Victoria's POV
"Talaga bang aalis ka na at hanggang ngayong gabi ka na lang?" tanong ni Charlotte na may lungkot sa mukha.
Narito kami sa locker room, maaaga ako pumasok araw ulit ng sabado nang makalipas ang isang linggo.
Tumango ako at hinarap ko ito kasama si Cherry at mga malulungkot ang mukhang nakatingin lang sa akin.
"Oo, dahil bukas na rin ang simula ko sa mansyon na pagsisilbihan ko," tipid kong sagot.
Napa-ungot naman sila at parehong humawak sa magkabilang braso ko.
"Mag-iingat ka ro'n ah!" si Charlotte.
"Naku! Baka sila ang mag-ingat!" si Cherry.
Tumawa sila kaya natawa na lang din ako pero sinaway ko na rin sila at may trabaho pa kami.
"Sige na, mag-in na tayo at may trabaho pang naghihintay sa atin." Alam nila na ayokong nagsasayang ng oras.
Bumitaw na rin sila at mga nag-ayos na, nauna na akong nag-time in sa card at lumabas na ng locker room hindi ko na hinintay pa ang dalawa.
Kagaya noong nakaraan maraming tao, kaya sigurado pagod na naman kaming lahat pero hindi uso ang reklamo.
Lumapit na ako sa mga bar counter, binati ako ng mga kasamahan kong barista at mga waiter na naabutan ko rito, at panay tanong pa nga sila sa akin kung hanggang ngayon na lang ba talaga ako at parati ko namang sagot ay oo.
Binibiro pa nga nila ako na mami-miss nila akong makatrabaho pero mga nakatawa pero alam kong half meant iyon, dahil sa solid naming samahan dito.
"Mag-iingat ka sa bago mong magiging trabaho, mas mabuti iyan baka magbago ang kapalaran mo sa pa-alis mo rito," may laman at nakangiting sinabi ng baristang si Ben.
Natigilan naman ako sandali sa sinabi niya habang pinapanuod siyang maglagay ng bote ng alak sa tray at iba pa.
Sino bang may ayaw ng bago at magandang kapalaran? Hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Darating at darating din ang panahong matatapos din ang paghihirap ko, at ng pamilya ko.
Lalo na ang ina kong may malubhang karamdaman na hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob sabihin dito ang totoo nitong estado sa kalusugan.
"Anong table 'to?" tanong ko nang itulak na niya ang tray sa tapat ko at kinuha ko agad.
"Sa dati, table 10." Nagpunas siya ng kamay.
Tumango lang ako at umalis na ako sa counter dala ang isang bote ng alak at bucket ng yelo at mamahaling plato ng pulutan.
Umakyat ako sa pangalawang palapag, tinahak ko ang daan na may pag-iingat masagi ang bitbit ko hanggang marating ang lamesa pero nabigla ako nang makita kung sino lang ang nasa lamesang iyon...
Si balbas sarado, wala siyang kasama. Hindi ko naman alam paboritong lamesa pala niya ito at hindi ko inaasahan makita siya ulit dito pero umakto lang akong kaswal na kunwari hindi ko siya nakilala.
"Here's your hard short in a bottle." Isa-isa kong inilapag sa lamesa ang nasa tray sa mismong tapat niya, pero ramdam ko ang init ng titig niya.
Tumayo rin ako agad at niyakap ang tray. Nag-bow lang ako ng bahagya at tumalikod na at akmang aalis na rin pero bigla siyang nagsalita kaya natigilan ako.
"How cold." Narinig ko siyang tumawa. "Ganiyan ka ba talaga hmm, Victoria? Masiyadong seryoso sa trabaho?"
"Hindi ba dapat, kapag haharap ka sa customers, especially to newly faced, nakangiti ka ng kaaya-aya?"
Hindi ko man siya harapin alam kong nakangisi siya sa akin kaya bahagya ko siyang nilingon ng mata ko lang pero, iba ang nakita ko nang mag-tama ang mga mata namin...
Paghanga ang nakita ko.
"You have a cold... sharp... but lovely eyes... don't you?" He chuckled. "Kuhang-kuha mo ang gusto ko," diretsuhan niyang sinabi na ikinabigla ko.
Tahimik dito sa parteng dulo, hindi gaano abot ng musika kaya dinig na dinig ko ang sinabi niya.
Ngumiti pa siya pero natural na tumalim ang mga mata niya at binuksan ang bote ng alak na lumikha pa ng tunog at nagsalin siya sa pandak na baso.
