Victoria's POV
"Sandali, ito pa!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Apollo habang isa-isa nila ipinapasok ang mga kahon-kahon at naglalakihang mga paper bag sa eskinita papasok sa amin.
Ang mga kapitbahay nagkakanda-lawit ang mga leeg at ang mata nagkakanda-dulat habang ako halos malaglag ang panga, kung bakit at para saan ang mga ito?!
Inihatid niya ako pauwi rito sa amin pero may dalawang sasakyan nakabuntot na naglalaman ng mga shopping bags, hula kong ang laman naman ng mga box mga groceries.
Nanlalaki ang mata ko siyang binalingan habang narito kami sa gilid ng sasakyan niya sa labas pinapanuod ang mga tauhan niya na maingat ipinapasok sa eskinita ang naglalakihang dala-dala.
"Anong ibig sabihin nito? Bakit may pa-ganito??" Doon na sumiwalat ang katanungan ko at binalingan ko siya pero tiningnan niya lang ako.
Tumaas ang dalawa niyang kilay ngumiti. "Isipin mo na lang, kawang gawa at may malasakit ako sa pamilya mo kaya matatanggap nila lahat ng iyan."
Pero hindi naman iyon ang nakikita ko...kundi suhol.
Napakurap ako kasabay ng pag-tiim bagang pero nauna na siyang maglakad papasok ng eskinita namin kaya nabigla ako at awat ko siya sa braso.
"Saan ka pupunta??" Namilog ang mga mata ko sa kaba na magpapakita siya sa Nanay at kapatid ko.
"Sa bahay niyo," tipid niyang sagot.
Nawindang ako. "Hindi ka p'wede ro'n!"
"At bakit?" Umarko ang isa niyang kilay. "Siguro may boyfriend ka talaga takot ka bang makita ko—"
"WALA AKONG BOYFRIEND!" mariin kong sigaw na lihim niyang ikinangisi at hindi ko siya pinatapos magsalita.
Lumapit ako sa kanya para bumulong habang nangangalit ang mata.
"Mabibigla sila kapag nakakita ng lalaking mayaman na kasama ko pauwi sa bahay... magiisip sila ng hindi maganda sa akin!"
"Isipin na nila ang iisipin nila but I'm here to help." At nauna na nga siyang maglakad papasok sa eskinita at iniwan akong nakaawang ang bibig.
Pero bago ako sumunod nakarinig ako ng mga bulung-bulungan na normal naman sa isang barong-barong na katulad ng lugar na ito.
"Nakabingwit ng mayaman."
"Balita ko malala na sakit ni Marietta, Nanay niyan, baka kaya kumapit na sa patalim at hindi sapat ang raket at trabaho sa club."
"Nag-benta na ng puri."
"Sinabi mo pa."
"Para makaahon sa kahirapan."
Narinig ko pa silang nagtawanan kaya nakaramdam ako ng galit at tiim bagang ko binalingan ang mga nagsalita no'n na agad nagsi-tahimik at nagsi-tikom ang mga bibig.
Hindi ko na sila pinansin pa at sumunod na nga ako kay Apollo papasok sa loob, nauna na siyang pumasok sa bahay namin na parang kanya ba.
At kagaya nga ng inaasahan ko, gulantang at windang na windang ang pamilya kong makitang puno ang loob ng bahay namin katatapos lang ipasok lahat ng dala ni Apollo...
"Anak..." Nanlalaki ang mga mata ni Nanay na tiningnan ako. "Ano ang mga ito? At sino siya?" Itunuro niya ang lalaking katabi ko na nakangiti sa kanila.
Pero kusa nang nagpakilala ang lalaki. "Magandang gabi ho, ako ho si Apollo."
Lumapit siya sa Nanay ko at nagulat ako nang marunong naman itong mag-mano at nanatiling hawak niya ang kamay ng Nanay ko hinarap ito at kinausap.
"Pasensya na ho kung ito lang ang nadala ko, hayaan niyo sa susunod mas dadamihan ko pa."
Sabay-sabay naman kaming mga nagsi-bilog ang mga mata. Ito lang? Ni-la-lang niya lang ang mga ito?!
Nagbukas-sara ang bibig ni Nanay at ang kapatid ko napatingin lang sa akin habang kunot ang noo at sinasabi naman ng tingin kong wala akong kinalaman dito!
Hindi naman nila maupuhap ang sasabihin dahil sa tahasang lalaking ito na bigla-bigla na lang naglalakas loob magpunta rito sa bahay namin nang walang permiso ko.
"Sandali, ginoo. Nabibigla kami, kakausapin ko lang itong anak ko ha, sandali at maupo ka muna diyan." Iginaya niya ang lalaking maupo at naupo naman habang ang kapatid ko nakatingin lang dito.
Lumapit sa akin si Nanay at hinawakan ako sa braso at bahagya kaming lumayo.
"Ano ito, Victoria? Bakit hindi mo sinasabi na may manliligaw ka pala nang hindi naman kami nabibigla, anak," bulong niya na nabibigla pa rin.
Nasapo ko na lang ang noo ko at umiling. "Kahit ho ako Nay... hindi ko naman ho iyan personal na kilala!" Nanlalaki ang mata kong paliwanag.
"Customer lang ho ng club iyan, nakilala niya ako nang mag-serve ako sa grupo niya tapos no'n hindi na niya ho ako tinigilan. Sunod na ho nang sunod kahit saan ako magpunta," maktol ko.
"Type mo rin ba?"
Lalong nanlaki ang mata ko. "Hindi ho! Tingnan niyo naman ang itsura niya? May taste naman ako Nay." Sabay irap at siyang tawa naman ni Nanay.
