CHAPTER SIX

1483 Words
Victoria's POV "Tulala ka diyan, Ate!" pukaw sa akin ni Kairo na ikinapitlag ko kaya napatingala ako sa kapatid kong nagtataka ang mukha. Nasa lamesa kami kinatanghalian siya na ang nagluto ng pagkain namin at kagigising ko lang habang si Nanay nasa salas nanunuod ng television. Linggo ngayon kaya walang pasok si bunso, wala rin ako sa wisyo para magkikilos dahil lang naman sa lalaking madungis na iyon. Umiling ako at ngumiti. "Kagigising ko lang at pagod din ako," rason ko pero kahit naman pagod nakakakilos ako ngayon lang hindi. "Ganu'n ba, Ate... eh sino raw iyung naghatid sa iyong naka-kotse kaninong madaling araw? Nakita ka ng kapatidbahay—" Mabilis pa sa alas-kwatro tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mata batid ng tingin kong hinaan ang boses at sumenyas akong baka marinig ni Nanay. Masunurin naman ito at tumango inalis ko ang kamay ko at naupo siya sa tabi ko para mang-usisa. "Sino nga iyon, Ate?" pabulong niya nang tanong kaya nasapo ko na lang ang noo ko. Wala talagang ligtas sa mga chismosang kapitbahay. "Boyfriend mo?" hirit pa nito. Nanlalambot na lang akong napasandal sa kinauupuan ko at tiningnan ko si Kairo na naghihintay ng sagot ko. Umiling ako. "Hindi, nagmagandang loob lang na ihatid ako at madilim sa daan kaya nag-offer ihatid ako." Iyon lang wala na kaduksong pa at tumayo na ako. "Iyung totoo ano mo iyon—" "Walang boyfriend si Ate, Kairo. Kayo lang ni Nanay ang priority ko sa dami ng nanligaw sa akin may nakita ka bang sinagot ko?" Tumahimik siya. "Wala, hindi ba?" Tumaas ang dalawa kong kilay. "Kaya h'wag ka nang nagtatanong at hayaan mo lang iyang mga chismosang kapitbahay natin." Umalis na ako sa harapan niya at inutusan ko na siyang maghain na at pinuntahan ko si Nanay na tahimik lang tutok sa pinapanuod pero mukang wala roon ang isip niya. "Nay..." Tumabi ako sa kanya kaya dumako siya sa akin at napangiti nang lumapit ako. Hagod niya agad ang buhok ko. "Ipahinga mo na muna ang araw na ito h'wag ka na muna pumasok sa bago mong trabaho." "Bukas na ho talaga ang umpisa ko, Nay. na-adjust sabi ni Manang Sonia dumaan dito kanina dahil may inasikaso raw ang may-ari ng bahay wala siya sa araw na ito at bukas daw ang dating gusto ako personal na makita." Ngumiti ako. Inihilig ako ang ulo ko sa balikat niya. "Pero hindi p'wedeng magpahinga, Nay... mamaya may raket ako magbebenta naman ng mga beauty products." Napahiniksik ito at napaawa sa akin. "Kailan ka pa ba huling nagpahinga, 'nak?" Nakasilip siya sa mukha ko. "Pahinga? Hindi ho uso iyon." Dinaan ko lang sa tawa pero ang totoo napapagod na rin ako pero wala sa bokabularyo ko ang uminda. "Wala nang pahi-pahinga pagdating sa trabaho magpapahinga pa," dagdag ko pa habang tatawa-tawa kaya nahampas niya ako sa balikat. "Baka ikaw naman ang magkasakit niyan," pagalit niya pero umalis ako sa balikat niya at hinawakan ang kamay niya. "Malabo ho iyan mangyari." Ngumiti ako at tumayo na. "Maliligo na ho ako at may raket pa ako." Akmang aalis na ako sa salas at papasok na ng kwarto ko nang magsalita siya ulit na ikinatigil ko. "Salamat anak, sa lahat ng sakripisyo mo sa amin ng kapatid mo..." Nabasag ang boses niya pero huminga lang ako ng malalim. Ayoko nang lumingon at mahahabag lang ako kapag titingnan ko siya at ayoko nang pareho pa kaming umiyak. Tumango lang ako. "Wala ho iyon, gusto ko itong ginagawa ko kaya h'wag niyo na ako inaalala pa." Ngumiti ako nang sulyapan ko siya at pumasok na nga ako ng kwarto ko. Naupo ako sa kama at huminga ng malalim sandaling tumingin ako sa kawalan, nagpalakas ng loob at tumayo na rin ulit at kinuha ko na ang tuwalya lumabas ng kwarto at pumasok ng banyo. Mabilisang ligo at bihis ang ginawa ko suot ng tight jeans at disenteng blusa suot din ng isang pares ng low cut na puting sapatos. Nag-lagay lang ng kaunting kolorete sa mukha saka pinatuyo ang buhok ko sa electric fan, nag-ipit ng semi bun at kinuha ko na ang bag ko. Nang lumabas ako ng kwarto wala na si Nanay sa salas nasa hapag kainan na at nakita ko si Kairo inaasikaso ito. Sumabay ako sa kanila sa pagkain at nagpaalam na rin agad sa kanila nang mauna akong matapos kumain. "Ingat ka, 'nak." "Ingat, Ate." Kinindatan pa ako ng kapatid ko nang palihim kaya napataas na lang ang isa