Tintin POV “Yan na ba talaga yun?” pabulong na tanong ni Liezel at sinisipat ang hawak kong maliit na bote. “Oo. kailangang maipainom ko agad ito sa kanya bago matapos ang araw na to, kundi mawawala ang bisa.” mahina kong tugon. “Basta hintayin mo lang yung text ko, ibig sabihin nun nasa opisina na niya si dok.” ani Liezel. “Okay, basta wag na wag mong kakalimutan ha. Sayang naman ang effort ko pag nagkataon. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko para lang makumpleto to.” “Nakuha mo talaga yung brief ni dok?” “Ssshh.. Hinaan mo boses mo. Oo kagabi, kaya pag-uwi ko ginawa ko agad ito.” gayuma ang aking tinutukoy. “Eh di nakita mo?” pilyang tanong nito. Pinamulahan ako ng mukha at hindi nakasagot.. “Oh my gosh! Nakita mo nga.” halos patiling sabi ni Liezel. Mabilis kong tinakpan

