CHAPTER FOUR

1567 Words
Victoria's POV Pumikit ako at kumalma saka nagmulat. "Bitaw," seryosong utos ko at tumingin sa kawalan. Unti-unti niya na rin akong binitawan at agad akong tumayo, nakatalikod ako sa kanya habang nagpupuyos ang loob at tiningnan ko siya nang mukha lang ang nakabaling. Malamig at natural na matalim ko siyang tiningnan at katulad kanina pagkamangha ang makikita sa mukha niya. "Sa susunod na hawakan niyo 'ko, kahit gaano pa kayo kalaking tao hindi ko kayo sasantuhin," matatas kong banta habang naaaliw lang siyang pinagmamasdan ako. "Alright, sorry... hindi ako tumupad sa usapang hindi kita hahawakan... pasensya ka na pero wala ako pinagsisisihan." Ngumisi siya at kumuha ng wallet sa likod ng bulsa. Binuklat at nagbilang ng asul-asul na malulutong na papel. Hindi ko mapigilan mapakurap at masilaw habang nagbibilang siyang parang baryang-barya lang sa kanya ang mga iyon. Umabot ng bente mil ang inilabas niya at ibinalik na rin sa bulsa niya ang wallet niya sabay inabot sa akin ang twenty thousand pesos... Hindi ko agad kinuha, nakatitig lang ako rito na may pagaalinlangan at mga agam-agam. "Here, like what I've promised." Sobra ang ibinibigay niya dahil hindi naman umaabot ng bente mil ang sahod ko rito. "Sobra," puna ko. "Sinobrahan ko talaga kaya tanggapin mo na at h'wag ang hindi dahil hindi ko gusto kapag tinatanggihan ako." Sumeryoso ang mukha niya at tumalim ang mga mata sa akin. Ang lalaking ito... Tinanggap ko hindi dahil takot ako kundi dahil wala na akong pagpipilian kailangan kong makalikom ng agarang pera para sa treatment ni Nanay. Napalunok ako at bahagya nanginig ang kamay ko habang papalapit sa pera para sana kunin ko na pero nagulat ako nang iiwas niya bigla sabay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya! Nanlaki ang mata ko sa pagkawindang. "Anong—" "Shh." Inilagay niya ang hintuturong daliri niya sa gitna ng mga labi ko habang namimilog ang mga mata ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin, mata sa mata, ilong sa ilong at bibig sa bibig nang magsalita siya. "Bakit ang ganda mo..." bulong niya sa harap ng mukha ko habang yakap ang baywang ko paikot sa tiyan ko at tahasan hinawakan din ang mukha ko. "Parang ayoko pang umuwi dahil sa oras na umalis ako mawawaglit ako sa iyo. Kung iuwi na lang kaya kita?" Ngumisi siya na lalong ikina-alarma ko. Bakit hindi ka napalag, Victoria?! Sampalin mo o kaya sakalin mo! Pero hindi talaga ako makagalaw, sinubukan ko naman makaalis sa kandungan niya pero masiyado siyang malakas... Napatiim bagang na lang ako. "Marami nang nagtangka pero wala ni isa ang nagtagumpay makuha ako kaya h'wag na kayong umasa kahit pa anong dami ng pera niyo!" Pero tinawanan niya lang ako at bumalik sa pagiging seryoso. "Malay mo... ako na ang taong mapagtatagumpayan ka." Asa ka pa, hindi kita tipo! Gusto ko isigaw sa mukha niya pero pinili kong h'wag at baka magbago ang isip niya ibigay sa akin ang bayad. "Ibibigay niyo ba sa akin ang pera o hindi?" tanong ko na lang dahil wala na akong panahon pa sa mga kalokohan niya. Tumawa na lang siya at hawak pa rin ang pera sa kabilang kamay at itinapat sa akin. "Of course, you have my word, so here," he handed me the money. Wala nang pagkukuli kong pahablot na kinuha at agad na tumayo na mula sa kandungan niya habang nangingiti siyang pinapanuod ako na ilagay sa bulsa ko. "Salamat dito pero h'wag na rin sana tayong magkita pa ulit!" Umirap ako at pagalit nang kinuha ang tray pero bago ako tuluyang umalis nagsalita siya ulit. "No, we'll surely meet again." He chuckled. Napa-iling na lang ako at hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at walang lingon-lingon na umalis sa lamesang iyon. Tinanong ako ng mga kasama ko kung saan ako galing kung bakit ang tagal ko pero hindi ko sinabi ang totoo at nag-take ako sandali ng break. Pagkapasok ko ng locker room napaupo na lang ako sa mahaba naming bench sapo ko ang noo ko habang iniisip-isip ko ang ginawa ko. Nang dahil sa pera, Victoria... nang dahil sa pera... nakipag-table ka na, hinayaan mo pa hawak-hawakan, at yakap-yakapin ka. Hilaw akong tumawa pero dismayado sa sarili at pasandal na tumingala sa kisame. Kinuha ko ang pera sa likod ng bulsa ng palda ko at saka ko itinaas para tingnan sa tapat ng nakakasilaw na ilaw. "Dibali, para sa iyo ito Nay... hindi man galing sa malinis na paraan pagpasensyahan niyo na ako." Ngumiti ako nang mukha nila ang maalala ko. Tumayo ako at nag-tungo sa locker ko, inilagay ko na ang pera ko sa wallet at siniguradong safe