Hindi ko alam bakit nakatigil pa rin ako at hindi umaalis sa kinatatayuan ko kahit na alam ko kung saan ang punta ng usapang ito.
"Care to sit with me for a while? Gusto ko lang ng kausap. Don't worry, I won't touch you or force you to do something," he assured me in his convincing voice.
Pero wala akong tiwala sa mukha niya. Mukang manyakis din, ang haba pa ng balbas, disente naman manamit kaso'y ayoko sa mga mabibigote at madungis tingnan.
"Pasensya na ho, Sir. Pero kagaya noong una hindi ko rin kayo mapapaunlakan. Kita niyo ho?" Nililibot ko ng tingin ang palid batid kong maraming tao.
"Dagsaan, kulang kami sa tao kaya—"
"Do-doblehin ko ang sweldo mo, o kahit triplehin ko pa tabihan mo lang ako rito."
Unti-unti hinarap ko na siya kaya malayang nagtama ang mga mata namin, gaya noong unang pagkikita namin, nagagandahan ako sa mga mata niyang may pagka-kulay dark green.
Dim man ang ilaw, pero malinaw ang mata ko kaya nasisiyasat ko kung anong kulay kahit gabi.
Umiling ako. "Hindi ho talaga ako nagpapa-table—"
"Alright." He hissed and he held his knees and looked at me intensely. "Buong sahod mo sa isang buwan, babayaran ko pumayag ka lang."
Natigilan ako.
Isang buwan kong sahod?
Seryoso ba... siya?
Naisip ko agad sina Nanay, napaka-laking tulong no'n, kaya nagdalawang isip na ako. Kagaya ng pangako niya, hindi niya naman ako hahawakan at pipilitin gumawa ng ayaw ko, hindi ba?
Tumagal ang tingin ko sa kanya.
"Take it or leave it?" he asked like it's a favorable offer and he smirked. "Uupo ka lang sa tabi ko magsisilbing kaibigan ko ngayong gabi, may pera ka na agad."
Napalunok ako at himigpit ang yakap ko sa tray. Uupo lang naman, Victoria... makikinig ka lang sa kwentong barbero niya mayroon ka nang instant sweldo na isang buwan ang katumbas...
Inaamin kong natutukso na ako ngayong kailangang-kailangan ko dahil ang dami kong pagkakagastusan.
Kaya alang-alang sa pamilya, huminga muna ako ng malalim at ganap na nga akong pumayag tutal ngayong gabi na lamang ang ilalagi ko rito kaya palag na.
Tumango ako nagaalangan man pero sayang din ito. "Sige ho, pero lilinawin ko lang, hindi ho ako nag-o-offer ng extra service—"
"Alam ko." Hindi niya ako pinatapos. "Sa katunayan niyan... ako itong may offer."
Natigilan ako. Offer?
"Anong offer?" tanong ko kasabay ng pangungunot ng noo ko.
Pero hindi niya ako sinagot sa halip tinapik niya ng kamay sa bakanteng leather black couch sa tabi niya.
"Maupo ka muna, saka tayo mag-kwentuhan."
Kinakabahan man unti-unti rin akong lumapit sa kanya at marahan na naupo sa tabi niya habang nakasunod siya ng tingin sa akin nang dumako ang tingin niya sa yakap-yakap kong tray.
"P'wede mo nang bitiwan iyan." Natawa pa siya kaya napatingin ako sa yakap ko kaya ipinatong ko na muna sa lamesa.
Umayos ako ng upo, nakakailang ang ginagawa niyang paninitig.
"First time mo talaga ma-table?"
Obvious ba? Patago akong umirap.
"Kagaya ng nakikita niyo."
He chuckled. "Hindi ka rin suplada, may kasungitan ka rin."
"Pinaunlakan ko lang naman kayo dahil sinabi niyong tutumbasan niyo ang isang buwan kong sweldo," pranka kong sinabi.
Tumawa siya pero mahina lang at dinala sa bibig ang nguso ng baso at uminom muna ng matapang na alak.
Umisang linya ang itaas at ibaba ng labi niya dahil sa tapang nito at inilapag din ang baso sa lamesa habang ang magkabilang siko at braso nakatuon sa magkabilang hita niya.
"Oo, kahit dagdagan ko pa walang problema." Sobra naman ata ang pagka-galante niya.
"Baka puro lang kayo salita." Inunahan ko na kaya muling tumuon ang tingin niya sa akin at pagak akong tinawanan.
"I'm a man of my words, baby. Just name it, then I'll give it." He even winked at me kaya napaiwas ako ng tingin.
