Prologue
Dear Diary,
Ayoko na. Pagod na pagod na ako, DD. Ang daya, ang daya daya ng buhay sa akin. Imagine, buong buhay ko hindi ko man lang naranasang sumaya nang totoo. Sorry din DD ha, kasi wala man lang kitang naibahaging maganda sa ma-dramang buhay ko na 'to. Pasensya na din kasi ito na ang huling sulat ko sa iyo. DD, you know very well that I did everything, just for them to notice me, diba? I am excellent in my acads, I even master arts and music! And I think, I am a very good daughter. But why do they always make me feel so unwanted? Like they always make their way to make me feel so left out, that I do not belong in the family. Masokista nga siguro ako, kasi kahit ang sakit sakit na, nagagawa ko pa ring mahalin sila nang todo todo.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, o kung may mali ba sa akin? May nagawa ba akong kasalanan that I am unaware of? DD, I totally cannot understand! Will someone please explain it to me? I am so dead tired, emotionally, physically and mentally. Gulung-gulo na ako, ubos na ubos na ang buong pagkatao ko. Awang-awa na ako sa sarili ko. Parati na lang kasi akong nababalewala, hindi napapansin. Sagad na sagad na ako, naawa na ako sa sarili kong araw-araw nagmamalimos ng pagmamahal na alam kong hindi naman nila kayang ibigay.
Wala nga ba akong lugar sa mundong ito? Ba't pa ako binuhay kung ganito lang din naman ang kahihinatnan ko dito. Mas mabuti pang mamatay nalang ako. Surely, no one will shed even a single tear for me. Because no one loves me, no one even cares for me. Suko na ako. 'Di ko na talaga kaya.
DD, ikaw lang ang nag-iisang karamay ko sa buhay ko. Salamat ha, kasi kahit wasak na wasak na ako, nandiyan ka pa rin tuwing nagrereklamo ako. Pero kailangan na din kitang iwanan sa ngayon, para makalimot. Para makapag-umpisang muli. At ang ibig kong sabihin doon, ibabaon ko na rin sa limot lahat ng mga bagay na makakapagpapaalala sa akin sa napakasalimuot na kwento ng buhay ko. Pero promise, babalikan kita.
Pakisabi na lang kay Mommy na kahit hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ina, mahal na mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko siya kasi siya ang nagluwal sa akin, ang nagpangalan sa akin, kung hindi dahil sa kanya wala kami ni Miranda ngayon. Even if she always gave me her cold shoulder, I still love her dearly because she's my mom, she's my everything.
To my Dad, my very first love, I love him still. Even though he doesn't always show his support to me, I can feel that he is proud of me. I love him always and forever.
To my Kuya, my second love, I thank him so much kasi, siya lang iyong nakapagparamdam sa akin ng pagmamahal. Yun nga lang, labis akong nasaktan no'ng hindi niya ako pinaniwalaan. Akala ko kasi kampi ko siya pero hindi pala. But still, I love him so much kasi kung hindi dahil kay Kuya, hindi ko man lang maranasang sumaya kahit saglit lang. Mahal na mahal ko siya.
To my twin, Miranda, mahal na mahal na mahal na mahal ko siya, alam mo kung bakit? Because she's my twin, my other half. Kahit na malupit 'yon sa akin, hindi ko magawang magalit. Iyong tipong kaya kong pataasin ang pasensya ko pagdating sa kanya. Mahal na mahal ko siya kahit na ang sakit sakit na.
Mom, Dad, sorry po kung nabuhay pa ako. Sorry po kasi hindi ako si Miranda. Sorry po kasi mahal ko kayo at hindi ko kayang mabuhay nang wala kayo.
Kuya, sorry kasi nasaktan kita sa paraang alam ko.
Miranda, sorry kasi hindi ko kayang mawala at maglaho na lang sa buhay mo kasi konektado na tayo, kambal tayo eh.
Pero sa ngayon, magpapaalam na muna ako sa inyo. At sayo na rin, DD.
Hanggang sa muli.
--------
Amanda
--------