CHAPTER ONE
Victoria Dominguez's POV
Bakit nga ba may ipinanganak na mayaman at ipinanganak na mahirap? Ang iba ay hindi na nila kailangang paghirapan makuha ang anumang naisin nila...
Samantalang ang katulad ko, kailangan pa munang mag-doble sikap para maabot ang mga pangarap.
Ako nga pala si Victoria, dalawa't put isang taong gulang at kilala sa palayaw na Tori, panganay ako at isang bread winner ng pamilya.
May inang may sakit, may nakababatang kapatid na lalaki at nag-aaral ng kolehiyo, lahat ay sa akin nakaatang at ako lamang ang tangi nilang inaasahan.
Nagtitiis at nagsisikap ako dahil hindi ko naman sila kayang pabayaan kaya lahat na rin ng trabahong iniaalok sa akin ay walang pagdadalawang isip kong pinapasok basta kaya ko, para sa pamilya pero maliban na lang sa pagbebenta ng katawan.
2nd year college lang ang nakamit ko dahil kinailangan ko na magtrabaho nang tamaan ng sakit si Nanay na dating tumataguyod sa amin ng kapatid ko.
Kaya kinailangan kong gampanan ang dati niyang obligasyon sa amin at dahil butihing anak tayo ako na'ng nagsakripisyo para sa pamilya.
"Uy, Tori! Sama ka ba sa raket namin bukas?" Untag sa akin ni Charlotte habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa loob ng locker.
Kasamahan kong waitress dito sa club, at may isang taon na ako rito sa Luxxie Night hanggang naging regular na employee na rin ako.
Pero hanggang isang linggo na lang ako maglalagi rito at nagpaalam na akong aalis na dahil mamamasukan na ako bilang isang kasambahay sa isang lumang mansyon na bihira nang bisitahin ng may-ari.
Ako ang ni-refer ng ginang na si Manang Sonia na doon din nagtatrabaho nagkataon na kinakailangan ng bagong kasama kaya ako ang inalok dahil kilala na ako at iisa naman kami ng lugar, at alam niya ring kailangan ko talaga ng malakihang kita.
Kaya hindi ko na tinanggihan, tinanggap ko agad dahil ang laki ng pasahod, mas malaki pa kaysa sa pinagsama-sama kong raket at fixed na sahod ko rito.
Stay in mga lang pero sagot naman lahat, may allowance pa kaya mukang galante ang may-ari, masusuportahan ko na ng maayos si Nanay sa mga gamutan niya at ang kapatid ko sa pag-aaral naman.
Umiling ako sa tanong ni Charlotte. "Pass na muna, sasamahan ko kasi si Nanay bukas sa check up niya," tanggi ko na naintindihan naman nito.
"Sige, next time na lang, basta magsabi ka lang kung kailanganin mo ng extrang pera, marami pa naman tayong susunod na mga raket." Tinapik niya pa ang balikat ko.
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat."
Ngumiti rin siya at lumabas na nga ng locker room at naiwan na ako mag-isa. Napasandal naman ako sa hanay ng lockers suot na ang uniporme ko saktong paglabas niya.
White long sleeves polo-dress na naka-tuck in sa black skirt at suot din ng isang pares ng black shoe heels ang uniporme naming mga waitress.
Palagi ko namang kailangan... usap ko sa sarili kaya nga rin ako aalis dito dahil gusto kong kumita ng mas malaki pa, hindi para sa akin, kundi para sa mga mahal ko sa buhay.
Kahit pagod, nanghihina kailangan pa rin mas lumaban at ipagpatuloy ang buhay dahil hindi ito hihinto para lang sa iyo.
Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob, at isinuot ko na ang black apron ko at humarap ako sa body mirror, inayos ko ang ipit ng buhok ko, saka nag-in sa time card at lumabas na.
Sumalubong sa akin ang maingay na tugtuging lumalagabog sa buong lugar at samu't saring na iba't ibang kulay ng dim na ilaw na parati kong nakikita.
Lumapit ako counter bar kung nasaan mga naka-display ang bote-boteng mamahaling alak at mga kasamahan kong barista.
Sumenyas ako kay Ryan na iabot sa akin ang tray, pati ballpen at notepad na nauna niya ibinigay kaya inilagay ko na sa bulsa ng apron ko.
"Ang aga mo naman ata?" puna nito sa akin na may magiliw na ngiti pagkaabot niya naman ng tray na agad kong kinuha.
"Para makarami ako ng tip," tipid kong sagot nang mapabaling ako sa kanan ko dahil may kumausap sa aking customer na nasa harap ng counter at umiinom ng hard shot.
"Miss, p'wede ka ba?" tanong nitong walang pakundangan habang pupungay-pungay na ang mata.
Humigpit naman ang hawak ko sa tray at pinigilan ang sariling ihampas sa b*stos na lalaking ito habang ang mga kasamahan ko todo sensyas sa akin na h'wag na h'wag ko papatulan.
Kahit maingay ang musika, dinig na dinig pa rin ang boses ng lalaki dahil nakasigaw ito at sa mismong tainga ko na rinig din nila.
Ngumisi lang ako at preskong umiling. "Waitress ho ako, hindi prostitute kaya pasensya na," pasigaw ko ring sagot.
"Aba't pakipot ka pa, ha? Iisa lang naman kayo ng trabaho rito puro bayarang mga babae!" pakutya nitong buska kaya lalo nanlamig ang dalawa kong tainga.
Ibinaling ko ang mukha ko sa kanang direksyon at ang dila pinalipat-lipat ko sa loob ng magkabila kong pisngi.
Pilit na hinahabaan ang aking pasensya dahil hindi ako p'wede pumatol sa lasing lalo't customer...
Ayoko nang maulit pa na dating nakasapak ako at siguradong mapapaaga ang alis ko rito imbis na sa isang linggo pa sana.
Kaya dumako na lang ang tingin ko sa mga kasamahan ko sinenyasan ako na umalis na lang at sila nang bahala kaya dali-dali ko na nilayasan ang bastos na ito.
Ito ang mahirap, porque nagtatrabaho ka naman ng matino pero sa ganitong lugar nga lang aakalain na prostitute ka rin.
"Hoy! Saan ka pupunta babae—"
Waring gusto pa akong habulin pero hindi na ako lumingon pa at dire-diretso lang ako sa kabilang counter at saktong kailangan ng waiter doon.
"Ako na diyan." Inilapag ko ang hawak kong tray nang makalapit ako kaya tuwa naman si Ben na barista sa pagdating ko.
"Tori! Sakto dating mo abala lahat ng waiter kaya naghihintay ako ng babalik para i-serve ito at sabado kasi kaya maraming customers araw na malakas ang tip! Tiba-tiba!" bulalas nito at nakatawang iniabot sa akin ang tray ng bote-boteng mamahaling alak.
"Kaya maaga akong pumasok alam ko dagsaan. Anong table 'to? Saan ko ba dadalhin?"
"Table 10, sa taas pinaka-dulo."
Tumango lang ako at umalis na roon bitbit ang tray ng alak, gumilid ako ng daan baka may makasagi sa akin at umakyat na ako ng hagdanan patungong sa ikalawang palapag.
Samu't saring usok ng mga sigarilyo at mga mamahalin pabango ng mayayamang lalaki ang sumalubong sa pang-amoy ko.
Lahat naman ng nandito sa pangalawang palapag na ito mga big time na tao, bibihira ang mga barat.
Tinungo ko na ang table 10 pero papalapit pa lang ako sumayad na ang tingin nila sa akin, at mukang mga kagagaling lang ng opisina dahil mga naka-polo dress pa at slacks.
"Good evening, here's your hard shots in a bottle," saad ko nang tumigil ako sa lamesa nila, inilapag ko ang tray at maingat na ibinaba ang mga bote sa lamesa.
Hindi ko pinanpasin kahit pa ang maiinit nilang tingin sa akin basta baba lang ako nang baba ng bote nang may magsalita na isa sa kanila na naka-berde.
"Hi, Miss... Tori?" Naningkit siya nang basahin niya ang nasa name tag ko at nag-angat ng tingin sa mukha ko sabay ngiti.
"Yes, Sir? Anything else you need?" I asked and I did my best to be polite. Kapag talaga nasa trabaho ka mapapa-ingles ka na lang lalo't mayayaman.
"Would you mind if you have a seat with us?" paanyaya niya sa akin pero tumayo lang ako ng tuwid yakap ang tray at umiling.
"Pasensya na, Sir. Waitress ho ako, hindi ako nagpapa-table," tipid pero rekta kong sinabi.
"Kung may kailangan pa kayo don't hesitate to call the other waiter." Nag-bow lang ako ng bahagya bilang pagbibigay galang.