at ni-lock ulit. Pilit kong tinapos ang magdamag kong duty kahit wala ako sa kundisyon dahil bukod sa nakakainis na epekto ng lalaking iyon, masama rin ang pakiramdam ko. "Maputla ka, huy!" puna ni Ryan sa akin. "Mag-early out ka na kota ka naman na." "Kulang kayo sa tao hindi p'wede—" "Sige na, kami na bahala tutal last day mo na rin lang at bukas na ang bago mong trabaho ipahinga mo na iyan." Nilibot ko ng tingin ang mga kasamahan ko na ngumiti lang sa akin, sabay-sabay pa nag-thumbs up. Nakakahabag lang na dahil sa loob ng isang taon samahan namin napakisamahan nila ako kahit madalas may sarili akong mundo pero naunawaan nila at bibihira ka lang makakita ng mga ganitong tao. "Maraming salamat sa inyo." Nag-bow ako sa harapan nilang lahat nang nandito kami sa locker room at isa-isa nila akong niyakap at kahit ang manager namin na si Tita Grace kung tawagin, malungkot na nagpaalam sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko habang nakangiti. "Mabuti lang ang naging desisyon mo na umalis dito dahil may mas maganda pang kapalaran na naghihintay sa iyo." Tumango ako. "Sana nga ho." Doon ay niyakap ako ulit ng mga taong naging malapit na rin sa akin, mga taong tumulong sa akin magkaroon ng maraming raket kaya hindi ko sila makakalimutan. Hinatid na ako sa labas ng mga kasamahan ko, mula rito sa club kaya naman lakarin ang sa amin iyon nga lang ito ang unang beses ko uuwi ng ganito pa kadilim. "Mag-iingat ka, ha! Mag-commute ka na, delikado maglakad at alas-kwatro pa lang ng madaling araw," si Ben. "Meron naman nadaang jeep diyan, abang ka lang kapag may nambastos sa iyo alam mo na gagawin mo, bayagan mo agad!" si Ryan kaya nagtawanan kami. Mga sira talaga. "Salamat ulit, sige na pumasok na kayo sa loob wala nang barista at waiter doon baka mapagalitan kayo." Nagpaalam na nga rin sila pero bago sila bumalik sa loob, si Ryan may sinabi pa na ikinatawa namin. "Pagbalik mo gusto namin Donya ka na!" Nagtawanan kami hanggang makapasok na nga sila sa loob at unti-unti nawala ang tawa ko. Donya? Baka sa panaginip. Tumalikod na ako sa harap ng club na pinagsilbihan ko ng isang taon at tumuon ako sa highway nag-abang ako ng jeep na masasakyan pauwi pero napatalon ako sa gulat nang may mag-beep sa gilid ko at inilawan ako ng pagkaliwanag! Nasilaw ako kaya napapikit at ginawa kong panalag sa mata ang kamay ko habang sinisino ang may-ari ng sasakyan. In-off din niya ang nakakasilaw na ilaw pero ganoon na lang ang gulat ko nang lumabas ang lalaki sa driver's seat... at nakitang si balbas sarado na naman! Napaawang ang bibig ko habang papalapit siya na tanging poste lang ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa paligid. "Bakit na naman ho— "Sumakay ka na, ihahatid na kita." Mariin naman ako napapikit at nasapo na lang ang noo ko at pagak na natawa saka umiling. "Tapos na ho ang trabaho ko sa pagiging waitress—" Hindi na naman niya ako pinatapos magsalita. "I know that this is your last day, so hop in, delikado umuwi nang mag-isa ka lang at baka iba pa ang makinabang sa iyo." Hindi ko alam kung tatawa na ba ako o maguumpisa nang mabugnot sa lalaking ito... "Hindi ba mas delikado kung sa inyo ako sasama?" patawa kong pambabara. "Di ako tiwala sa pagmumukha niyo mas mukha pa nga kayong hindi gagawa ng maganda." Muka siyang nainsulto pero dinaan niya lang ako sa tawa. "Mabalbas lang naman ako, but trust me mabuti akong tao." Sa pagkakataong ito tumawa na nga ako, natural na tawa para bang alam na alam niya ang nasa isip ko at ayaw ko sa isang lalaki, iyung mabuhok. "Mabuti ka na kung mabuti, Sir. Pero hindi niyo ako mapapasakay sa—ah!" Napatili ako nang bigla niya ako buhatin pa-bridal style kaya nagpapadyak ako! "IBABA MO AKO! MARUMING MANYAKIS!" nagtitili ako at sinigawan ko na siya pero nagawa niya pa rin ako maisakay sa front passenger seat ng sasakyan niya! "Kidnapping ito! Bwisit ka pababain mo ako! Tulong!" Sinubukan ko ilabas ang ulo ko sa bintana pero walang pumapansin sa 'kin! At narinig ko pa. "Yaan mo iyan pare, ayaw mag-jowa lang iyan." Nawindang ako. Away mag-jowa hindi ko nga kilala itong hayup na ito! Nagulat pa ako nang hawakan niya ang ulo ko at itinulak ako papaloob at itinaas ang bintana gamit ang car remote keys niya! Napaawang na lang ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siyang sumakay na sa driver's seat habang tatawa-tawa sa akin. "Please, do wear your seatbelt tightly because this will be your long ride..." He chuckled and winked at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD