Victoria's POV "Dito ang kwarto mo." Iginaya na ako ni Manang Sonia sa pangalawang palapag pero pagpasok namin parang silid na inihanda para talaga... sa akin. Narinig kong huminga ng malalim ang ginang kaya nilingon ko siya at nahuling nakatingin siya sa akin at hindi naman nangungutya pero waring may alam. "Hindi dapat talaga dito ang kwarto mo, nagtaka na lang ako kung bakit ipinalinis ni Sir ito noong isang araw pa, ang akala ko may bisita siya na darating pero ikaw pala ang gagamit." Lumapit pa siya sa akin, hindi naman ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya kahit naman ako nagulat din may inihandang kwarto na para sa akin. "Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ni Sir, at wala naman akong balak manghinasok hija at may higit dalawang dekada na ako naninilbihan