kong kilay lokong ito h'wag niya lang mabanggit talaga kay Nanay. Inirapan ko siya pero binilinan na h'wag iiwan si Nanay tutal wala naman siyang pasok, at gabi na ang uwi ko nito. Pumara ako ng trysikel sa may kanto sinabi kong ibaba ako sa Care Skin Essentials diyan sa may bayan, nagbayad na ako at bumaba na rin sinalubong ako agad ni Charlotte na on the go nandiyan tuwing kailangan ng pagkakakitaan. Tinalo ako sa koneksyon ng babaeng ito. "Tori!" Tuwa siyang inangkla ang kamay sa braso ko. " "Salamat Charlotte, hindi ko alam bukas pa umpisa ko, na-adjust. Buti may available pa na extrang trabaho sa iyo." "Naku! Alam mo naman ako isang tawag mo lang. Kaya halika na sa loob kapag ikaw ang live seller palaging sold out eh." Tumawa siya kaya natawa na lang din ako. Puro beauty products ang mga bini-benta rito, naka-set up na rin at seller na lang talaga ang hinihintay na humarap sa camera at mag-benta sa isang sikat na online selling platform. Ginugol ko ang oras ko maghapon sa pagbebenta, kung anong hinahon ko sa likod ng trabahong ito siya namang ingay ko sa harap ng camera. Kaya napapabili agad ang mga customer viewers kaya tuwang-tuwa rin sa akin ang may-ari na pinsan ni Charlotte. Kaya sa tuwa nito ay dinagdagan ang commissions ko nang matapos ko ang anim na oras na pagbebenta. Na-sold out ko ang ilang sikat nilang mga products kaya generous din ang aking commission na natanggap. "Apaka-galing talaga nitong si Tori! Kapag ito ang seller ko ubos kung ubos eh! Gawin na kaya kitang regular?" Biro ni Ate Bianca na may-ari nitong shop. Natawa kami pero umiling lang ako. "Pasensya na, tatanggihan ko ho at may trabaho na ho naghihintay sa akin. Kapag may extra time ako, at open kayo e-extra pa rin naman ako sa inyo." Ngumiti naman ito sa akin. "Naiintindihan ko, kung saan mas malaki kita doon ka dapat at welcome ka naman dito anytime, magsabi ka lang bukas ang pinto." Niyakap ako nito at nagpaalam na rin ako at nagpasalamat sa kanila lalo na rito kay Charlotte na inihatid na ako sa labas ng shop at gabi na may pasok din siya sa club kaya sabay na kaming uuwi pero magka-ibang destinasyon kami. "Mag-iingat ka, salamat sa parating pagtulong, Charlotte." Niyakap ko siya at tinapik naman niya ang likod ko at hinagod. "Wala iyon. Ingat ka rin, ha!" Siya na ang unang kumalas ng yakap. "Oh may jeep na, uuna na ako sa iyo at baka ma-late ako! Bye na girl!" Pinara niya agad ang jeep na tumigil din naman agad sabay nag-flying kiss pa bago sumakay kaya natawa na lang akong kinawayan siya at dali-dali na siyang sumakay kinawayan din ako hanggang nakaalis na. Ako naman ang nag-abang ng masasakyan, pero wala pa ako isang minuto naghihintay rito nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ko... sasakyan ni balbas sarado! Agad nanlaki ang mga mata ko at unti-unti napaatras, pumorma akong tatakbo pero mabilis na nagbukas ang sasakyan at bumaba ang barbaro. "H'wag mo na subukang tumakbo," banta niya kaya para akong na-stiff habang nakatalikod mula sa magara niyang sasakyan. "Hindi ka rin naman makakatakas." Mariin akong napapikit at napatiim bagang unti-unti ko siyang nilingon ng naninigas kong leeg. "Sakay," utos niya. "Ayoko," pagmamatigas ko. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. "H'wag mo nang daanin pa sa pahirapan, Victoria... kung ayaw mong buhatin pa kita ulit at ako mismomg magsakay sa iyo dito." "AYOKO NGA SABI BAKIT BA—" Nanlaki ulit ang mata ko nang mabilis siyang nakahakbang papunta sa akin pero bago pa siya makalapit napa-oo na ako! "OO NA, SIGE NA SASAKAY NA!!" Sa takot kong buhatin niya ako ulit napilitan na ako paunlakan siya kaya napatawa na nga siya at naaaliw na tiningnan ako. Lumapit siya sa pinto ng front passenger seat at pinagbuksan ako. "Akala ko gusto mo pa sa paraang sapilitan. Sakay." Galit ko siyang tiningnan at mabibigat ang bawat hakbang kong lumapit sa sasakyan niya at napilitan na ngang sumakay sabay sara niya agad ng pinto at naka-automatic lock na. Pinalipat-lipat ko ang dila ko sa loob ng magkabilang pisngi ko at pikon ko siyang sinundan ng tingin sa labas pasakay na sa driver's seat. Ano na namang kailangan niya sa akin ngayon? Akala ko ba may dalawang araw na palugid siyang ibinigay sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD