Tintin POV “Ang bigat niya talaga!” Kanina pa namin sinusubukang akayin si Andrew pero hindi namin magawa ni Mutya. Hindi lang dahil mabigat kundi dahil napakatangkad nito, samantalang hindi naman kami katangkaran ni Mutya. “Dito ko na lang kaya siya hubaran” suhestyon ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Mutya “Dito? Baka biglang magising si Drake. Di naman ganun kadami ang nainom ng asawa ko.” ani Mutya. Tumahimik ito at mukhang nag-iisip, pagkuway biglang umaliwalas ang mukha. “Alam ko na, tatawagin ko lang yung driver namin.” anito at nagmamadaling umalis. Ilang sandali pa ay bumalik na ito kasama ang driver nila. “Lasing na lasing ah.” puna ni mang Berting nang makitang bulagta ang magkapatid sa sofa. Mukhang nasabihan na agad ito ni Mutya ng gagawin dahil dumiretso agad ito