"Ikaw talaga... h'wag ka muna magsalita ng tapos at baka mamaya kung sino pang ayaw mo ito pa ang mapunta sa iyo, ikaw rin," may panunukso niyang payo pero kinilabutan lang ako.
Umiling ako at hilaw na natawa. "Malabo ho iyang mangyari." Pero si Nanay binigyan lang ako ng makahulugang ngiti.
At napilitan na kaming harapin ang bisita, pinakatunguhan niya ng maayos itong si Apollo na naabutan ko na lang biglang ku-kwentuhan na ang kapatid kong kuhang-kuha niya agad ang loob.
Inutusan ni Nanay si Kairo na maghain para sa bisita, dito na nila pinaghapunan ito pero hindi pa nakuntento rito si Apollo.
Tinawag niya ang isang tauhan niyang nasa labas lang ng bahay namin nagpa-order pa ng pagkain dahil alangan ang nakahain.
"Grabe ang dami! Ngayon lang ako makakain ng ganito—" Natampal ko sa kamay si Kairo at pinandulatan batid kong umayos siya ng kilos.
"It's okay, let him be expressive," saway naman sa akin ni Apollo sa pagiging istrikta ko habang nakaupo kami sa hapagkainan at magkakaharap.
Magkatabi sina Nanay at Kairo, kami naman ni Apollo, pero tinaasan ko lang siya ng isang kilay.
"Ayoko lang magmuka silang sabik sa mga bagay na ibinigay mo kahit simple lang kami," tapat kong sagot kaya natahimik na ang kapatid ko.
"Why don't you appreciate my kindness?" he asked in front of them. "Buti pa sila galak at tuwa pero ikaw." Suminghal siya. "Look at you, you're not appreciative."
"Wala naman kasing kasiya-saya rito!" Pagalit akong tumayo. "Saka anong kindness??" Tumaas na ng tuluyan ang boses ko.
"Ang sabihin mo may gusto ka lang makuha! Hindi mo ito gagawin kung wala kang gusto na kapalit pati pamilya ko dinadamay mo—"
"Victoria, 'nak," tawag sa akin ni Nanay kaya natigilan ako nang balingan ko siya umiling siya sa akin batid na tumigil ako.
"Bisita iyan kahit pa anong sadya niya tao siyang pumasok sa tahanan natin kaya tao rin dapat natin siyang pakitinguhan."
"Pero Nay—"
Muli akong natigilan nang tumayo na si Apollo kaya lahat kami napatingin sa kanya at ang sinabi niya ang nagpawindang sa 'kin pati na rin sa kanila.
"Hindi na ho ako magpaligoy-ligoy pa." Sumeryoso ang mukha niya.
"Nasisiguro ko alam niyo na ang tunay na pakay ko sa anak niyo at hindi ho ako magpapaka-ipokrito, totoong may gusto akong makuha," rekta niyang pagtatapat.
Napatulala na lang ako at ang kapatid ko pero si Nanay hindi nagbigay reaksyon sa halip ay binigyan pa ito ng pagkakataong sabihin ang gustong sabihin sa amin.
"Ganoon naman ho ang lalaki, hindi ho ba? Kapag nakagusto ay handang ibigay o ialay ang lahat ng meron siya kapalit ng babaeng gusto niya."
Tapatan kung tapatan wala man lang siyang agam-agam sa katawan at nagpamulsa siya at ang isa niya namang kamay hinimas niya sa kanyang babang may balbas.
"Alam ko masiyado ho akong agresibo, mabilis o sabihin na nating tahasan din." Pagak pa siyang natawa. "Pero pasensya na ho, iba talaga ang tama ng anak niyo sa akin, may kakaiba."
Napangiti naman si Nanay at binigyan ako ni Kairo ng nanunuksong ngisi kaya inambahan ko siyang umayos at h'wag padadala sa matatamis na salita ng lalaking ito.
Natawa rin si Nanay. "Siya... sige tutal ako'y matanda na rin lang anumang oras mawala man ako sa mundong ito makita ko man lang mahalin at pahalagan ang anak ko, kung seryoso ka man diyan, hijo."
"Nay..." Nahabag ako bigla. "H'wag nga kayong nagsasalita ng ganiyan!" pagalit ko pero hindi niya ako pinansin, tuon lang siya sa lalaking ngayon ay seryoso na.
"Binibigyan kita ng permisong ligawan ang dalaga namin hindi dahil base sa materyal na kaya mo ibigay sa kanya kundi babase ako kung puro nga ang intensyon mo sa kanya."
"Nay! H'wag niyo siyang—"
"Pero ano't ano pa man anak ko ang madedesisyon niyan." Natigilan ako. "Hindi namin masasabi ang pursyento ng panalo mo dahil hindi naman kami si Victoria."
Unti-unti nagalak ang puso ko. Akala ko nasilaw sila agad sa materyal masiyado akong nag-isip.
"Kaya pag-igihan mo na lang, tingnan na lang natin kung magagawa mo palambutin ang matigas pa sa yelong puso niyan." May hamon doon at pagak pang natawa si Nanay.
Kilala talaga ako ng mahal kong ina.
Natawa rin si Apollo at puno ng kompiyansang umayos ng tayo.
"Iyon lang ho ba? Walang problema, sanay ho akong sumugal at sa pagkakatanda ko, wala pa naman akong hindi naipanalo."
Tumawa lang si Nanay at ang kapatid ko naman naipa-iling na lang at siyang puyos naman ng kalooban ko at naikuyom ang dalawa kong palad.
Hayup sa yabang!!