Victoria's POV Akmang aalis na ako sa kama nang bigla niyang hilahin ang paa ko na ikinatili ko at dinaganan niya ako, inipit sa pagitan ng katawan niya at ng kama. Abot-abot ang kaba ko kasabay ng habol kong paghinga habang nakahawak ako sa matigas niyang dibdib at nakatitig sa mukha niyang nakatawa. "Saan ka pupunta, huh?" pilyo niyang tanong. "Do you think you can run?" Magsasalita pa sana ako nang hawakan niya muli ang dalawa kong kamay at inilagay sa itaas ng ulo ko at idiniin ang hawak at inumpisahan na akong halikan sa leeg patungong tainga at tumigil doon. "H'wag kang magaalala dadahan-dahanin ko lang," masuyo niyang bulong at masuyo akong hinalikan sa pisngi na ikinapikit ko. Masiyadong mainit ang katawan niyang nakalapat sa akin kabaliktaran ng boses niya na sobrang lalim a

