Chapter One
Malapit na akong matapos sa pagmi-make up ko nang biglang tumunog ang phone ko.
Sexy Pene calling...
I rolled my eyes. Eight times na siyang tumatawag sa akin. My gosh! Pasalamat lang talaga siya at mahal ko siya. Ni-loud speaker ko ang phone ko.
"Hey biatch! I'm on my way already, okay? Why do you have to call me so many times ha? It's annoying, FYI." I kind of rolled my eyes as I was saying that while putting lipstick on my lips. Great!
Tumawa naman ng malakas ang nasa kabilang linya. Yay, why do I have a friend like her? Tsk.
"Woah! Nakapangibang bansa ka lang gumaganyan ka na ha! Luh, I'm just checking you out biatch! Baka kasi hindi ka makakapunta."
As if namang hindi kami nagkasama sa America. And hello? Ako hindi makakapunta? Bar na yan, of course go ako diyan! Who wouldn't want to go to the bar, right?
"I don't care. Anyway, I am on my way na talaga. Good bye! See you there." nagmamadali kong sinabi at kinuha na agad ang hand bag ko.
Dire-diretso akong lumabas ng kwarto nang makasalubong ko si Mommy. Hindi ko na sana siya papansinin ngunit nakatingin na ito sa akin. May konting respeto pa naman ako kaya nagpaalam pa din ako.
"Lalabas lang ako." Iyon lang at dire-diretso na akong naglakad palabas ng bahay. Nakita ko pang tinitigan niya ako. Ang iksi pa naman ng damit ko pero hindi bale na, wala akong pakialam. I'm comfortable wearing this one and I feel so confident.
Well Mom, I'm sorry but you can't blame me for being like this.
Pagdating ko sa bar ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko. I missed them so much.
"Why are you so sexy, Amanda?" nakangising sabi sakin ni Amari. One of my best friends. Actually, we are composed of four.
I smirked. "I know, right." and I flipped my hair. May narinig akong napahagikhik sa likuran ko. Lumingon ako. Tss.
"Ibang-iba ka na talaga, Amanda! I'm so proud of you. Pa hug nga." Annie said while grinning like a clown. The heck with her face.
"Oh don't me Ann, I'm not into hugs and you know that." I rolled my eyes pero tinawanan lang ulit nila ako. Bakit ba pinagtatawanan nila ako? Do I look like a clown?
Pinaupo na nila ako sa couch. Hay, salamat naman diba? Akala ko 'di na nila ako pauupuin eh. Mga shunga pa naman itong mga 'to.
"Nga pala, where's Penelope?" The one who called me so many times earlier.
Ngumuso naman si Amanda kaya sinundan ko ng tingin ang nginuso niya. And there, I saw Penelope sexily dancing with a hot sexy man. Oh well, I'm not shocked, that's Penelope.
Annie gives me a shot and I gladly accepted it. Ang pait, I was about to vomit but I control myself.
I smiled to myself as many memories came rushing down into my mind.
I met Amari, Penelope, and Annie in America. We studied at one of the most prestigious university of USA. At first, hindi ako gaanong close sa kanila, before kasi I really am an introvert person. I want to be always isolated.
But because of their presence, I didn't feel unwanted. Tinanong kasi nila ako noon kung bakit napakatahimik ko raw. Bakit ang laki daw ng salamin ko. Yes, I am a nerd, BEFORE. Like super duper nerd.
Honestly, I am hesitant to tell them the truth but because I've seen something in them, sinabi ko sa kanila ang lahat. Kung bakit napadpad ako doon, kung bakit napakatahimik kong tao. Ang lahat, lahat ng sekretong itinago ko lang sa sarili ko. Lahat ng hinanakit, lahat ng galit at poot, lahat ng sakit ay ibinahagi ko sa kanila.
Good thing, they understood me. They accepted me. At first, 'di ako makapaniwala. Kasi hindi ako sanay na ganyan eh. Sila ang unang naging mga totoo kong kaibigan kaya laking pasasalamat ko sa Kanya kasi nakakita na rin ako ng mga taong handang makinig sa'kin at handang aagapay sa akin sa mga problemang pinagdaanan at pagdadaanan ko sa buhay.
