“Pumunta ka na roon. Harang ka diyan sa daan!” Pagsusungit ko.
Muli siyang tumingin sa akin at ngumuso. Taas noo ko siyang tinitigan at tinasaan ng kilay. He chuckled softly and shook his head.
“Masungit ka pa rin…” bulong iyon, pero rinig ko.
“So?”
“Kumusta ang school?” He asked, ignoring my what I said.
“Naku, Kuya! Stress na ‘to sa precal!” Sagot ni Juliet. “Gusto mo turuan mo siya?”
I instantly glared at my bestfriend. Tumawa lang siya at hindi ako pinansin. Ang tingin niya'y nasa kapatid na lalaki.
“Talaga? Basta naman alam mo ang mga formula sa precal, kaya ‘yan.”
I smirked. “Oo. Madali lang, kaya hindi na kailangan.”
Tumango lang siya at umalis na sa harapan namin.
“Ito naman, ang sungit sa kuya ko!” Si Juliet sa tabi ko.
I didn't respond to her. Hindi ko rin alam bakit mainit ang ulo ko. Nakakabwisit lang!
“Sol! Juliet, hali na kayo at kumain!” Tawag ni Tita sa amin mula sa loob ng bahay.
“Opo, Ma!”
Bago ako hinila ni Juliet papasok sa bahay, lumingon pa ako sa pwesto nila Santiel. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at nakangisi.
Inirapan ko siya. Tinitingin-tingin mo diyan?