Tumikhim ako. "Dapat lang ho, dahil kayo lang ang lalaking pinaunlakan ko simula nang magtrabaho ako rito, isang taon na ang nakalilipas."
Bumakas naman ang pagkamangha sa mukha niya. "Ang swerte ko naman pala talaga."
Hindi ako umimik at tumuon lang ang tingin ko sa harap, hindi ko siya tiningnan pero ang sunod niyang tanong nakapagpatigil sa akin.
"Kailangan mo ba ng pera?" Nang tingnan ko siya, nakita kong sumeryoso ang mukha niya.
Nagtataka man ako bakit niya alam pero kahit oo kailangan ko, pinili kong umiling alam ko na itong iaalok niya.
"Alam ko na ho ito." Ibinalik ko ang tingin ko sa harap kung nasaan ang sentro ng ilaw sa lamesa.
"Sinasabi ko na nga ba, kayong mga lalaki iisa lang kayo ng pakay kapag kayo may nakursunadahang babae."
Patawa akong suminghal. "Uunahan ko na kayo, wala akong balak pumatol sa katulad niyong—
"Kahit pa ang kapalit, mapapagamot mo na Nanay mo sa mamahaling hospital at matutukan siya ng mabuti, mapag-aaral mo pa ang kapatid mo?"
Nanlaki bigla ang mata kong binalingan siya kasabay ng panginginit ng mata ko at panunubig. Kahinaan ko ang pamilya ko.
"P-Papaano mong—"
Natigilan ako nang dalin niya ang kamay niya sa pisngi ko at gamit ang tiklupan ng hintuturong daliri.
Walang pagaalinlangan niya pinalis ang luhang nagumpisa nang maglandas sa pisngi ko.
"Mabilis lang namang malaman lalo kapag interesado ka sa isang tao na alamin ang talang buhay niya at walang imposible kapag may pera ka."
Hindi ako naka-imik habang nanlalaki pa rin ang mga mata kong napatitig na lang sa kanya. Pinasundan niya 'ko?
"Simple lang naman ang alok ko." Ngimiti siya. "Aalisin ko lahat ng problema mo ako nang bahala, wala ka nang iintindihin."
Napalunok ako nang may mag-bara sa lalamunan ko. "T-Tapos ano? Anong kapalit? Ang katawan ko?" galit kong tanong.
Tumawa siya at tumingin sa harap at ibinalik din naman sa akin. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang pisngi ko.
"Well... yes." He chuckled. "Kahit sino naman lalaki, iyan ang gusto pero ako? MAS higit pa ang gusto kong makuha sa iyo."
Nagpuyos ang kalooban ko at pagalit kong tinabig ang kamay niya at padarag na tumayo. Masama ang tinging ibinigay ko sa kanya.
"Kahit pa gamitin mo ang pamilya ko para tuksuhin ako..." Umiling ako. "Hinding-hindi niyo mabibili ang dangal ko."
Tinalikuran ko na siya at aalis na pero napasinghap ko sa gulat nang hapitin niya ako bigla sa baywang ko gamit ang malakas niyang braso.
"ANONG GINAGAWA NIYO?!" Pilit kong inalis ang kamay niya pero sobrang lakas niya!
Napabalik niya nga ako sa pagkakaupo pero sa pagkakataong ito nakasandal na ako sa malabato niyang dibdib habang mula sa likuran yakap-yakap niya ako, ni-lock ako sa mga bisig niya.
Nawindang ako at halos lumuwa ang mga mata ko. "WALA ITO SA USAPAN ANG SABI NIYO USAP LANG—"
Pero tinawanan niya lang ako sa mismong tapat ng tainga ko kaya ang mga balahibo ko nagsitindigan.
"Ang isa sa mga ayoko... iyung hindi pa ako tapos magsalita nilalayasan na ako," bulong niya kasabay ng pagtama sa batok ko ng mainit pero mabango naman niyang hininga.
Pilit man ako umaalis sa pagkakayakap niya hindi ko magawa dahil parang inuubos niya ang lakas ko, hindi ako makapalag habang hawak ko ang braso niyang nasa tiyan ko.
"Sir, binabalaan ko kayo bitiwan niyo 'ko—"
"Bakit, anong gagawin mo?" hamon niya buhat ng mapaglarong tono. "Pipilipitin mo rin ba braso ko?" Tumawa siya kaya napatiim bagang ako.
"Well... my very hard to get, little kitten," he whispered and chuckled. "Sa ating dalawa... nasisiguro ko ikaw ang mamimilipit."