Akmang aalis na ako nang bigla nitong hinawakan ang kamay ko na ikinatiim bagang ko.
Tumawa ang lalaki. "At bakit naman hindi?" patuya nitong tanong kaya ibinaling ko ang mukha ko dito at malamig itong tiningnan.
"Ang suplada mo naman, ganiyan ba kapag mga magaganda maaarte? Sana hindi ka rito nagtrabaho kung hindi ka marunong magpa-unlak—"
"Sir," putol ko sa kalagitnaan ng pagsasalita nito at tumingin ako sa kawalan. "Pag-bilang ko ho ng tatlo bitawan niyo 'ko," babala kong dagdag dahilan para magtawanan sila ng mga kasama sa lamesa.
Maliban sa isang lalaking mabalbas na nasa may dulo banda, nakatingin lang siya sa akin at hindi man lang nakikitawa sa halip nangbabasa ang mata niyang pinagmamasdan ako.
Kita ko kahit sa gilid lang ng mata ko.
"Nakakatakot!" Umakto itong kunwari nanginginig pa sa sindak sabay tumawa ganoon din ang mga kasama.
"Bakit, anong gagawin mo, Miss? Hmm? O ano nga ba magagawa ng babaeng tulad mo lang?" dagdag pa nitong pangiinsulto sa akin.
Kaya ang mga kasama lalo lang ginawang biro ito kahit na wala namang nakakatawa, partida hindi pa lasing ang mga 'to.
Ramdam kong nakatingin sila sa katawan ko, lalo na sa pang-upo at mga hita ko habang ako nananatili lang nakatalikod, walang emosyong mababakas sa mukha ko.
"Patingin nga ako nito kung ga'no kalambot!" tukoy nito sa pang-upo ko, hindi na napigilan ang kabastusan.
At akmang hahawakan na nga niya ang pang-upo ko nang bumilis bigla ang kilos ko hinawakan ko siya sa pulsuhan saka pumihit ako paharap pinilipit ko ang braso niya kaya napahiyaw siya sa sakit na ikinagulat nila at nawala ang tawanan.
Lahat nagulat sa ginawa ko at napatulala na lang kasabay nang pag-awang ng mga bibig nila maliban na lang sa lalaking iyon na nasa may sulok nang may lumitaw na malawak na ngisi sa labi.
"Aray! Bitiwan mo akong babae ka!" inda ng lalaking kasalukuyan pilipit ang braso pero hindi ko pa binibitawan kahit pilit siyang kumakawala.
Hawak ko na ang balikat pati braso ng bastos na ito, sinadya kong diinan kaya lalong napasubsob ito sa sandalan ng upuan.
"Sa susunod... h'wag kayong bastos at matuto kayong rumespeto ng babae," matatas kong sinabi.
Matapos ko iyong sabihin ay patulak ko na siyang binitawan pero akmang tatayo pa sana para bumawi sa akin nang natigilan din dahil may biglang nagsalita na.
"Tama na iyan." Biglang tumayo ang lalaking mabalbas, ang pinakang-tahimik sa kanila.
"Pero Apollo! Hayup na babae 'to—"
"Bakla ka ba at pati babae gusto mong patulan?" matatas niyang putol dito kaya kahit ako natigilan.
Ni hindi rin magawang makapag-react o maka-kontra ng mga kasama nila kahit ang lalaking bastos ay natahimik din waring alam kung saan siya dapat lumugar.
Napaatras pa ako nang biglang lumapit sa akin ang lalaking ermitanyo... ang gwapo ng mga mata, kaso dahil sa mahabang balbas parang hindi naliligo.
"Pagpasensyahan mo na ang mga kasama ko," siya ang humingi ng dispensa. "Ayos ka lang ba?"
Ngayon pa talaga nagtanong? Samantala kanina ay hinayaan niya lang ang kasama niyang mambastos?
Pero tumango na lang ako nang hindi na humaba pa. "Ayos lang, babalik na ako sa trabaho ko." Tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit.
"What's your real name?" he asked with his weird gaze which makes me feel uneasy.
"Victoria," I simply said.
"Victoria... it's such a beautiful name for a strong, tough woman, huh?" He chuckled. "Okay, Victoria, you can go now, see you around." He smiled.
That's it, he let me pass.
Pero hindi ako komportable sa presensya ng estrangherong ito... kahit h'wag na kaming magkita pa.