They helped me throughout my stay there. They helped me a lot. They're my saviors. They are my lifeline. Without them, I guess I will be no longer here. And they helped me moved on sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko. They helped me changed myself into someone I never imagine I will be. I became stronger than I was ever before. I am so grateful that I met them.
I used to be so mahinhin type of girl, but now? I'm not. Tinuruan nila akong mag-ayos ng sarili kasi napakamanang ko daw masyado. Sayang raw iyong katawan ko. Tinuruan din nila akong maging palaban at tumayo sa sarili kong mga paa.
Nasisiyahan ako sa kabaguhan ng buhay ko ngayon, malayong-malayo sa karanasan ko noon.
I became mataray and maarte, as what they always say. I became a party girl. I became into someone I am not before. But no regrets!
"Hoy!" napahawak ako sa tainga ko nang may sumigaw sa likuran ko. b***h.
"Penelope! What the heck?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Don't tell me lasing na ito?
"Na-uh. Matino pa ako, noh!" sabi nito na parang nababasa ang nasa isipan ko.
"Oh, ba't mo ba ako sinisigawan? FYI, I'm not a deaf!" sabay tungga ko sa alak na nasa harapan ko. Hmm, now I know why people love alcoholic drinks. I am a party girl, I enjoy bar hopping but I don't really drink. Whenever I'm in a party or a bar, I always order milkshakes or just only water, but this day is an exemption. This is my welcome party so I'll try not to kill the joy.
"Kanina ka pa kaya namin tinatawag. Nagmumuni-muni ka na naman diyan, eh! Welcome back party namin 'to sayo kaya tumayo ka na dyan at maghanap ng Kekero! Let's f*****g enjoy the night!" Kekero, ibig sabihin lalaking gwapo. Somehow, Penelope knew a few gay language and we are kind of used to it.
Kaninang umaga pa kasi ako dumating dito sa Pinas galing America. Umuna na kasi silang tatlong umuwi samantalang nagbakasyon muna ako doon ng isang linggo. And yes, kaka-graduate lang namin.
Napangiti naman ako ng bongga. Waaaaaaaaah! This is it! Makapagsayaw na nga!
Hinila ko silang tatlo sa dancefloor. At sumayaw na rin.
Few minutes later, may kanya-kanya ng kasayaw ang mga kaibigan ko. Napapatawa pa nga kami, si Penelope kasi grabe kung makahalik parang wala ng bukas. Hay nako.
Sumayaw lang din ako nang sumayaw, itinaas ko pa sa ere ang mga kamay ko nang bigla na lang akong may naramdaman na mga kamay sa bewang ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko at kitang-kita ko ang kanilang mga ngiting-aso. With that kind of look, alam kong gwapo itong naka-backhug sa akin.
I grinded his groin. I am sensually dancing in front of him. Dala na rin siguro ng alak kaya napasobra ang confidence ko ngayon. Napapahigpit naman nang yakap ang lalaki sa akin. At ramdam ko na rin ang bukol sa likuran ko. Aba, ang horny naman ng lalaking 'to. Kakalas na sana ako nang magsalita ito na ikinabigla ko.
"Miranda."
At dahil do'n, tuluyan na akong kumalas. What?
Lumingon ako sa lalaki at nanlaki bigla ang mga mata ko. s**t, is this Chryson Jade? Ang laki na ng pinagbago niya ha. Sila pa ba ng kambal ko?
Yes, I have a twin. Miranda. But we are not close. Before, I used to think that we are but all she could ever think about me is her mortal enemy. Ang saya lang diba?
At ang lalaking nasa harapan ko ngayon ang unang lalaking nanakit sa akin. He's Chryson, my twin's boyfriend.
"Amanda?" napamaang na tanong sa akin nito.
I paused a minute. I need to confirm something.
Itinaas ko ang kilay ko at ngumisi sa kanya.
"The one and only."
At iniwan ko na siyang tulala doon.
And s**t! It's confirmed!
This is the best welcome party ever. Bullshit!