CHAPTER TWO

1542 Words
Victoria's POV Napatitig na lamang ako sa limang libong pisong papel na hawak-hawak ko habang nakatayo sa harap ng locker. Masiyadong malaki para sa tip. Ibinigay ito sa akin ng lalaking balbas sarado kanina ayoko pa sana tanggapin dahil masyado ngang malaki, pero mapilit siya. At sinabing bayad na rin sa pamumurwisyo at pangaabalang ginawa sa akin ng kasama nila. Hanggang natukso na nga ako tanggapin dahil sakto bukas ang check ni Nanay at pandagdag din ito sa gamutan. Ngumiti na lang ako dahil ang bait naman niya para bigyan ako ng ganitong halaga at itinabi ko na sa loob ng wallet ko at inilagay sa bag sakto namang may pumasok na kasamahan kong waitress. "Tori, nabalitaan namin ang nangyari, binastos ka raw?" tanong sa akin ni Cherry. Nilingon ko lang siya habang nasa sariling locker at may kinukuha. "Oo, pero ayos na, na-areglo rin naman kaya hindi na nakarating pa sa taas." Ngumiti ako dahil salamat sa limang libong bigay ng barbarong iyon na kahit papaano gumanda ang timpla ko at nakatulong sa isipin ko kahit papaano. "Iyan talagang mga lalaking manyak na iyan ang panira ng maayos nating trabaho. Pero wala eh, kasama talaga iyan." Sa tagal ko na rito, lahat naman ng iba't ibang uri ng lalaki ay nakita ko na at ang mga regular customers namin ay kilala na akong pumapalag kapag nasa mali sila. Iyung mga bagong salta lang naman ang mga malalakas ang loob mambastos dahil hindi pa nila kilala ang mga taong gusto nilang bastusin. Pasensyahan na lang natapat sila sa akin. "Pero kinarate mo raw ah!" Tumawa ito. Nahilot ko naman ang noo ko habang nakahulikipkip. "Tawag na ng kagipitan." Lalo lang siyang tumawa.."Iba ka talaga, kaya kami'y sa iyo eh!" biro pa nito kaya pagak na lang akong natawa. "Siya sige, maiwan na muna kita naka-short break lang ako," paalam na nito at lumabas na rin. Kumain na rin ako pero dito lang sa loob ng locker may lamesa naman dito, mabilisang kain lang ng dala kong baon at bigay na ulam ng kusinero ng club. Nagpahinga lang ako sandali at tinapos ko na rin ang trabaho ko ngayong magdamag at umuwi ako ng ala-sais na ng umaga sikat na ang araw kaya hihikab-hikab ako habang naglalakad sa may eskinita namin. Pagkarating ko ng bahay nakita ko ang maputla at payat kong ina na kasalukuyan nagluluto ng umagahan at naglilinis na rin ng kusina kaya sumama ang timpla ko. "Nay! Bakit kayo kumikilos?!" pagalit kong tanong at hinawakan ko siya sa braso ini-off ko ang kalan at marahan iginaya palabas ng kusina dinala ko siya sa salas at pinaupo sa kahoy naming sofa. "Parang iyon lang naman anak, kahit man lang ipaghanda ko kayo ng agahan ni Kairo makabawas man lang sa pagiging pabigat ko sa inyo..." Hindi ko na naabutan ang kapatid ko dahil may lakad ito pupunta sa bahay ng kaklase para gumawa ng project. Lumambot naman ang mukha ko at paluhod na umupo ako sa tapat niya na hindi nalapat ang tuhod ko sa sahig at hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mga hita niya. "Nay... hindi kayo pabigat, naiintindihan niyo ba 'ko?" Pinisil ko ang kamay niya kasabay ng paglamlam ng mga mata ko. "Alam niyo naman na bawal na bawal kayo magpapagod dahil hindi niyo na ho kasundo ang puso at baga ninyo," malumanay kong sinabi na ikinahinga niya lang ng malalim. Naiintindihan ko na hindi siya sanay nang hindi kumikilos, kaya niya naman mag-isa dito sa bahay, hindi naman siya isang bed ridden. Pero madalas kasi siyang maghina at mawalan ng malay kagaya na lang noong nakaraan nakita na lang na nakahandusay siya sa sahig kaya dinala namin siya kaagad sa hospital. Hindi naman ako p'wedeng mag-stay rito sa bahay ako ang nagtatrabaho at ang kapatid ko naman ayoko siyang matigil sa pag-aaral kaya hangga't maaari nakikiusap na ako sa kanyang sundin ako. "Nay." Bahagya kong niyugyog ang kamay niya habang pisil-pisil ko kaya dumako ang tingin niya sa pagod ko nang mga mata. "Mas makakatulong kayo kung wala kayong gagawin," mariin kong sinabi at kumurap pilit pinagagaan ang dibdib kong nahihirapan na. "Maki-operasyon lang kayo sa akin, iyon lang ayos na ayos..." pinigilan kong maiyak dahil pagod na rin ako, pagod na pagod na. Pero bawal sumuko. Napaluha naman siya. "Pagod ka na, 'nak..." Mapait siyang ngumiti at hinawakan ang pisngi ko. Dinaan ko naman sa tawa at naglakas-lakasan sa harapan niya. "Sino hong pagod? Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko at umiling. "Malabo ako mapagod." Tumayo ako at ngumiti hawak ko ang kamay niya. "Si Victoria, hindi uso ang salitang hirap at pagod sa kanya." Pero lalo lang siyang nahabag habang pinagmamasdan ang pagpapanggap ko. "May check up pa kayo, naligo na ba kayo?" tanong ko at pilit pinasasaya ang mukha. "Maliligo pa lang," sagot niya at dinala ko ang kamay ko sa pisngi niya at pinalis ang mga luhang naglalandas doon. "Tama na, Nay... h'wag na kayo umiyak. Maligo na kayo at ako'y magbibihis lang, pupunta na tayo sa Doctor niyo." "Hindi ka ba muna magpapahinga?" Umiling ako. "Hindi na ho, diretso na tayo roon, sayang ang oras." Pinatayo ko na siya para papaliguin na nang makapag-ayos na. Nang nag-tungo na siya sa banyo, pumasok naman ako ng kwarto ko at pagkasara ko ng pinto doon ako napasandal at napahawak sa noo. Pagod nga ako... medyo nalulula sa puyat at gusto ko man umidlip kahit sandali ay maaga pa ang check up ni Nanay sa public hospital kaya kailangan magmadali. Nag-commute lang kami papunta roon, inalalayan ko siyang bumaba ng jeep at pumasok na nga kami sa malaking public hospital building, katapat naman nito ang mas malaki pang pribadong ospital. Mariin akong napapikit nang tapatin na ako ng Doctor na si Nanay ay may stage 2 lung cancer going to stage 3 kaya hindi ko na mapigilan mapatingala at mapaluha. Idagdag pa ang pagkakaroon nito ng heart enlargement na talaga namang hindi ko na alam kung hanggang saan na lang ang itatatag ko. Kahit pala anong tapang at tatag ng isang tao, darating at darating sa punto papipiliin ka kung susuko ka na ba, o ilalaban mo pa... Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatitig sa resulta ng check up ni Nanay, ako lang ang nandito sa loob kausap ng Doctor, si Nanay nasa labas bilin kong maghintay. "A-Ano hong dapat kong gawin, Doc?" pilit kong tinatatagan ang boses kahit mayroon nakabara sa lalamunan ko. "The only thing we can recommend is dalhin mo na siya sa isang private hospital with complete care treatment for chemo." Mariin akong napapikit lalo at napahawak sa dalawa kong tuhod at yumuko. Saan naman kaya ako kukuha ng... malaking pambayad na sigurado daang libo ang magagastos o baka hindi lang. "If you have enough money for the treatment, p'wede ko na kayong i-refer kahit diyan lang sa hospital na katapat lang nitong public, kompleto diyan kaysa rito." Nasuklay ko na lang ang buhok ko hanggang dulong hibla at muling tiningnan ang Doctor na papaaawa naman sa akin kaya kahit pilit, ngumiti na lang ako. "Salamat ho, Doc." Tumayo na rin ako. "Gagawan ko ho ng paraan." Kahit hindi ko alam kung saan at anong paraan pa ba ang gagawin ko. Lumabas na ako ng clinic niya at tumayo na si Nanay na nangangayayat na, bakas ang natural nang pagkaputla dahil sa sakit at dala ko na ang resulta niya. "Ano raw sabi ng Doctor?" tanong nito habang magkadaop palad. "Bakit ikaw lang kinausap sa loob?" Gusto ko mang sagutin pero nanlalambot ko siyang tiningnan sinikap kong h'wag umiyak at ngumiti lang. "Sa bahay na lang ho, Nay." Hinawakan ko ang kamay niya. "Basta hinding-hindi ko ho kayo... pababayaan, maubos man ang lakas ko, gagawa at gagawa ako ng paraan." Hindi na rin siya nagtanong pa pero kutob na niya at hinayaan na lang ako, ayoko namang dito kami mag-iyakan. Pag-uwi namin ng bahay, nadatnan ko si Kairo sa salas namin nakaupo at nagulat kami nang makita siyang may hawak na isang bouquet ng magagandang bulaklak ng rosas. Nangunot ang noo ko. "Kairo, kanino galing iyan?" tanong ko at agad niya naman kami sinalubong at nag-mano kay Nanay. "Ewan ko nga, Ate eh. Meron lang na nag-deliver na delivery man kanina, para sa iyo raw." Ibinigay niya na sa akin kaya gulat kong tinanggap. Para sa akin? Nagkatinginan kami ni Nanay. "May manliligaw ka, 'nak?" tanong niya at napangiti. Umiling ako. "Wala ho, Nay... saka wala naman akong pinagbibigyan ng adress natin," nagtataka kong sagot. "Mukang may nakakagusto na sa Ate ko ah! Kapag mayaman palag na!" biro sa akin ng kapatid ko kaya umamba akong ihahampas ito sa kanya pero umilag siya agad at tumawa lang. Inirapan ko lang ang kapatid ko at ibinalik ang tingin sa bouquet na may nakasiksik na isang maliit na card, hindi ata nakita ni Kairo ito dahil halatang hindi pa nabubuklat. Kinuha ko naman at binasa. To the most beautiful and strong girl I ever met, I hope you're doing well today baby, and also I hope you like these flowers I personally picked just for you... A.E.M A.E.M? Sino ito? Paano ko naman makikilala kung initial lang ang nakalagay? Baka nagkamali lang ito ng pinagpadalhan. Na-wrong adress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD