Victoria's POV
Napabalikwas ako ng upo nang mapansing hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin kaya binalingan ko siya.
"Hindi ito ang daan pauwi sa amin!" Pinanlakihan ko siya ng mata hindi ko na nagugustuhan itong ginagawa niya. "Ibaba mo ako ngayon din inuutusan kita!" Tumaas na ang boses ko.
Nagpupuyos ang dibdib ko kasabay na halong pagpa-panic at halo-halo na ang masasamang napasok sa isip ko na p'wede niyang gawin sa akin.
Sinulyapan niya lang ako at ibinalik din niya ang tingin sa daan. "Relax, I won't hurt you, r*pe you nor murder you. Gusto lang kitang dalhin bahay na tuluyan ko pansamantala dahil may gusto akong pagusapan natin."
"Tanungin mo muna ako kung gusto ko bang sumama! Kidnapping itong ginagawa mo sa akin ermitanyo! IBABA MO AKO!!" hiyaw ko nagpapadyak na ko at sa galit ko sinabunutan ko siya.
"Aray! Mababangga tayo!" saway niya sa akin at nagpa-gaywang-gaywang na nga ang kotse.
Hindi pa ako nakuntento nang hilahin ko rin ang balbas niya kaya ulo at pati baba niya'y sinabunutan ko.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ako binababa!!" Hila ko pa ang buhok niya at pareho kaming nagpambuno dito.
"Wala tayong dapat pagusapan dahil tinanggihan na kita, hindi ba?!" saad ko pa habang nanlalaki ang mga mata, hysterical na ako.
"MABABANGGA TAYO!" bulyaw niya na may pagdaing dahil mula anit, hila-hila ko ang buhok niya kaya nababali na leeg niya.
Pero mas hinigpitan ko ang pagkakasabunot at naka-porma na ako na handa na babaliin leeg niya.
"Kaya ihinto mo ito o babaliin ko leeg mo!!"
Agad-agad iginilid niya ang sasakyan nang walang pagdadalawang isip kaya nang itigil niya agad ko siyang sinipa sa tiyan pero ako ang nasaktan sa tigas hindi man lang niya ininda pero nagpumiglas pa rin ako.
Pilit kong binubuksan ang pinto pero naka-lock ito at narinig ko siyang tumawa na ikinatigil ko kaya hinihingal akong galit siyang tiningnan habang nanlilisik ang mga mata ko.
Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at idiniin sa salamin ng bintana, pasalya niya akong isinandal doon na ikina-igik ko kasabay ng pagsinghap.
Masakit.
Nakangisi siyang pinagmasdan ang nangangalit kong mukha habang habol hininga sa ginawa kong panlalaban, pilit kong inalis ang kamay niya sa akin pero unti-unti akong nawawalan ng lakas.
Ngayon lang ako nanghina ng ganito.
"Ano, napagod ka na?" Tumawa siya habang nanunukso at nakalapit ang mukha sa akin.
"Ang sakit no'n ah kamuntikan pa tayong mabangga, pilya ka but I like it." Tinawanan pa niya ang ginawa kong pananabunot sa kanya.
"But well, baby... I want you to know that no matter how much you refused me, I will still come after you," he whispered possessively and the menthol scent of his mouth went to my nostrils.
Nanlaki pa ang mga mata ko habang papalapit ang labi niya sa akin, pero hindi niya naman inilapat, tanging mga ilong lang namin ang pinagdikit niya habang titig sa mga mata ko.
Doon na ako napaiyak dahil nagagawa niya ipamukha sa akin na mahinang babae lang ako at walang laban sa lalaking tulad niya.
"Why are you crying, hmm?" he sounds like he's teasing me. "Napagtanto mo na ba na kahit anong panlalaban mo kapag natipuhan ka ng lalaking tulad ko, wala ka nang magagawa?"
"Please..." Sa kauna-unahang beses nakiusap ako sa isang tao pero iyon ay para pakawalan ako.
"May pamilya ako sa bahay na kailangan ko uwian kung ano man gusto mo sa akin hindi ko maibibigay—" Napahinghap ako nang bigla niyang hawakan ang hita ko na patungong pundyo ko.
"Maibibigay mo..." saad niya na at siya nang nagdesisyon para sa akin. "Simple lang ang gusto ko, Victoria... ikaw."
Hibang na ang lalaking ito.
"Hindi ganoon kasimple ang hinihingi mo! Dangal ko ang gusto mong bilhin na hindi ko kayang ibigay!" sigaw ko at gustong-gusto ko tabigin ang kamay niya pero hawak niya pa rin ako kahit isang kamay niya lang ang gamit na nagsilbing posas ko.
"And about your family, ayaw mo bang guminhawa ang buhay nila?" Ginamit na niya ang kahinaan ko kaya lalo lang akong napaluha.
Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Sino bang may ayaw? Pero hindi naman sa ganitong paraan...
"This is a one time offer, Victoria and take it or take it..." He grinned and chuckled like taking nor accepting it is the only option and I have nothing to do with it.
"Bibigyan kita ng isang araw na palugid, o sige ganito kahit dalawang araw na baka naman sabihin mo ang lupit ko sa iyo" Nginisihan niya ako.
"Sa loob ng dalawang araw na iyon, kapag hindi ka pa nakapagdesisyon..." Mula sa hita ko inilipat niya ang kamay niya sa labi ko at hinawakan ng hinlalaki.
"Pasensyahan tayo, pwersahan na kung pwersahan kukunin kita sa paraan gusto ko," matatas niyang sinabi habang matalas ang mga matang binitiwan na ako.
Napatulala na lang ako at napaluha dahil sa dami ng lalaki nakasalamuha ko na ginusto ako siya lang ang ganito ka-agresibo...
Hindi na siya nagsalita pa nagmaneho na siya at nagmani-obra ng sasakyan, iniliko niya pabalik at daan na ito papunta sa bahay namin.
Walang salitang namutawi sa akin hanggang itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng tindahan may eskinita papasok sa bahay namin, dito na lang dahil hindi naman kasya ang sasakyan niya sa loob.
Tiim bagang na lang akong bumalik sa pinto ng sasakyan at pipihitin ko na sana nang bigla niya akong hinawakan sa batok at kinabig kasabay ng paghapit niya rin sa baywang ko kaya at napilitan humarap sa kanya.
Pinatigas ko ang ekspresyon ng mukha ko habang natural na nakangiti ang mukha niyang tinititigan muna ako bago niya pababain.
Napasinghap pa ako sa sunod niyang ginawa nang bumaba ang mukha niya sa leeg ko at ginawaran ako ng halik doon na ikinapuyos ng kalooban ko pero ayoko na magsayang ng lakas kaya hindi na ako nanlaban pa.
Itinapat niya ang bibig sa tainga ko habang hawak pa rin ang baywang at batok ko na ikina-igik ko dahil sinadya niya higpitan at saka siya bumulong.
"Ang sinabi ko, h'wag mo kalilimutan... may dalawang araw ka lang para magdesisyon h'wag mo na hayaang humantong pa tayo sa dahas maniwala ka sa akin hinding-hindi mo iyon magugustuhan."